Part 1

86 1 0
                                    

Haaayyy! Ahia Piolo Kier Chiao. Akala ko crush lang etong naramdaman ko syo pero bakit nasaktan ako nung nalaman kong ikakasal ka na? Alam ko namang hindi tayo bagay kasi twenty two years old ka na at namamahala ka na ng family business ninyo samantala ako fifteen pa lang at nag aaral pa. Pero sabi nila nothing is possible because in love age doesn't matter.

Ano kaya kung e-text ko na lang sya, kung sabagay hindi naman nya alam kung sino ako. Mabuti na lang at pumayag si Faith na ibigay sa akin ang contact number ni Ahya Piolo nung minsang nag sunday school kami.

Sinu si Faith? Sya si Crystal Faith Ong, sya lang naman ang nag iisang tao na matiyagang umiintindi sa akin, nakikinig sa lahat ng problema ko kasama na ang kalokohan ko at isa sya sa pinakamahalang tao sa buhay ko. Bestfriend ko sya since elementary grade kami at meron syang twin brother na sobra ang talino sa Math. Super active si Faith sa church ng school namin at dahil sa kanya nakilala ko si Ahya Piolo nang minsan inimbitahan nya akong umattend ng sayaw nila sa sunday school program.

Naghihintay kami ngayon sa bagong English teacher namin, nag maternity leave kasi si Teacher Valdez kaya pansamantalang may nagpalit sa kanya.

Nakatutok pa rin ang mga mata ko sa celfon ko kung e send ko ba ang naisulat kong message para kay Ahya Piolo. Sabagay, pwede din para mabawasan ang sakit na naramdaman ko, isa pa ikakasal na rin naman sya. Ilang ulit ko pa ito binasa kung tama ba ang naisulat ko.

Dearest Ahia Piolo, Hi! It's me, your future Mrs. Chiao. Or that's what I thought so.
Nabalitaan ko na ikakasal ka na... wheewww! Sakit! Tagos to the bones! Di ba nga sabi nila "True Love Waits?" Eh, bakit di mo ako kayang hintayin?! Seven years na lang gagraduate na ako ng college. Katulad na lang sa Bible, di ba si Jacob na nag work ng 14 years para lang kay Rachel? Eh, ikaw? wait ka lang ng seven years. No work na. Di mo na ako kailangan ligawan.... Sinasagot na kita. Now na! Grabe naman! True Love Waits! Hintayin mo ako! Nagmamahal, Ambisyosa

Ano kaya ang maging reaction nya pag mabasa nya ito. Napangiti ang isip ko. Nakakaloka lang talaga ang mainlove. Oh! Love ba ang tawag dito? Akala ko kasi crush ko lang talaga sya. Pasensya na po, bata pa ako at naguguluhan. Gumuhit ang ngiti sa labi ko.

"Next!" sabi ng bagong teacher namin. Napaangat ako ng tingin sa kanya at sa pagsiko ni Faith sa akin ay sabay kong napindot ang send sa hawak-hawak kong celfon.

"Y-Yes, Ma'am?" nauutal kong sabi habang pasimple kong tinatago ang celfon sa bulsa ko sabay sa pagtayo ko.

Wala na akong oras para itanong pa kay Faith kung anong oras o minuto dumating ang bago naming teacher. Nagulat na lang ako ng sikuhin ako ni Faith. Ganun na ba katagal at kalayo ang paglakbay ng kaluluwa ko at pati ang pagpasok ng teacher namin ay di ko na napansin?

"Introduce yourself."

Patay! Boses pa lang nginig na ang mga estudyante nya. Isa kaya sya sa terror English teacher namin?

"Ma'am, kilala na po ako ng mga kaklase ko."

"Introduce yourself to me not to your classmate." tumaas pa ng bahagya ang kaliwang kilay ng bago naming teacher.

Siga ka Ma'am ha! Wag ka ganyan. Wala ako sa mood. I'm broken hearted.

"Hello Ma'am! My name is Jana Mellisa Chua Que. I'm fifteen years old, female with black long straight hair and i have this beautiful hazel brown eyes. Chinese is my nationality. I have one brother. My parents are both Chinese citizen at we are happily living together here in Binondo, Manila, Philippines. " Lumingon ako sa mga kaklase ko at napansin ko na pahagikhik sila habang nagsasalita ako. Wa ako paki! Kilala nyo ako. Kaya ipinagpatuloy ko ang pagasalita ko. "I am fluent in Chinese speaking, Mandarin speaking and Filipino speaking is what I enjoy most. My hobbies are---- .

"Okey Miss Jana. You may sit down." Pakumpas kumpas pa ang kamay ng Teacher namin.

"Ma'am, what about my hobbies? Likes and dislikes? I'm not yet finished introducing myself to you?" tama naman di ba? Di pa nga nya alam ang mga yun, pauupuin na nya ako. Wow lang ha.

"That's enough for me. All i want to know is your name, not your whole life."

"Ay! Taray mo Ma'am ha." bulong ko habang paupo ako.

"What did you say Miss Jana?"

Napatayo naman ako bigla. "Ma'am, I said... I'm so happy that we have a pretty English teacher."

"Thank Miss Jana. You may now sit down."

Natawa naman ang isipan ko. Akala mo siguro Ma'am pretty ka noh. In your dreams...

Lumingon ako sa mga kaklase ko na nakangiting tumingin sa akin.

"Next!" sabi nya sa katabi ko.

Natapos ang klase namin sa kanya na puro introduce yourself lang ang ginawa, pwede naman na walang ganunan lang. Sabit na lang ng malaking namecard sa leeg para makilala nya kami ay pwede na kaya lang maarte talaga sya. Sinayang nya ang buong period.

Nag ring ang bell para sa next class namin at nagmadaling lumabas ang pretty teacher namin kuno.

Nang wala na ang teacher namin ay nagsigawan, hiyawan at tawanan ang mga kaklase ko. Ginaya pa nila ang mga sinabi ko kanina sa pag introduce ko sa bago naming teacher. Nag appearan pa sila sa akin at tawa sila ng tawa. Si Faith nga di ko na makusap dahil nagkandaluha luha na sya sa katatawa.

Natapos ang last period class namin ng hindi ko naisip si Ahya Piolo.

Inayos ko ang mga gamit ko sa locker ng lumapit si Faith sa akin at ipinakita ang text ni Ahya Piolo sa kanya. Napatigil ako sa ginawa ko at naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko.

"Ano ibig sabihin nito?" panghuhusga ng bestfriend ko.

"Ang alin? Ang pag aayos ko ng locker? Bestfriend naman eh, itatanong mo pa ba yun?" itinuloy ko ang ayos ng libro sa loob ng locker ko.

"Alam mo hindi yang locker mo ang tinutukoy ko."

"Eh, ano?" lingon ko kay Faith.

"Etong text ni Ahya Piolo sa akin." bulong nya sa madiin na boses.

"Hindi ko alam yan ha! Pabasa nga!" agaw ko sa celfon nya.

Mabilis na tinago ni Faith sa pocket nya ang celfon.

"Damot! Ano daw sabi? Kami na daw ba? Break na sila ng fiancee nya?"

"Aaahhh... Kung hindi lang kita bestfriend, matagal ko ng kinalbo yang black long straight hair mo." gigil ni Faith.

"Inggit ka lang sa hair ko kasi ikaw blond long curly hair. Hahahaha!" asar ko pa.

"Aba lang! Sa totoo lang ikaw ang naiinggit sa ganda ng mata ko. My deep blue sea eyes at kahit kelan hindi mo to manakaw sa akin." ganti ni faith sa pang aasar.

"Bukas pagpasok ko ganyan na ang kulay ng mata ko. promise!" nagtawanan kami sa kalokohan namin.

Pagkatapos kong mag ayos ng locker ay niyaya ko si Faith sa McDonalds sa tapat ng school gate namin para doon pag usapan ang tungkol sa natanggap nyang text galing kay Ahya Piolo.

Translation:
*Ahya - tawag ng mga Chinese sa Kuya
              - older brother
              - tawag sa mga mga lalakeng mas matanda syo

True Love WaitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon