Balik-Tanaw

2 0 0
                                    




Hindi ko alam kung saan magsisimula

Nararamdama'y sadyang kakaiba

Hayaan mong ipadaan na lang sa tula

Ang nais kong sabihin sa tuwina.



Hayaan mong aking balikan

Kwento sa likod ng ating pagkakaibigan

Pagkakaibigan na lumalim nang tuluyan

Pagkakaibigan na nauwi sa pag-iibigan.



Friend Request ay iyong pinindot

Confirm naman ang aking isinagot.

Enero 15 ng ika'y unang makilala

Nagchat ka at ako nama'y natuwa.



Sapagkat nadagdagan na naman

Listahan ng aking mga kaibigan,

Hanggang sa pag-uusap nati'y humaba nang tuluyan.

Pag-uusap na wala namang katuturan.



Hanggang sa hindi inaasahan

Ika'y nakita nang biglaan.

Tila isang kabute na sumulpot sa kung saan.

Tila isang hangin na nagparamdam lang.



Hanggang sa nagpasya tayong magkita

Ms. Munoz pa nga noon, tanda ko pa.

Kumain tayo sa tapsilugan

Kasama pa nga, aking mga pinsan.



Sa sobrang kaba ko noon

Hindi ko man lang nasabi ang iyong pangalan

Hindi man lang kita naipakilala sa aking mga pinsan.

Kaya humihingi ako ng pasensya, nawa'y wag ka sanang magdamdam.



Alam ko naman na marami pang pagkakataon

Makikilala ka rin nila sa tamang panahon.

'Wag lang sanang mainip, puso mong umiibig

Darating ang araw, at ako ri'y iibig.



Maaamin din sa sarili na ika'y mahal din

Kaya 'wag sanang bigyan ng diin

Pagmamahal na nararamdaman mo sa akin

Dahil handa na muling subukin, pag-iibigan na pinakahihintay natin.



Kaya naman hanggang dito na lang muna

Mga alaalang babalikan sa tuwina

Sapagkat atin pang bubuuin at dadagdagan

Mga masasaya at panibagong alaala ng ating pag-iibigan.





-Plagiarism is a Crime-

Original works of the author, no parts can be reproduced.

Tala (Koleksiyon ng mga Likhang Tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon