Patawad Mahal

1 0 0
                                    



Nasaktan kita noong una pa lang

Nagsinungaling ako sa aking nararamdaman

Hindo ko lubusang matanggap na ika'y mahal pa lamang

'Pagkat galit at inis sa puso ko nakatatak nang tuluyan.


Patawad mahal sa mga salitang aking binitawan

Mga sakit na nakadagdag sa sakit na iyong nararamdaman

Patawad, patawad, patawad, mga salitang nais kong bigkasin

Bigkasin nang tuluyan mula sa iyong harapan.


Pasensiya na sa mga biro ko sayo

Pasensiya na sa lahat ng katangahang nagawa ko

Pasensiya na, pasensiya na,pasensiya na mahal ko

Hindi ko lang kasi maamin sa sarili ko ang pagmamahal ko sayo


Lumipas ang panahon, ngunit nararamdaman ko sayo ay 'di nagbago

Tila isang patibong nang mahulog ako sayo

Hindi ko alam kung makakaahon pa ba ako

Sa balong kinahulugan ko tungo sayo.


Kaunting panahon pa, ang mahihiling ko

'Wag ka sanang magsasawang intindihin ang kaabnormalan ko

Pangako ko sayo na may patutunguhan ang pagmamahal mo

Kaya sana ay mapatawad mo ako sa lahat ng nagawa ko.



-Plagiarism is a crime.-

Original works of the author. No parts can be reproduced.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tala (Koleksiyon ng mga Likhang Tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon