Chapter 4

25 4 6
                                    

IV.

Clarisette.

"The Pact of Celestine, signed in 1791, created a truce between the Dutch General Adelino Albert den Adel and the French revolutionary leader Celestine Brigitte Bellerose to end the Revolution. Alejandro Ambrosio, a Filipino, volunteered to serve as negotiator between the two parties in order to end the clashes located in the Philippines."

Nakapahalumbaba ako habang pinapakinggan ang leksyon ng aking propesor sa kasaysayan. Pinapakinggan ngunit hindi nakikinig.

Sa isang kilalang unibersidad na katulad ng St. Celestine, napag-iwanan ito ng panahon. Malayo sa sibilisasyon kaya siguro ay limitado rin ang kuryente. Walang projector, walang powerpoint presentation at wala ring wifi. O kahit na ano pa mang uri ng teknolohiya na hindi na kinakailangan sa pag-aaral. Dahilan kung bakit hindi ko na rin dinadala ang cellphone ko. Mukhang pinapanindigan ang pagiging makasaysayan. Tanging mga libro na mukhang ilang siglo na ang luma at kahit na ang pisara ay ang ginagamitan pa ng chalk.

Kilala ang St. Celestine dahil sa mga katangiang ito. Hindi naman kamahalan ang matrikula ngunit mahirap matanggap dito. Now that I think about it, paano nga ba ako nakapasok dito?

Binayaran ng magulang ko? Napangisi ako sa naisip. Asa. Hindi naman kami mayaman.

Napatingin ako sa may gawi ng orasan at nakita na malapit na matapos ang klase. Doon lang din nahagip ng mga mata ko ang seryosong titig ni Louis sa akin.

Shit! Kanina pa ba siya nakatingin? My heart jumped but I didn't dare let it reflect on my face. Kaya matapang ko rin siyang tinitigan at mataray na tinaasan ng kilay. Umiling siya na parang dismayado bago itinuon ang atensyon pabalik sa harap. Ano na naman ba problema no'n?

"Now," Sabi ni Sir Genesis na nagpabalik sa atensyon ko. "Before I dismiss this class, I have a question."

"Ako rin po, Sir! May question din po ako." Malanding sabi ng isang babae sa harap.

"Yes? Do you have any question regarding our topic?" Sir asked with a smile.

"Sir... off-topic po pero ano pong tipo niyo sa babae?"

Naghiyawan ang ibang kaklase, ang ilan ay isinigaw kung gaano siya kalandi.

Tumawa lang si Sir Genesis at animo'y nag-isip. "Hmm... I haven't really thought about that but now that you'd asked... I really like girls who are... sweet." At ngumiti siya.

"Eh, sa itsura po, Sir?"

Umiling siya. "I don't usually go for looks, dear."

"Uy, may pag-asa, sis!" Hagikgik ng isa sa kaibigan.

May nakita pa ako sa gilid na pasikretong nagwisik ng pabango. Niliteral naman ang sweet! Umay!

"Now, as for my question. According to the myths, humans weren't the specie that once ruled the world." Napakunot ako ng noo. Ngayon ko lang ito narinig sa mga nagdaang history lessons ko. "And they don't really want their existence to be recognized, maybe that's why they only remained as myths..."

Nagtaka ako nang napatingin si Sir Genesis sa'kin tapos ngumiti. Pero hindi ko mawari kung ngiti nga ba iyon o ngisi? Tatawagin niya ba ako para sa recitation? Umiwas ako ng tingin. 'Wag naman sana.

"Mr. Valderrama," Tawag ni Sir. Napatingin din ako kay Louis na ngayon ay bagot na tinitingnan pabalik si Sir Genesis. "Why do you think they want to remain a myth?"

"Because they don't want the humans to know the monsters they truly are." Walang kagatol-gatol na sagot ni Louis.

Sir Genesis chuckled. "Monsters, huh? Maybe in a way, that is true." Tumango-tango siya.

Rule of the NightWhere stories live. Discover now