Part 2

42 0 0
                                    


Habang palabas kami ng gate papuntang McDonalds ay hindi ko tinigilan si Faith sa pangungulit para lang malaman ang text ni Ahya Piolo.

"Ano ba Jana, di ka rin talaga makulit ano?" nangigigil na si Faith sa kakulitan ko.

"Faith naman eh, nakaka stress ka na. Sabihin mo na kasi para matapos na tayo. Hindi ka ba naaawa sa akin? Look at my eyebags... Ilang minuto lang na nakalipas, nanlalalim na ang mga mata ko sa kaiisip ng misteryosong text na yan!"

"Libre mo muna ako." sabi ni Faith ng makapasok kami sa Mcdo.

"Dyan ka magaling, libre mo ako nyan, libre mo ako nito, libre mo ako forever! Mas mayaman ka naman sa akin bakit adik na adik ka sa libre." pagmamaktol ko.

"Deal or no deal?" sabay taas ni faith sa celfon nya habang papalayo sa akin at naghanap ng bakanteng upuan.

Wala na akong magawa kundi mag order ng gusto nya.

"Miss, additional order pa ako ng bff fries, mc flurry oreo flavor at dagdagan mo ng maraming-maraming catsup." singgit ni Faith habang naghihintay ako sa inorder ko."Bestfriend, ikaw na bahala dyan ha. Kaya mo na yan."

Iniwan ako ng bestfriend ko na nakanganga. May magagawa ba ako? Abusado talaga!

Paglapag ko ng pagkain sa harap ni Faith ay nilantakan nya kaagad ang bff fries.

"Jana, yung spaghetti, bakit di mo inorder?"

"Wow lang ha, kanina sa counter nung nag additional order ka, bestfriend ang tawag mo sa akin. Ngayong hinahanap mo ang spaghetti mo, humahalagapak na Jana ang itawag mo sa akin! Walang stock ng spaghetti, naubusan!" ganun talaga kami ni Faith, yung mga tao na di kami kilala, ang akala nila nag aaway kami.

"Okey." nilabas ni Faith ang celfon nya at napasigaw ako.

Lumingon ang mga taong kumakain na katabi namin dahil nagulantang sa lakas ng pagsigaw ko.

"No spaghetti, no news." ganti ni Faith sabay kalikot ng celfon nya. Ang takaw lang!

"To follow na lang daw. Sige na Faith. Hihimatayin na ako sa ginagawa mo eh. "

Nag iba ang reaction ni Faith ng ipinakita nya sa akin ang laman ng text.

"Ano ibig sabihin nito?" hinarap nya sa akin ang text.

"Ay! Hindi ako ang gumawa nyan!" pag de-deny ko.

"Kilala kita Jana eh, magsinungaling ka pag iba ang kaharap mo pero betfriend kita mula't sapul. Bakit mo ginawa ito. Alam mo naman na ikakasal na si Ahya Piolo."

"Ano kasi... Aksidente lang ang pagka send ko dyan Faith, wala akong balak na sirain ang relasyon nila ng girlfriend nya."

"Yun nga Jana eh, pati si Ahya Piolo naguguluhan. Hindi daw nya alam kung sino ang nag send sa kanya ng message na 'to hanggang sa kumalat na sa buong kampus ang text message." pabulong nyang sabi.

"Kalat agad? Paanong nangyari na kumalat agad ang text message? Tsk! tsk! tsk! Naniniwala na talaga ako na may pakpak ang balita." napangiti pa ako sa sagot ko.

"Na send nya sa isa sa kabarkada nya, di naman akalain ni Ahya Piolo na ipagkalat nya ang text. Kaya ayun, pati kaming mga Dance for Christ dancers nakatanggap ng text."

Natahimik ako sa sinabi ni Faith. Ilang oras lang ang lumipas pero kalat na sa buong high school campus ang text message ko. Kung naisulat ko pala ang pangalan ko, malamang pinag guguluhan na ako ngayon.

"Sana hindi ito umabot sa fiancee nya. " sabi ni Faith na nag alala.

"Faith, wag ka na magalit sa akin, di ko naman sinasadya na ma send ang message eh. Accident lang talaga."

True Love WaitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon