Chapter 2

10 0 0
                                    

 "In the beginning was the Word, and the Word was with God, and the Word was God."

Dahil maaga akong nakarating sa eskuwelahan kokonti pa lang kaming mga estudyante sa loob ng classroom. Sa isang sulok ay nagtipon ang ilan sa mga kaklase ko, ang kanilang mga upuan ay nakabilog at seryusong nakikinig sa isa ko ring kaklase na si Jonah.

Palagi talaga siyang maagang pumapasok dahil nagsasagawa pa siya ng "Bible study" kung tawagin nila katulad ng ginagawa nila ngayon.

"Mababasa mo ito mula sa libro ng John 1:1 may mga bible application ba kayo sa phone niyo? Kung wala ito may mga dala akong extra bible dito." At isa isa niyang nilabas mula sa bag ang kulay brown at maliliit na libro.

Yun na siguro ang sinasabi niyang Bible.

"Mas maganda kung sa libro tayo magbabasa kasi kapag sa phone maraming distraction.   Sino pa ang wala? Magdadala pa ako bukas para hindi na tayo sa phone magbasa." Nakangiting saad nito at ilan naman sa mga kaklase ko ang nagtaas ng kamay.

Tahimik lang akong nagmamasid, nahihiya kung makikisali ba ako o hindi. Ako lang kasi ang nakahiwalay sa kanila. Pero lahat naman ay pwedeng sumali palagi niya nga akong niyayaya pero agaran rin ang pagtanggi ko kasi minsan lang ako pumasok ng maaga at kapag pumapasok naman ay madalas may tinatapos na assignment o di kaya ay project. Ngayon lang ako napaaga na walang gagawin.

Sa huli ay yumuko na lang ako sa arm desk ng upuan, gusto kong matulog dahil hindi ako nagkaroon ng sapat na tulog kagabi. Hanggang ngayon ay bumabagabag sa aking isipan ang tungkol sa nangyari.

Iyon ba talaga ang nanay ko? Paano niya nalaman na doon ako nakatira? Bakit bigla  na lang siyang nagpakita? Marahan kong ipinilig ang ulo at iwinaksi ang nasa isipan.

Madaling araw na akong nakatulog kanina at paggising ko ay wala na ang dalawa. Akala ko nga panaginip lang pero may nakita akong dalawang plato na pinagkainan sa lababo kaya marahil ay kumain muna sila bago umalis.

Nagising ako dahil sa mararahang tapik sa aking balikat. Nang minulat ko ang mata ay bumungad sa akin ang mukha ni Jonah.

"Uhmm. Sorry sa paggising pero nasa kabilang classroom na raw si Mrs. Gonazales baka maabutan ka niyang tulog." Nakangiti nitong saad pero mababakas mo pa rin sa mukha ang pagaalinlangan.

Agaran ang pagiling ko. "Naku ok lang. Salamat sa paggising naka tulog na pala ako." Nahihiya akong ngumiti dito.

Bago pa siya makasagot ay dumating na ang aming prof at kaagad nagsimulang magturo. Aligaga naman akong kumuha ng ballpen at yellow pad para mag take notes.

Lunch break ay isang burger at bottled mineral water lang ang nabili ko. Bumalik agad ako sa room para makapag post ng mga items online. Sinasamantala ko palagi ang mga bakanteng oras katulad nito kasi paguwi sa bahay minsan na lang ako makapag post dahil maraming assignments ang gagawin, kailangan din mag advance reading para di mapahiya sa recitation.

Abala ako sa cellphone nang may biglang pumasok sa room napaangat ang tingin ko sa may pintuan at nakitang si Jonah lang pala iyon.

Deretso itong tumungo sa banda ko, magkatabi kasi kami ng upuan. Muli akong yumuko at itinuon ang pansin sa pag po-post online.

"Tapos ka nang mag lunch?" Tanong nito sa akin habang may inilalabas na violet notebook sa bag niya.

"Ah Oo tapos na." Nagaalangan kong tugon. Di alam kung sasabihin ko ba na mineral water at burger lang ang lunch ko kaya mabilis akong natapos. Sa huli ay nanahimik na lang ulit ako matapos niyang tumango sa naging sagot ko.

Mabilis na natapos ang panghapong klase namin, tambak na assignments na naman ang kailangan kong gawin mamaya.

Dahan-dahan akong naglalakad palabas ng gate habang nagsusulat ng mga dapat kong gawin sa aking sticky note. Nakasanayan ko na itong gawin sa tuwing uwian para walang makaligtaan, mahirap na.

"Tang*na! Ano hindi ka pa uuwi?!"

Bahagya akong natigilan matapos marinig ang sigaw na iyon. Naibaba ko ang sinusulatang sticky note at napalinga sa paligid.

"Bilisan mo na! Ano ba! Tang*na naman!"

Isang lalaki ang nakasandal sa motorbike nito habang nakakunot ang noo. Marahas niyang binaba ang cellphone matapos ang tawag. Sinipa pa nito ang ilang maliliit na bato sa harap niya.

Huli na bago ko napagtanto na matatamaan ako ng mga iyon, napatigil ako sa paglalakad ng matamaan ang dalawang paa ko. Mabilis akong namilipit sa sakit at napakagat labi para pigilan ang pa-impit na sigaw dahil sa sobrang sakit.

"Bakit ngayon ka lang!? Huh! Kanina pa ako tumatawag sayo ah! May lakad pa ako! Tang*na talaga!"

Napantig na naman ang tainga ko sa muling pagmumura nito. May dumating na babae nakasuot din ng uniform katulad ng akin nakatalikod ito kaya di ko makita ang mukha. Siguro girlfriend niya di ko lang alam kung nagaaral pa rin itong lalaki di  naman kasi nakasuot ng uniform.

Black ripped jeans at isang puting t-shirt ang suot nito. May kumikinang na hikaw sa kaliwang tainga at hawak na sigarilyo sa kanang kamay. Isang huling hithit pa bago niya ito tinapon sa side ko.

Sinundan iyon ng tingin noong babae kung kaya't napatingin din ito sa gawi ko. Hindi ko inaasahan na si Jonah pala iyon, gulat din ang naka rehistro sa mukha nito. Magsasalita pa sana siya nang biglang hinagis sa kaniya noong lalaki ang isang helmet na ka agad naman niyang nasalo.

Mabilis na pinaarangkada noong lalaki ang motorsiklo at ang nagawa na lamang ni Jonah ay kawayan ako bago sumampa at umalis.

Nabitin sa ere ang kamay ko na kakaway sana pabalik kay Jonah. Binaba ko na ito at naglakad na lang din palabas para maka abang ng sasakayang tricycle pauwi. Hindi nagtagal ay may dumaan na rin kaso punuan pero pagod na ako at gusto ko nang umuwi kaya nakipagsapalaran ako at nakipagsisikan sa loob.

Pagdating sa apartment ay napadesisyunan ko munang matulog kahit saglit bago gawin ang mga dapat gawin.



Through it AllWhere stories live. Discover now