Chapter 4

19 0 0
                                    

Pinagtatapon namin sa himpapatid ang graduation cap ng magsalita ang principal na "Congratulations Graduates". Lahat naghihiyawan, nagsisigawan at sobrang saya dahil sa wakas nalampasan na namin ang six years high school.

Kaagad na hinanap ng mga mata ko si Faith. Nakita ko sya sa kabilang row ng upuan namin at masayang niyakap ng mga magulang nya. Dahan dahan akong lumapit sa kanila pero hindi pa ako nakaabot sa kinaroroonan nya ay may yumakap na sa likuran ko.

Sa cologne pa lang nya ay alam ko na kung sino ang taong mahigpit na yumakap sa beywang ko.

"Happy Graduation Jan." sabi ni Rye.

Humarap ako sa kanya at wala akong nagawa ng bigla nya akong hinalikan sa pisngi. Nginitian ko sya at binati din.

Hindi na kami masyadong nagkwentuhan ni Rye ng lumapit ang mga parents namin.

"Paano, kita kits na lang bukas." sabi ko sa kanila.

"Sure, same place." sabay na sabi ni Faith at Rye.

Kinabukasan ay halos magkasabay lang kaming tatlong dumating sa dati naming tambayan. Ang Mcdo sa harap ng school namin.

Si Rye ay dumiretso sa counter para mag order ng makain namin.

After naming kumain ay kailangan pa naming tapusin ang pag asikaso ng mga clearance para wala na kaming gagawin kung ano man ang mga plano namin sa bakasyon.

"Faith, bagay syo ang outfit mo ngayon. Mukha ka ng dalaga." puna ko kay Faith na nakasuot ng black hanging blouse na may weirdo print at red colored fitted pants with matching boots.

"Dalaga naman ako ah!" dipensa nya.

"Feeling mo lang. Pero pagdating sa movie houses need mo pa magdala ng I.D para magpapatunay na seventeen ka na at pwede na tayong pumasok sa movie na may R-16."

Nagtawanan kaming dalawa.

Naghanap kami ng bakanteng upuan at tamang tama na dala-dala na ni Rye ang pagkain namin at sabay kaming umupo.

"So, ano ang plano mo Faith? You passed two famous universities her in manila. Napag isipan mo na ba kung saan ka mag eenrol?" kumuha muna ako ng fries habang hinihintay ng sagot ni Faith.

"Yah! Sa University of Sto. Thomas ako mag aaral." sagot nya sabay subo ng spaghetti.

"Si Rye naman----" naputol ako ng magsalita si Rye.

"Dito din ako mag aaral. De la Salle University." ngiting balita ni Rye sa amin.

Kitang kita ako ang pagkadismaya ni Faith.

"And i would like to tell you guys that I will be leaving tomorrow. Family vacation in U.S and I'll be back before the enrollment start." paalam nya sa amin.

Nabanggit na din sa akin ni Rye ang pagbakasyon nya sa U.S nung dumating sya galing Taiwan.

"Talaga? Alam mo Rye, kahit wag ka na din bumalik, doon ka nababagay eh." pagtataray ni Faith.

"Faith, tama na." saway ko sa patataray nya.

"Jannnnaaaa!" sigaw ng isang ka batch namin kaya sabay kaming tatlo na lumingon sa kanya.

"Janna, right?" sabi nya nung nakalapit na sya sa amin.

"Yes?!"

"My God! I'm so happy for you. Nakita ko sa Scholar list ang pangalan mo. Congratulations! Kelan pala ang alis mo? Baka magkasabay pa tayo ng flight. Goodluck ha, i mean, goodluck sa ating dalawa. Sa wakas may kakilala na ako na mag aaral sa Singapore University. Sige, alis na ako. Ibabalita ko sa parents ko na may kasabay na akong mag stay sa Singapore. Nice meeting you! Bye Janna." at sa isang iglap lang ay nawala na sya sa tabi namin.

True Love WaitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon