Part 3

37 0 0
                                    

Lumipas ang ilang buwan na hindi ko nakita si Ahya Piolo. Siguro ikinasal na sya at masaya kasama ang asawa nya.

Patuloy pa rin ako sa pag aatend ng sunday school pero umaalis ako ng maaga para makaiwas sa mga lakad kasama ang grupo ni Faith.

Medyo nakaka move on na ako ngayon. Masyado kasing makulit etong si Rye. Naging malapit kami sa isa't isa hanggang sa nalaman ko na iba na ang naramdamdaman nya para sa akin.

Sinagot ko si Rye ng tumuntong kami sa grade twelve. Sa kanya lang umiikot ang mundo ko. Wala akong barkada, walang ibang sinasamahan at madalang na kaming magkasama ng bestfriend kong si Faith.

"Jana! Pssst!" tawag sa akin ni Faith ng minsang nahuli nya akong nag iisang naglalakad papuntang library.

"Uy! Bestftiend! Saan ang punta mo?" tanong ko kay Faith kahit alam kong sa library din ang punta nya. Marami kaming research paper na gagawin dahil sa papalapit na graduation namin.

"Bakit nag iisa ka? Saan na ang bodyguard mo?" palingon lingon pa sya na para bang ilang segundo lang ay lilitaw si Rye.

"Boyfriend ko si Rye, Faith. Hindi bodyguard."

"Yun nga eh, boyfriend mo pa lang yun pero pagmakaasta para mo ng asawa. Hindi ka ba nasasakal sa ginagawa nya syo Jana?" bulong ni Faith ng nakalapit na sya sa akin.

"Ano ang ibig mong sabihin Faith? Okay naman si Rye ah. Malambing at masaya kasama."

"Yun masayang kasama approve ako dyan pero yung lambing?! Nakakainis tingnan!"

"Nagseselos ka? Maghanap ka din ng boyfriend para di ka nag iisa." biro ko pa kay Faith.

"Ewan ko syo Jana. Minsan na nga tayo magkasama, iniinis mo pa ako! Dyan ka na nga. Magsama kayo ng asawa mong hitler!"

"Faith naman eh, wag ka na magtampo. Pagkatapos ko sa library, kakain tayo sa labas. Treat ko." paglalambing ko sa kanya. Na miss ko kaya ang bestfriend ko.

"Sige. Magkita na lang tayo doon." nauna ng maglakad si Faith papuntang library.

"Faith, teka lang naman. Bakit ka ba nagmamadali. Iniiwasan mo ba ako?"

"Jana... Kung iniiwasan kita dapat noon pa nung panay ang dikit ng Rye na yan syo. Halos inuubos na nya ang oras mo eh. Ay! Oo nga pala, bakit na di mo kasama ang asungot na yun?"

"Nasa Taiwan sya ngayon." malungkot kong sabi.

"Asus! Taiwan lang pala eh. Kung maka arte parang namatayan na."

"Faith naman eh."

"Eh, bakit kung maka emote ka parang di na sya babalik?"

"Sabi nya mga one week sya doon, matagal yun ha? Tsaka ma mi-miss ko sya."

"Aba! Pag maka miss! Akala mo asawa na nya. Tumigil ka dyan Jana ha. Ayan ka na naman eh. Inlove ka ba sa kanya?"

"Faith naman eh."

"Anong Faith naman eh. Kilala kita Jana ha. Magsabi ka sa akin ng totoo. Pagmalaman ko na nagsisinungaling ka! Kukurutin kita ng pino sa singgit!"

"Kasi Mommy--- ano eh!" asar ko sa kanya. Aba! Nanay ko ba sya at kukurutin ako sa singgit!

"Jana.. Mahal mo ba sya?" ayan na naman ang tiger look ni Faith.

Hinila ko si Faith sa isang bench na nadaanan namin papuntang libary.

"Sasagutin ko ba sya kung di ko sya mahal?"

"Pwede, kasi wala ka ng choice."

"May choice kaya ako, ang dami kong ngang manliligaw eh."

True Love WaitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon