Nagbabasa ako sa library at naghahanda para sa quiz namin mamaya pero hindi ako makapagfocus.
"Boom kapul headshot pre" bulong ng bumato sakin ng papel at nakipag apir sa kasama niya.
Nanggagalaiti ko silang tinignan at inirapan na lang, mga walang magawa sa buhay pati ako dinadamay pag ako nayamot tatanggalan ko ng bunbunan tong dalawang hipokritong to.
Paswit sila ng paswit sakin at paglilingon ako ay magmemake face sila.
"Kahit di na kayo magmake face mga mukha naman kayong unggoy." Singhal ko sa kanila at dali daling lumabas ng library para hindi na magantihan pa, baka kasi mamaya mainis ko sila pagtulungan na naman ako ng buong section nila
Pagkaalis ko sa library ay pumunta akong garden para nga magreview pero pagkatingin ko ng oras ay 5 minutes na lang ang natitira.
"Hay buhay kelan ba gaganda yung araw ko buti na lang maganda ako" sabi ko sa sarili ko pero mahina lang baka kasi may makarinig at sabihi-----
"Tanga mukha kang kulangot" napaiktad ako sa nagsalita at di napansing may tao pala sa likuran ko. Anak ng shuta naman oo minsan na nga lang mag maganda sasabihan pa ng mukhang kulangot!
Diko na lang siya pinansin at tumakbo na ko papuntang room baka namimiss na ko ng seatmate kong gwapo.
O diba panis kayo akala nyo napakamalas ko, akala nyo lang yon! Sorry kayo seatmate ko ang hearthrob ng school na si Drake Lee Severn ang pinakagwapo sa lahat ng gwapo nyahahaha
Taas noo akong naglakad papunta sa upuan ko at kitang kita ko ang mga hipokritang malalandi na nagliliyab ang matang nakatingin sakin, well ako lang to guys
Sakto pagkaupo ko ay dumating na ang professor namin at dali daling nagpasimula ng quiz. Kukuha na sana ako ng papel ng biglang may kumalabit sakin.
"Penge nga akong papel" sabi ni Drake yung gwapo kong seatmate, kinindatan pa ko e pacute mukha namang kuyukut ay keme lang
"Yaman yaman papel lang nanghihingi pa" bulong ko
"What?did you say something?" Tanong nya na kunot na kunot ang noo
"Hehehe wala eto o papel" sayo na lahat pati ang buhay ko at balunbalunan ko
"Thanks!" Then he smiled and look at to me like i am the prettiest woman in the world, ulol! Papel lang ang habol mo sakin ngiti ngiti ka pa diyan
Nagsimula na ang quiz pero binasic ko lang mygad sana ol no? Pero totoo madali lang ang quiz dahil eto lang ang pinag aralan kahapon.
Natapos quiz namin at ang mga susunod pang subject at ayun lunch na gutom na ang pinakamagandang dilag na mukhang lupa
Pumunta na kong cafeteria at tinginan naman agad sakin yung mga tao doon ngayon lang ata sila nakakita ng maganda
"Ay sis alam mo ba pacute daw yan kanina kay Drake nung nanghingi sa kanya ng papel kala mo naman magugustuhan sya e mukhang kuko naman siya" bulong nung lamang lupa na nakaupo malapit sa kinatatayuan ko
"Bulong bulong pa kayo rinig ko naman gusto nyo ba izipper ko yang mga bibig nyo nainggit na naman kayo sakin pwe!" Sabi ko sa kanila at nilayasan sila mga mukha namang clown sa kapal ng make up.
YOU ARE READING
All Lies
Подростковая литератураBinigay lahat ni Scarlet nagmahal siya ng totoo pero totoo din ba ang binigay sa kanya? It was all a lie personality,love,trust all and all. Hindi natin alam kung ano ba ang totoo o hindi.