THEA'S POV
.
.Nakanganga ang bibig ko habang naka hawak sa batok ko. Alam niyo ba na hanggang ngayon hindi pa din ako makamove on sa nangyari kahapon? Na hanggang ngayon hindi pa din ako maka move on sa magiging bodyguard ko.
Na hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung bakit ang liit liit ko?
.
.
[FLASHBACK]
.
.
"Bata...."O___O
>___
T__T
-____-
Grabe naiiyak ako. Siya na ba ? Siya na ba ang magiging bodyguard ko? Siya na ba?
Akala ko mararanasan ko na din yung tipong may magsusundo at maghahatid sayo na ubod ng gwapo, na ubod ng yaman.. Akala ko mararamdaman ko na yung tipong naiinis? pero hindi pala.
Hindi lang pala inis ang mararamdaman ko
Magagalit ako, Masusuka , Mandidiri.
Alam niyo yun? Yung tawag sa sipa na iyon sa dibdib na medyo masakit?
EWAN BASTA NANDIDIRI AKO.
At hindi ako natutuwa sa nararamdaman ko ngayon.
"What?" Matamlay kong tanong at tumingin lang sa sahig. Ayokong tumingin sakanya. Nasusuka ako. Arte ko ba? Oh sigi nga! kayo sa lugar ko ngayon! sigi nga!
Mataba na halos hindi niyo maintindihan ang mukha!
MAARTE NA KUNG MAARTE. OA NA KUNG OA BASTA AYOKONG TUMINGIN SA MUKHA NIYA.
"Ano na? Bilis! Ihahatid niyo na ba ako sa bahay?"
Ano bayan!
"Bata..."
BATA NANAMAN?!!
"Wala po kayong karapatan para tawagin akong bata, Bodyguard ko lang kayo."
Gusto ko ng pumikit at kumain sa aking panaginip.
"Pahingi ng pagkain Ale.. Gutom na gutom na ako"
Tinaasan ko siya ng kilay "Aba! Ikaw pa ang may lakas na loob--
"Ale pahingi ng pagkain nagugutom na ako. Kanina pang umaga wala akong kain"
"Hindi nga ako----
"Ale pahingi naman po ng pagkain"
"Ang kulit mo huh! hindi ka marunong----
"Ale pahingi ng pagkain."
"Hindi nga ako at wala akong---
"Ale Pahingi ng pagkain"
Napapikit nako sa sobrang inis. Isa pang 'Ale pahingi ng pagkain' Sasapakin na talaga kita.
"Ale pahingi ng pagkain"
GRRR. Sasapakin ko na sana siya ng biglang may pumigil sa kamay ko.
"hooy respeto naman sa mga pulubi. Porket pulubi lang eh ginganyan mo na?"
Napatingin naman ako sa isang matangkad na lalaki. Gwapo naman ng isang to pero sino ba siya? Ako ba ang kausap niya? Kung ako kinausap niya, bakit naman? Hehehe
Ang ganda ko ba ngayon?
Eh hindi naman ako nag ayos ngayong araw ah? Ang haggard ko nga eh kasi nga tumakas ako diba? kaya paniguradong ang pangit pangit ko ngayon. Pero may mga tao din namang kahit sobrang haggard na eh maganda pa din. Ibig sabihin ba non? hehehehe
BINABASA MO ANG
I'm just nothing
Teen FictionSa simula palang alam kong wala akong panama sakanya. at Alam kong kahit paulit ulit kong ipadama sayo na mahal kita siya at siya parin ang mahal mo. I'm just nothing.