Mahika ng Pag-ibig

5 1 0
                                    


Pagmamahal sayo'y lumalalim

Tulad ng isang balong malalim

Hindi maipaliwanag

Hiwagang nadarama



Tila isang Mahika

Makapangyarihan at kakaiba

Ano ba ang iyong ginawa?

Bakit puso ko ngayo'y tuwang-tuwa.



Buhat nang makilala ka

Lahat ay tila nag-iba

Tila isa kang Payaso

Binibigyang ngiti ang aking puso.



Tila isang gamugamo

Binibigyang liwanag ang buhay ko

Wala na akong maisip pa

Sadyang ikaw lang kasi sapat na



Kaya maraming salamat

Isa kang malaking alamat

Dahilan kung bakit nawala ang aking gulat

Gulat at takot na mahalin ka nang tapat




-Plagiarism is a Crime-

Original works of the author, no parts can be reproduced.

Tala (Koleksiyon ng mga Likhang Tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon