Takipsilim

4 0 0
                                    



Sa mapanglaw na gabi,

Puso'y di mapakali

Nagmumukmok at nag-aatubili

Tulala sa isang tabi.



Di malaman ang dahilan

Tila ba ika'y naguguluhan

Tuliro, tila nawala ang kamalayan

Tila ba wala ng katapusan.



Sa dilim ng kahapon

Sa damdaming nakakahon

Sa paglipas ng panahon

Umaasang makaaahon.



Nag-aagaw ang liwanag at dilim

Puso'y tila napuno ng panimdim

'Di mawari, 'Di masuri

Tila isang tuko, na mapagkunwari.



Nakaraa'y muling binabalikan

Tamis ng kahapo'y 'di makalimutan

Ala-ala na 'sing ganda ng buwan

'Di makalimutan kapag kuwan.



Ngunit gayunpaman

Nananatiling nakangiti

Naghihimutok na liwanag

Kailanma'y hindi mapapawi......




-Plagiarism is a Crime-

                    Original works of the author, no parts can be reproduced.

Tala (Koleksiyon ng mga Likhang Tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon