Chapter 1

36 6 3
                                    

I.

Clarisette.

Nakakainis.

Bwisit. Putek. Lahat na yata ng klase ng mura nasabi ko na sa isipan ko. Kung multilingual lang ako, baka naisama ko pa 'yon.

Kalahating araw na akong nasa byahe. Kalahating araw na rin akong badtrip. Kalahating araw na rin ako nakaupo rito sa sasakyan at hindi ko na maramdaman 'yung pwet ko. At kalahating araw ko na ring kasama ang isa pang bwisit sa buhay ko.

"Ano'ng oras na? Nasaan na tayo?" Tanong ni Annika nang may kasamang hikab. Kakagising lang niya.

"It's already... 11:30 at nasa Tarlac na tayo." Sagot naman ng bwisit. Inayos niya ang rearview mirror at sinilip ako. Sinuklian ko na lang siya ng irap at tumingin sa labas ng bintana.

"Kaya pala gutom na 'ko. Magdrive-thru naman tayo d'yan, Lou!" Anyaya ni Annika sabay yugyog sa balikat ng pinsan. "Ayun, Lou, oh! Jollibee! Tara do'n!" Tinuro niya ang Jollibee sa 'di kalayuan.

"Do you have money?"

"Libre mo 'ko." She smiled sweetly. Lahat nahuhumaling sa matatamis na ngiti ni Annika pero ni minsan hindi 'yon tumalab kay Louis.

"No."

"Louis naman, eh!" Ungot si Annika. Nainis ako kaya sinuksok ko na lang ang earphones ko sa aking tainga at nakinig sa music. Kahit na ramdam ko na rin ang gutom ay ininda ko na lang dahil malapit na rin naman kami sa Cavite. Ilang oras na lang.

Sinubukan kong umidlip. At makalipas ng ilang sandali, naamoy ko na ang halimuyak ng chicken joy. Leche, lalo ako nagutom at nainis.

"Mari!" Tawag ni Annika sabay hagis ng isang piraso ng fries na tumama sa mukha ko.

"Ano ba?" Iritado kong tanong.

"Birthday na birthday mo, badtrip ka! Kumain ka na nga nang mabawasan naman yang badtrip mo." Iniabot niya ang supot na naglalaman ng chicken joy, french fries at soft drink.

"Magkano 'to?" Binuksan ko ang bag ko para maglabas ng pera sa wallet pero lalo akong nabadtrip sa sagot ni Annika.

"'Wag na. Libre ni Lou 'yan." Humagikgik siya. Pasimple akong nagnakaw ng tingin kay Louis na abala sa pagmamaneho. Babayaran ko na lang siya mamaya.

Oo nga pala. Kaarawan ko nga pala ngayon. At ang ganda ng bungad ng ika-labing walong kaarawan ko. Saktong pagpatak ng alas dose ng hatinggabi ay basta na lang sinabi ng magulang ko na sa Cavite na ako titira. Ni walang warning at hindi man lang pinakinggan ang mga tanong o gustong kong sabihin. At wala akong maisip na dahilan kung ano ba'ng nahithit nila at pinagtripan pa ako. Hindi rin alam ng magpinsan ang dahilan. Basta na lang ako sinundo. Naisip ko na baka napuno na sila sa katigasan ng ulo ko.

Pero kung ito lang ang paraan nila para mapatino ako at maging independent, ano man lang ba magiging pagkakaiba kahit saan ako itapon?

Hindi ko alam. Hindi ko na talaga alam. Ayoko na mag-isip. Kakain na lang ako ng chicken joy para maibsan naman ang inis ko kahit papaano.

Bumalik ako sa pag-idlip pagkatapos kumain. Ginising na lang ako ni Annika nang makarating sa paroroonan. Napakunut-noo ako nang mapansin na nasa parking lot kami ng isang kilalang unibersidad dito sa Cavite. St. Celestine University.

"Bakit nandito tayo?" Tanong ko.

"We live in the dorms, Rie." Tipid na sagot ni Louis sabay labas niya sa kotse. Bigla naman kumalabog ang dibdib ko sa tinawag niyang pangalan sa akin.

"Okay. We as in kasama ba ako d'yan?" Tumingin ako kay Annika.

Tumango naman siya. "Yup. At dito ka na rin mag-aaral." Bungisngis niya sabay sunod naman palabas sa pinsan niya.

Rule of the NightWhere stories live. Discover now