Chapter 7 : Questions
---
ZOE'S POV
Damn, kinakabahan ako! Gaga ba naman kasi. Tsk. You can call me OA but i don't fucking care. Kahit kaonting kasalanan lang 'yan halos manginig na ako sa takot lalo na noong bata pa ako. Pero ngayon? Well it didn't change, knowing my brothers– they are not easily get mad, that's why I'm scared. Since they rarely got mad, lalo na dahil pa sa akin.
Shit. I think, I'm doomed.
"Hey, Zoe. Let's go? Sila kuya Jared, mom and dad and of course me, are waiting for your explanation." basag ni kuya William sa katahimikan at humiwalay na sa yakapan scene.
I chuckled, and him also.
"Yeah right, but I'm nervous kuya! Ngayon na lang kaya ulit tayo nagkita pagkatapos ng 3 or 4 years, I think? Sure po akong marami ng nagbago, kuya." i said and let out a sigh.
He also sighs and chuckled.
"Alam mo ba, Zoe? Kahit ilang taon pa man tayong hindi magkita, kahit marami mang nagbago, asahan mo hindi kami magbabago pagdating sa iyo, Zoe. We're your brothers, and we love you so much, my baby girl." usad nito at ngumiti na ikinatigil ko.
Bakit gano'n? Ibang iba ang sinasabi sa akin ni tita tuwing nagtatanong ako patungkol kila kuya? Nagsisinungaling ba sa akin si tita? O nagpapanggap lang takaga sila kuya?
Nakapakunot naman si kuya ng noo dahil sa inasta ko, kaya naman ay ngumiti agad ako.
"Bakit? May masakit ba sa'yo? May nasabi ba akong masama?" sunod sunod na tanong nito at hinawakan pa ang pisnge ko.
"Wala kuya, okay lang po ako," nakangiting saad ko dito.
"You sure?" paniniguradong tanong pa nito.
"Opo, kuya!" hyper na saad ko dito at tumawa at ang mukha naman nito ay parang nabunutan ng tinik.
"Alright, let's go?" tanong ulit nito sa akin na ikina-tango ko.
"Maraming salamat sa lahat kuya! Maraming salamat din po dahil dumating kayo sa buhay ko hehe. Mahal na mahal ko rin po kayo!" pahabol na saad ko bago ngumiti ng matamis.
"Ang sweet talaga ng baby girl ko, tara na nga. Masyado na tayong nagiging madrama." natatawang saad nito at inakbayan pa 'ko bago tuluyan kaming naglakad papasok sa loob.
Pagkapasok namin ng mansyon ay agad kaming pumuna sa living room, dahil alam naming nandoon na lahat sila. At kagaya ng inaasahaan, tama naman ang hinala ko dahil nandoon nga sila, kahit sila mommy ay nandoon din. Tanging kami nalang ang kulang.
Taray lahat kumpleto, iba talaga.
"Shall we start? We are already complete now as you see." malamig na bungad ni kuya Jarred at dinapuan ako ng tingin.
"Of course. And Zoe sweetie? Come here, sit here beside me," wika ni mommy habang pina-pat ang katabi nitong upuan.
Agad naman akong pumunta dito at umupo.
"So where we will start discussing?" paunang tanong ni daddy.
"From asking their little sister, of course honey." natatawang saad ni mommy.
Ang saya naman nila.
"I'll be the first one ask!" sigaw ni kuya Ashirro.
Hindi naman sakin nakaligtas ang pag taas ng kilay ni kuya Jarred at inirapan nito si kuya Ashirro na siyang kinatawa ko ng mahina. At siya ring kinabaling ni kuya Jarred sakin na agad akong kinunutan ng noo kaya tinaasan ko ito ng kilay.
Ano namang ginawa ko sa isang 'to?
"So, Zoe. Kailan ka pa naka uwi? Bakit hindi mo kami sinbihan? Tapos kahit message o sulat wala?" naka-kunot noo at may bahid na inis na tanong ni kuya Ashirro.
Bakit ko kayo sasabihan? Hindi ba mga wala naman kayong pake? At isa pa bakit ako magpapadala ng sulat o mensahe man lang kung kayo nga hindi nagpapadala sa'kin? Tsaka lagi naman akong nagpapadala dati kaso hindi niyo naman sinasagot ang mga sulat na pinapadala ko.
"Noong Saturday lang kuya. Gusto ko lang naman na i-surpresa kayo kaya hindi ako nagsabi sa ni isa man sa inyo. I'm so sorry." mahinang usal habang naka tungo at pinaglalaruan ng sariling kamay.
"You want to surprise us? But still dapat nag bigay ka ng clue kung kailan ka uuwi! Hindi mo alam kung gaano ka namin ka-miss, Zoe! Paano kung may nangyari sa iyo?!" inis na sigaw ni kuya Warren.
I just sigh and suddenly I feel my eyes starting to teary. Fuck. I hate myself for being like this, I'm so sensitive. I admit that it's my fault not telling this to them, but i really just want to surprise them. Also, paano ko naman sasabihin na babalik na 'ko sa pinas sila nga ilang taon na silang walang paramdam.
"That's why I'm saying sorry kuya! Hindi lang naman kayo eh, ako din naman, kuya. Hindi niyo din naman alam kung gaano ko kayo na miss!" sigaw ko at hindi ko napigilang maglaglagan ang luha sa mga mata ko na ikinagulat nila kuya.
"Ashianna..." mahinang usal ni kuya William.
"Opo, inaamin ko naman na mali ako kasi hindi ako nagsabi sa inyo man lang. Kaya nga po ako humihingi ng tawad, hindi ba? Tsaka kuya gusto ko lang naman kayo i-surpresa kasi miss na miss ko na kayo eh. Kasi naman, b-bakit... bakit wala kayong paramdam ng maraming taon?" umiiyak na tanong ko habang pinipilit na ayusin ang mga sinasabi ko.
I can't stop it, I always end up being like this, I'm so sensitive. What the fuck.
"We're sorry anak, hindi namin alam..." mahinang saad ni mommy at napansin ko ding nangingilid na ang luha nito.
Hindi alam? Damn. Anong hindi alam?! Kingina talaga, nakakapagod naman 'to.
---
Wehehe, bitinin muna natin. Sa susunod na kayo umiyak ヽ(^。^)丿
BINABASA MO ANG
My Over Protective Brothers
Teen FictionZoe, at 16, is the only girl among the Hamilton siblings. After returning to the Philippines to study at the university with her older brothers, she faces a daunting situation. What happens when she encounters Ezekiel Gabriel Walton, also known as M...