II.
Clarisette.
For the first time in my university life, I felt the urge to cut classes.
Ngunit kapag nalaman ng magpinsan na ginawa ko iyon, bubungangaan nila ako panigurado. Annika is a bit lenient but Louis? I don't even want to talk about it. But who cares though? Not me.
After that dreadful class in Advanced Tour Guiding, sinipat ko ang schedule ko at napangiwi nang makita na Literature ang huli kong klase. Paborito ko sana kaso kaklase ko ro'n ang bwisit kaya hindi na muna ako papasok. First day palang naman.
Napagpasyahan ko munang tumambay sa University Cafe at baka sakaling may free wifi roon. Pero hindi pa nga ako nakakapasok ay natanaw ko na kaagad si Annika sa isang table na nakikipagtawanan sa kanyang dalawang kasama. Aakma na sana akong tatalikod para umalis na pero nahagip ako ng mga mata niya.
She tilted her head to the side, confusion written all over her features. Kalaunan ay bigla siyang ngumiti nang malapad at dali-daling tumayo at tumakbo papunta sa akin.
"Mari!" Bati niya at pinagbuksan pa ako ng glass door. "'Di ba may Phil. Lit ka pa kasama ni Lou?"
"I skipped it."
"Why? 'Di ba favorite subject mo 'yon?"
"Not anymore."
She giggled. "Dahil ba kaklase mo siya ro'n?"
I only rolled my eyes in response. Napaka-issue talaga nitong babaeng 'to.
Pagkapasok ko pa lang ay nalanghap ko na kaagad ang pinaghalong amoy ng kape at tsaa. Nabawasan nang kaunti ang badtrip ko.
"Naku, paniguradong lagot ka na naman kay Lou n'yan."
"Wala akong paki sa nararamdaman niya."
Nakasunod naman si Annika na humahalakhak sa likuran ko habang nakapila kami para umorder ng maiinom.
"Kumusta naman ang first day mo so far? Have you made any friends?" Tanong ni Annika.
"So far, so good. And... mag-isa lang naman ako pumasok dito so obvious naman na wala."
"Okay. Then sabayan mo na kami tapos ipapakilala kita sa mga kaibigan ko."
Napatingin ako kay Annika, sa mga kaibigan niya na minamatyag kami at ang kabuuan ng lugar. Maganda sana itong gawing tambayan pero panigurado palagi ring namamalagi rito si Annika, at ang ibig sabihin no'n ay palagi rin pumupunta si Louis dito. Wala naman siyang ibang kaibigan kundi ang pinsan niya. Suplado 'yon. Ni hindi ko na nga alam kung paano ko natiis 'yung taong 'yon.
"Hindi na. Bibili lang naman ako ng kape tapos aalis na rin ako."
"Iniiwasan mo ba ako, Mari?" Seryoso niyang tanong. She narrowed her eyes at me.
"Bakit naman kita iiwasan?" I raised an eyebrow at her.
"Eh 'yun naman pala, eh. Edi sumama ka na muna sa table namin!"
I groaned in irritation.
"Hello! May I take your order?" Bati ng barista.
"I'll have a caramel macchiato and a glazed donut to go." Iniabot ko na rin ang pambayad.
"I've never seen you around here before. Transferee?" Tumango ako bilang tugon. Ngumiti nang alanganin ang barista nang mapansin na wala ako sa mood makipagkwentuhan. "Uh... friend of yours, Annika?"
Tipid na ngumiti si Annika. "Yes, Andy."
"Can I have your name, please?" Andy asked while filling up my cup.
YOU ARE READING
Rule of the Night
Teen FictionMariya Clarisette Divinagracia wanted nothing more than to move on from her first love. Kaya ganoon na lang ang kanyang pagkadismaya nang ipatapon siya bigla ng magulang sa probinsya kung saan naroon ang taong bumasag sa kanyang inosenteng puso. She...