Chapter 1
"Manong dyan na lang po sa kanto." Sabi ko sa tricycle driver. Hininto naman kaagad nito at pagkaabot ko nang bayad ay bumaba na rin ako.
"Oh Gabing gabi ka na Mikay! Ang dami mo ring bitbit na plastic ano na naman ba ang mga iyan?" Sita sa akin ni Aling Muning ng nasa harap na ako ng kaniyang karinderya. Nginitian ko naman ito at sinagot.
"Sapatos at cellphone case po ang mga ito Aling Muning. Mag tatatlong buwan na din po akong nagbebenta ng items online."
"Ay pati ang pagbebenta online pinasok muna? Ito talagang batang ito ay kung ano-ano na lang ang nagiging raket." Nahinto pa ito sa pagpupunas ng lamesa at nakahawak pa sa beywang na nagsasalita animo'y na nenermon sa akin.
Nangingiti ko na lamang na kinawayan ito. Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad ng muli ako nitong tawagin.
"Mikay Sandali!" Bahagyang sigaw nito.
Napaharap ulit ako at naabutan kong nakaupo na ito sa silya at may kinakausap na isa sa mga waitress niya. Tumango naman ang waitress dito at umalis na din kaagad na siya namang pagbaling sa aking gawi ni Aling Muning.
"Halika dito Iha maupo ka muna." Sabi nito at iminuwestra sa akin ang silyang kaharap niya. Agad naman akong lumapit dito at naupo matapos ibaba ng maayos ang mga bitbit ko sa ilalim ng mesa.
"Sabayan mo muna akong kumain at ako'y hindi pa naghahapunan." Nakangiti nitong saad sa akin. Kasabay ang pag dating ng waitress na kaninang kausap niya dala ang mga pagkain ay hinain niya ito sa mesa.
Agad kumalam ang sikmura ko nang malanghap ang amoy ng mga ulam. Hindi ko lang pinahalata kasi nakakahiya, sa apartment na lang ako kakain.
"Hmmm Aling Muning pasensiya na po pero hindi na po ako makakatagal. Marami pa po kasi akong gagawin na mga projects na kailangang ipasa bukas. Maraming salamat na lang po." Nahihiyang sabi ko at dahan-dahang dinadampot ulit ang mga gamit sa ilalim ng lamesa.
"Oh siya ganoon pala. Sayang naman. May pagkain ka pa ba sa tintulayan mo? Maaari ko naman itong ipabalot na lang ng may makain ka paguwi mo."
Sunod sunod ang naging pag iling ko habang tumatayo sa upuan.
"Naku huwag na po! Mayroon pa po akong pagkain sa apartment. Maraming maraming salamat na lang po ulit." sagot ko dito. Natigil naman ito sa pagkukumahog na mabalot ang mga pagkain sa plastic.
"Mauna na po ako Aling Muning. Maraming maraming salamat na lang po talaga." Pagpapaalam ko dito. Muli ko itong kinawayan bago tuluyang umalis at magpatuloy sa paglalakad.
Hindi ko na hinintay pa na makasagot ito. Mabilisan na akong naglakad palayo sa karinderya niya. Alam kong ipagpipilitan na naman niya na dalhin ko ang mga pagkain kanina.
Nakakahiya naman ang ganoon. Alam kong naaawa at nagaalala na sa akin si Aling Muning dahil minsan na niya akong nakitang himatayin noon dahil sa gutom.
Marami na ang naitulong niya sa akin, minsan pa nga ay siya na ang nagbabayad ng matrikula sa aking eskuwelahan para lang maka pag exam ako.
Siya rin minsan ang nagbabayad muna sa landlady doon sa aprtment na inuupahan ko sa tuwing pinapalayas na ako dahil sa hindi pa nakakabayad sa buwanang bayaran.
Mabait at matulungin si Aling Muning. Pero ayaw ko naman abusuhin ang kabaitan nito. Alam kong mahirap makakuha ng pera sa panahon ngayon, kaya kahit nahihirapan ay paunti-unti kong binabayaran ang mga perang ipinambayad nito para sa akin.
Noong una nga ay ayaw pa niyang tanggapin at tandang tanda ko pa ang palaging sagot nito sa akin sa tuwing tatanggi sa pag bayad ko.
"Naku! Iha ako'y tumulong ng bukal sa kalooban ko. Hindi mo na kailangan bayaran dahil iyon ay tulong ko at hindi pautang."
YOU ARE READING
Through it All
Romance"GOD will make you happier, but first, HE will make you stronger." Christian Series #1