Prologue

24 0 0
                                    

"Miss! May nahulog!"

Sandali akong napahinto sa paglalakad dahil sa narinig. Hindi man sigurado kung ako yung tinutukoy nila, mas mabuti na yung naninigurado.

Tiningnan ko ang mga dalang kong plastic at inisa-isa ito. So far wala naman kulang. Kahit nabibigatan sa aking mga dala ay muli akong naglakad. Mahirap na baka maiwan ako ng last trip.

Ngunit napahinto din ulit ako nang muli silang sumigaw dahil sa puntong ito klaro na ako nga ang tinutukoy nila.

"Miss! Na naka orange na T-shirt at naka heels! May nahulog ka!" Sigaw nito

Nilingon ko ang dinaanan ko kanina at inaninag ng mabuti kung talagang may naiwan ako. Nangunot ang noo ko nang makitang wala naman.

Napabaling ako sa gawi ng mga kalalakihan kung saan nanggaling ang sumigaw. Batid kong mga estudyante na din ito sa kolehiyo katulad ko dahil sa mga suot nitong pamilyar na uniporme. Hindi ko lang matandaan kung saan ko na nakita iyon noon.

Karamihan sa kanila ay naka upo sa silyang pahaba sa gilid nitong kahabaan ng terminal. Ang iba naman ay nakatayo at may mga hawak na sigarilyo na maya't mayang hini-hithit. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang hawak na beer in can ng ibang lalaki.

Napailing na lang ako sa sarili. Naka uniporme pa sila, hindi nila alintana ang mga titig ng ibang mga tao na dumadaan sa parteng ito.

Sa mga hitsura pa lang nila, siguradong pinaglalaruan lamang nila ako kanina.

Muli akong naglakad at hindi na huminto pa kahit sumigaw na naman ang isa sa kanila.

"Miss! May nahulog ka nga!"

Lakad takbo na ang ginagawa ko at halos pinagtitinginan na ako ng mga tao sa dami ng mga bitbit ko.

"Yung panty mo Miss! Nahulog!" Huling sigaw pa nito na mas malakas kesa sa mga naunang sigaw niya kasunod ang malakas na tawanan nila. Kahit malayo layo na ako ay rinig ko pa din sa dami nilang tumatawa.

"Jusmiyo! Kay babastos naman ng mga batang iyon." Rinig kong saad ni aling nagtitinda ng mais na nilaga na nadaanan ko.

Napatango naman ako sa naging komento nito.

Ang kaninang lakad takbo kong ginagawa ngayon ay tuluyan ko nang tinakbo ang distansya pang natitira patungo sa huling jeep na nakaparada.

Hinihingal kong narating ang jeep at kaagad na pumasok nagbabakasakaling may mauupuan pa.

"May mauupuan pa po ba?" Tanong ko sa isang pasahero na komportable nang nakaupo.

Umiling lamang ito sa akin at sinalpak na sa magkabilang tenga nito ang earphone.

Bagsak ang parehong balikat na naupo ako sa lapag. Kung magiinarte pa ako ay wala na akong masasakyan ito na ang huling jeep. Kung hindi dahil sa mga lalaking iyon kanina pa sana ako nakarating dito at komportableng naku upo sa loob.

"Miss bawal dyan baka may makakitang pulis! Bumababa ka na lang!" Sigaw ni kuyang konduktor mula sa loob.

"May bababa naman na po siguro sa malapit kuya bago tayo dumaan sa crossing. Wala na po kasi talaga akong ibang masasakyan." Pakiusap ko dito. Bahagya itong lumapit sa driver para humingi siguro ng permiso.

Napabuntong hininga ako nang makitang tumango ang driver at maya maya pa ay umandar na ang sinasakyan namin.

Habang nasa byahe ay panay ang check ko sa mga items sa loob ng plastic baka kasi may butas na pala hindi ko namamalayan magagalit sa akin ang buyer at baka hindi niya na bilhin ng tuluyan ang mga ito.

Hindi nga ako nagkamali ng may pumara sa ikalawang barangay na nadaanan namin. Bumaba muna ako para makababa ito ng maayos.

Pagpasok ko ay muli itong umarangkada. Lihim akong napangiti sa ginhawang nadama nang makaupo sa mismong upuan at hindi sa lapag. Masakit sa pangupo at likod ang pwesto ko kanina dagdag pa ang bag ko sa likod na may lamang laptop at itong mga bitbit kong plastic.

Ngayon ko kasi kikitain yung buyer ko dahil ito lang daw ang bakante niyang schedule. Nahihirapan man ay pilit kong kinuha ang Cellphone ko sa bulsa ng aking fitted skirt. Nasa school pa lang ako kanina sabi niya sa chat ay naghihintay na raw siya sa 7/11 nag send pa nga siya ng litrato kaya sigurado akong hindi ito prank or scam.

Pagkakuha ko ng cellphone ay agad kong chinat si Ateng buyer na malapit na ako. Pero hindi na ito online "active 56 minutes ago" ang nakasaad sa baba ng pangalan niya sa kaliwang bahagi ng messenger. Siguro kumakain lng ito almost 7pm na din kasi ako nga nagugutom na pero sa apartment na lang ako kakain.

"Para po! Dito na lang po ako manong!"
Sigaw ko ng nasa tapat na kami ng 7/11. Huminto din naman ito at bumaba na ako. Pero hanggang ngayon ay wala pa ring message si ateng buyer.

Dumeretso na lang ako sa loob at hinanap ang buyer ko, based sa sinend niyang picture medyo may katabaan si ate nakasuot ng pink na pangitaas at makikitang nasa likod niya ang chocolates section nitong 7/11.

Pinuntahan ko ang chocolates section at sa dulo noon ay may lamesa at upuan nga akong nakita. Marahil ay dito nga nakaupo kanina si ate. Umupo din ako sa isa sa mga silya doon at chinat si ate na nasa loob na ako ng 7/11 nagsend din akong picture dito.

Pero halos isang oras na ang nakakalipas wala pa rin itong reply kahit seen ay wala. Tatayo na sana ako para umuwi ng tumunog ang cp ko hudyat na may nag chat. Dali dali kong binuksan ito at halos mapatalon ako sa tuwa mg makitang nag reply si ate.

Kanina pa pala siya naghihintay dito kaya naglakad-lakad muna siya habang naghihintay sa akin. Panay ang paumanhin ko dahil aminado akong pinaghintay ko nga siya.

Pagkatapos ay tinanong ko kung nasaan na siya ngayon sabi niya ay icha-chat niya na lang maya maya kasi may nakita daw siyang kakilala niya sa lugar.

Naghintay naman ako, at ilang minuto pa lang ang nakakalipas ay nag chat naman kaagad ito at sinabi kung nasaan siya.

Kinabahan ako pagkatapos mabasa ang message nito na nagsasabi kung nasaan siya ngayon. Hindi ko makakalimutan ang lugar na iyon sa tanang ng buhay ko simula nang maging online seller ako.

May masamang kutob man ay pinilit ko ang sarili na pumunta pa rin sa lugar. Baka nagkataon lang na doon siya napadpad. Sumakay akong tricycle papunta doon. Nang makita ang pamilyar na waiting shed ay pumara na ako at agad na bumaba nang maiabot ko na sa driver ang bayad.

Deretso akong naupo sa waiting shed at naramdaman ko na naman ang pamilyar na pakiramdam, magkahalong pagkadismaya at panghihinayang. Lahat kasi nang naging buyer ko na dito ang piniling lugar para sa meet up ay lahat bogus buyer.

Kahit isa sa mga iyon ay walang sumipot. Magkakaibang tao naman at legit naman ang mga impormasyon nila sa facebook account nila.

Sana iba si Ate sa mga nauna kong buyer. Nag chat ulit ako sa kaniya na nandito na ako sa lugar at nag send ulit ako nang picture .

Nang igala ko naman ang paningin sa kabuuan ng lugar ay limang tao lamang kaming naroon. Ang isa ay si manong nasa tabi lang ng waiting shed na kinauupuan ko nagtitinda ng balot. Ang ikalawa't ikatlo naman ay ang mag-asawang bumibili ng balot.

Ang ika-apat naman ay nasa kabilang parte ng kalsada, batid kong lalaki ito sa tikas at tindig pa lang. Suot ang isang kulay pulang pantalon at itim na hoddie jacket na nakasandal sa itim niya ring motorsiklo ay medyo pamilyar sa akin.

Siguradong hindi ako nagkakamali sa tuwing may ka meet up ako dito ay palagi ko rin siyang nakikita sa parehong pwesto. Siguro gabi gabi talaga siyang narito at may kikitain din. Abala kasi siya sa sariling cellphone.

Panay ang pagtapik ko sa aking binti dahil sa mga lamok na maya't maya ay kumakagat sa akin. Sa mga ganitong pagkakataon talaga ako naiinis kung bakit fitted skirt ang isa sa mga uniporme namin.

Mag dadalawang oras na akong naghihintay pero wala pa ring sumipot. Naubos na ni manong ang tinda niyang balot kaya't pauwi na siya. Wala na rin yung lalaki sa kabilang kalsada.

Naluluhang tumayo ako at nakapag desisyon na umuwi na lang din. Nang makakita ng trycicle ay agad kong pinara ito bigo akong sumakay at nilisan ang lugar na iyon.

Through it AllWhere stories live. Discover now