Chapter 3

5 0 0
                                    

"God is also reminding us today that whatever we are facing right now, He has not abandoned us."

Katulad ng mga nakaraang araw walang palya si Jonah sa pakikipagusap sa mga kaklase ko sa isinasagawa nilang Bible Study sa loob ng classroom. Matapos nitong banggitin ang katagang iyon ay sumilay ang isang ngiti sa labi niya  at simpleng tumango sa akin habang patungo ako sa upuan. Tango lang din ang naging tugon ko dito. Kakarating ko lang kasi at kagaya ng dati mas maaga sila sa akin para sa Bible Study na ito.

"No matter how far you go or down you get, He will not forsake you." Pagpapatuloy nito

"God  will not forsake you." Paguulit niya

For the first time, those words she utter lingered on my ear. It touches something deep within me but I couldn't explain it. Out of curiosity, pinili ko pang makinig sa mga sasabihin ni Jonah. Isinubsob ko pa rin ang aking mukha sa arm desk ngunit hindi ako natulog gaya nang parati kong ginagawa bago dumating ang aming propesor sa unang subject.

"It is written in Isaiah 41:10 Do not fear: I am with you; do not be anxious: I am your God. I will strengthen you, I will help you, I will uphold you with my victorious right hand." Ani ni Jonah "This is one of the most common verses from the Bible. Nasisiguro kong narinig niyo na rin ito o di kaya'y nabasa sa mga motivational quotes but let me ask you.... Do you believe that God will not forsake us?" Makalipas ang ilang segundo ay walang sumagot kay Jonah.

I myself can't answer it too, totoong madalas na ginagawa itong motivational quotes at dumadaan sa news feed ko. I'll just scroll down again not minding it. Sa totoo lang Oo alam kong may Diyos but I couldn't help to ask myself most of the time. If there's God why am I suffering? Why I don't have a family? Why I was born unfortunate? Do I choose this kind of life? Certainly not. If I will have a choice to live I will choose not to.

Limang araw na ang nakalipas pero di na muling bumalik yung babae. At sa mga nakalipas na araw ring iyon ay maraming tanong ang naglaro sa aking isipan. Hirap akong makatulog kahit na pagod ako buong araw. Gusto kong itanong kung siya ba talaga si Nanay? Bakit ngayon lang ulit siya nagparamdam? Nasaan si Itay? Agad rin namang naputol amg pagiisip ko ng magsalita ulit si Jonah.

"Ang hirap sagutin diba?" Sagot ni Jonah sa sarili niyang tanong dahil wala ni isa sa mga kaklase ko ang sumagot "There are a lot of instances in our lives that goes against us. May mga araw na akala mo pasan mo ang mundo sa sobrang bigat? Things happened not according to your plan. You feel abandoned and no one is there for you. No one cares for you." Pagpapatuloy nito

"But have you ever wonder why you're still here right now? Sitting comfortable here in fron of me? What happened from those suicidal attempts or thoughts we had because we're breathing the same air right now? I know you've been through a lot guys. Each of us fought silent battles and we won that's why we're still breathing right? Who do you think is there for you through out those times? Who gives you strength? Anyone?" Pagtatanong pa nito

"It is no other than our Almighty God. Without you knowing He's been there for you when no one does. When your family, friends and partner failed you God is the one who became your family and friend. He understands you when no one does. He goes with you when you smile or with tears. God comforts us and He does it always. So please always keep it in your mind guys You are not Alone. You were never alone. " 

Unconsciously, I felt a small smile crept on my lips. Upon the realization that she's right. I have this feeling that I want to hear some more.

"God is there. God is with you. God understands. God will carry you through your pain. And that ends our topic today guys it almost 7 am na parating na yun si Ma'am Olivia bukas ulit. Thank you!" She chuckled a bit after saying it.

Umahon na rin ako at inayos ang sarili sa pagsisimula ng klase. Buong maghapon ay halos lahat ng subject may pa surprise quiz mabuti na lang at nakapag advance reading ako kagabi.

Inaayos ko na ang bag ko sa balikat para sa paguwi nang mapansin kong panay ang sulyap ni Jonah sa banda ko. Kaming dalawa na lang ang natira sa room katulad ko ay nagaayos na rin ito ng gamit sa kaniyang bag. Naalala ko tuloy nung isang hapon. Hindi ako sigurado kong boyfriend  niya ba iyon hindi ko rin naman kasi siya talaga kilala kung may kapatid ba siya o kasintahan. I just knew her as my classmate.

Palaisipan lang sa akin kung nobyo or kapatid niya man iyon bakit palamura? Ako nga na hindi relihiyosang tao pero naririndi na sa mga ganoon siya pa kaya? Naputol ang pagiisip ko ng makitang nasa harap ko na ito. Medyo nahiya ako na sila ang pinagiisipan ko.

"Hi! Uuwi kana rin ba? Sabay na tayo palabas?" A smile again crept on her lips after saying it. She always smiles. Ang singkit niyang mga mata ay lalong naniningkit. She has soft features. We have the same height but since she's slender she seems small di katulad ko na hindi naman payat o mataba katamtaman lang.

I only nodded at her di sigurado kong ngingitian ko rin siya kasi magmumukha rin lang namang fake yun. So pinili ko na lang tumango.

Sabay kaming naglakad palabas ng gate. Biglang tumunog ang mobile phone nito agad niya naman sinagot ang tawag.

"Hello Kuya? Oo nasa labas na po ako sa may..." She looked puzzled for a seconds at nang binababa niya na ang hawak na mobile phone naisip kong baka binabaan na agad siya ng tawag kahit di pa siya tapos.

"Sorry Kuya ko ang tumawag naninigurado kung uwian na natin." She explained herself kahit di ko naman tinatanong kaya tumango na lang ulit ako.

"Siya nga pala busy ka ba kapag Sunday? Alam kong nakukulitan kana sakin kasi palagi na lang kitang ini-invite pero baka lang bakante ka this Sunday hehe." Nahihiyang saad nito. Totoong pang ilang beses niya na itong tinatanong sa akin pero dahil weekend ginugugol ko iyon sa iba't ibang raket kaya di ko siya mapaunlakan.

I tried my best to plaster a smile on my face "Okay lang Jonah ako nga ang nahihiya ilang buwan na rin pero di kita mapaunlakan. Pero katulad ng dati marami kasi akong ginagawa kapag weekend. Pasensiya kana." I saw how sadnesss passed through her eyes after I say it.

"Pero titingnan ko kung may bakante ako icocontact kita." Pagbabawi ko agad to at least changed her mood.

"Sure! Yes ito number ko asan phone mo ita-type ko na lang." That changes her mood instantly now a little smile shows on her face again.

"Ito oh." I gave my phone to her para ma type niya yung numero niya doon. Pagkabalik niya sa akin ng mobile phone ay saktong may humintong motorbike sa harap namin.

"Sakay! Bilis Jonah!" Pamilyar na boses iyon. Sabay kaming tumingin sa lalaking nakaangkas sa motor.

"Thanks Micaiah! Update mo na lang ako hah! Uuna na ako andyan na si Kuya Bye!" Kumaway siya sa akin at agad lumapit sa motor. Katulad ng dati binigyan ulit siya nang helmet noong lalaki.

Kuya. So kapatid niya pala yung lalaki and that made me wonder again. Tanda ko pa ang pagmumura nito diba siya naturuan ng kapatid niya? About sa Bible? I wonder. Based sa logo nito sa Partido State University pala siya pumapasok. Ngayon ko lang natingnan ang uniporme nito nang malapitan. Hindi ko makita ang mukha niya kasi nakasuot ng helmet. Bakit kaya hiwalay silang school kadalasan kasi sa magkakatid same school ang pinapasukan
Naramdaman siguro nang lalaki ang paninitig ko kaya galing sa phone screen niya ay inilipat niya ang tingin sakin.

Agad ko namang iniwas ang tingin at kinalikot ang phone ko para i check ang number doon ni Jonah. I find it cute when she put a smiley face after her name as her name referrence sa contacts ko. Tiningnan ko ulit ang magkapatid kasi di pa sila umaalis sa harap ko di katulad ng dati na nagmamadali ang kuya niya.

Pag-angat ko ng tingin ay siya ring paginit ng pisngi ko sa kahihiyan eh pano nakatingin pa rin ang kuya niya sa akin. It made me uncomfortable so I glanced at her sister. Nakita kong tinapik nito ang balikat ng kuya niya saka pa lang ito nag start ng engine. Bago nito pinaharurot ang motorbike I caught him glanced at me again.

I don't remember seeing him anywhere but the built of his body seems familiar. Napailing na lamang ako sa na isip. That is least of my concern now. Pumara na rin akong tricycle agad para makauwi na.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 28, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Through it AllWhere stories live. Discover now