THEA'S POV
.
.
Buong byahe akong tahimik and at the same time buong byahe din akong nainis. Eh pano ba namang hindi ako maiinis eh, Ang ingay ingay niya! at iniimagine ko pa lang, First day na first day niyang itong trabaho.. Napakadaldal na niya. Paano nalang kaya kung aabot ito nang bukas? nextweek? next month? o next year? AAAA!! Hindi ko na alam kung anong gagawin koNanatili na lang akong tahimik at pinanood ang paglapit ng sasakyan sa school ko or should I say school namin? Ugh!
Pagkatigil ng sasakyan ay bigla akong tumakbo ng mabilis. Narinig ko pang tinawag niya ako pero hindi na ako lumingon. HAH! AYOKO. SIYA. KASABAY.
Pero bigla ko namang naisip, Bodyguard nga thea diba? Dapat kasabay mo kahit saan, kahit anong oras. GRRR. Pakialam ko ba?
Umiling nalang ako at pumunta sa classroom. Pinagmasdan ko ang buong building ng Blackburn High. Ang main building nito ay napapagitnaan ng dalawa pang building: sa kaliwa ay Gym Area at sa kanan naman ang Pool Area.
I pushed the door. I'm slighty nervous but it felt normal. Another cliché. Ako'y isang school hopper. Hekhek
"Your 3 minutes late" tumango nalang ako. Ayokong makipag away sa instructor na ito. Alam ko talo parin ako.
"Well, at dahil 3 minutes kang late Miss Fuentes hindi ka nakahabol sa pag iintroduce. So it will be good to introduce yourself to them" sagot ng babaeng instructor.
Sinalubong ko ng tingin ang lahat. Lihim akong napangiti nang mapansin kong marami akong kakilala sa section na ito. Mostly classmates ko dati. Nakita ko pang kumaway si Max saakin.
"Althea. I'm Althea Micole Fuentes" buo ang boses kong nagpapakilala. At parang naghihintay sila ng karugtong sa aking sinabi.
Uhm. Pinagbabawalan na ba ngayon ang pagpapakilala sa maikling paraan? Dapat ba mahaba ang sasabihin? Hindi naman ganito dati ah. Bago na ba ang rules ngayon? Eh kung ganon man, BAT HINDI AKO ININFORM? EH SANA NAKAPAGHANDA PA AKO NG SPEECH. Kaya pala hindi kami pina introduce kahapon, kasi kailangan-----
"Goodmorning. Sorry I'm late"
Umingay bigla ang classroom, nagtilian ang mga babae.
Bigla akong natigilan sa boses na iyon at biglang uminit ang ulo ko. GRRR ANONG GINAGAWA NG LALAKING ITO SA CLASSROOM KO? BUKOD BA NAMAN SA MAGIGING BODYGUARD KO SYA EH MAGIGING CLASSMATE KO RIN SIYA?
Nakita kong biglang napaayos ng tayo ang instructor namin. Mukhang attracted siya sa lalaking ito ah? Huh! Kung alam niya lang ang ugali. tsk
"You must be the new transferee?" Nakangiting bati ng classroom instructor sa unahan. I rolled my eyes 90°
Bakit hindi ngumiti yung instructor saakin kanina? Nakakainis huh. Favoritism TooT
Hindi sumagot si Vince but instead hinawakan niya ako sa braso ng ikinagulat ng lahat. Binulungan ako ni Vince
"Bat ang hilig mong tumakas? Baka sa susunod mapipilitan akong posasan ka" Nanindig naman bigla ang balahibo ko
"Aba't---
"It seems like you both having conversation infront of the class" she pause "Introduce yourself"
May binulong pa ang yabang bago nagpakilala
"Vince" tipid niyang wika. Biglang nag ingay ang mga babae sa paligid Mukhang hindi nakuntento sa sinabi. Pero talagang walang balak magsalita si Vince kaya inintindi nalang ng lahat
"I'm Helen Willson, your math instructor." Ngiting sabi ng instructor kay Vince. I rolled my eyes again.
Bakit hindi nagpakilala saakin si Maam?
BINABASA MO ANG
I'm just nothing
Teen FictionSa simula palang alam kong wala akong panama sakanya. at Alam kong kahit paulit ulit kong ipadama sayo na mahal kita siya at siya parin ang mahal mo. I'm just nothing.