Chapter 5 : Thinking
---
Zoe's POV"Hoy!" nagulat na lang ako ng may narinig akong sumigaw sa akin. Pag tingin ko dito ay si kuya Ashirro pala.
"Fu-- ano ba kuya! Bakit ka naman nanggugulat? Look, humahakot ka na ng atensiyon oh!" reklamo ko ng makita kong 'yongg mga ibang estyudanteng napapatingin sa side namin.
Tumingin naman ito sa akin at napalunok na lang ako ng sariling laway ko ng puno nang inis ang mababahid sa mukha nito, idagdag mo pa ang dalawang kilay niya na halos magka-dikit na dahil sa pagkakunot ng mga ito.
"Ako pa ngayon ang humahakot ng atensiyon?" hindi makapaniwalang tanong nito sa akin. "Alam mo bang kanina pa kita tinatawag pero nakatulala ka lang diyan? Ano bang iniisip mong babae ka, ha?!" inis na sigaw nito sa akin kaya naman napakamot na lang ako ng batok.
Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako dito sa locker room, nakakainis. It's his fault! Hindi ko alam kung bakit ko ba siya iniisip, bakit ba kasi sobrang gwapo niya? Hindi ko naman maitatanggi 'yon, kasi kung itatanggi ko man 'yon ay mahahalatang nagsisinungaling ako. Pero kasalanan ng lalaking iyon kung bakit siya 'yung laman ng isip ko. *sighs*
"Ashianna!" parang puputok na sa galit na sigaw niya sa akin. Agad naman uli akong napabalik sa ulirat dahil doon.
Tangina, ano ba ang nangyayari sa akin? Damn, ito ba ang tinatawag na 'love at first sight'? So cringe!
"A-ano nga ulit 'yon kuya?" nauutal na tanong ko dito at tinignan ito at halos matawa na lang ako.
Parang ano ba naman 'te, halos hindi na kasi maipinta ang pagmumukha nito. Pero hindi ba niya napapansin ang mga taong nandito sa locker room? Mga nagbubulungan na kasi ang mga ito, at hindi ko alam dito sa kapatid ko kung hindi ba niya naririnig ang mga sari-saring bulungan. Sigaw kasi siya ng sigaw.
Hinila naman agad ako nito paalis ng locker room at pumunta malapit sa parking lot. The hell, sasapakin ko na talaga 'to kahit kakambal ko pa 'to, lakas manghila eh, kulang nalang matanggal 'yong braso ko sa katawan ko. Parang hindi kapatid.
"What the fuck are you thinking, Zoe?" inis na tanong ni kuya Hirro sa akin habang naka-kunot ang kanyang noo. "Kanina ka pa wala sa sarili mo, ano bang problema mo? Nababaliw kana ba?" inis na tanong nito.
"Grabe ka naman, kuya! Maka baliw, hindi ba pwedeng may iniisip lang? Nakaka-sakit ka ng damdamin ah." inis na saad ko dito at umakto pang nasasaktan pero pagtaas lang ng kilay ang natanggap ko dito.
Ngumiwi na lang ako at napa buntong hininga bago sumagot dito.
"I'm sorry, kuya," paghingi ko dito ng tawad dito. "Pagod lang siguro sa lesson na nga ginawa namin kanina." pagdadahilan ko dito pero mukha naman itong hindi naniniwala.
Wala naman kasi akong maisip na idadahilan, kaya parang pantanga yung dahilan ko, 'di ba? Kasi sino ba namang maniniwala sa dahilan na 'yon, alam naman ng buong school na ang section na kinabibilangan ko ay halos hindi pinagtutuunan ng pansin nang mga guro kaya halos hindi nila kami tinuturuan. Pero alangan namang sabihin ko na may iniisip akong sobrang gwapong lalaki? Baka masampal o mabatukan ako ng wala sa oras niyan, ayoko nga.
"Seriously, Zoe? Tsk, nevermind. Tara na, baka hinihintay na tayo nila kuya, sobrang lalim kasi ng iniisip mo tungkol sa 'maraming lesson' niyo ngayong araw." masungit na saad nito sa akin at pinakagka-diinan pa ang 'maraming lesson' na ikina-ubo ko, bobo kasi magdahilan ng taong ito.
Pero taray ha, grabe ang pagkasungit ni kuya. May dalaw kaya ito? Daig pa sa babae na may dalaw ang level ng pagiging masungit nito eh.
"Galit ka ba, kuya Hirro?" paglalambing ko dito sabay angkla sa braso nito ngunit hindi naman ako nito kinibo bagkus ay nagtuloy-tuloy lang siya sa paglalakad.
Luh, attitue ka kuya? Gustong magpasuyo? Pero bakit kita susuyuin? Gold ka ba? Syempre.
"Kuya naman eh! Sorry na, 'di ko naman kasi narinig na tinatawag mo 'ko e. At isa pa promise, 'yung mga lessons talaga namin ang iniisip ko. Hindi ka ba naniniwala sa cute mong kakambal?" paglalambing ko pa dito na sinabayan ko pa ng pagpikit-pikit ng mga mata ko. Tanginang buhay 'to, if makikita ko lang ginagawa ko ngayon baka masuka pa ako, damn.
"Tsk. Sobrang hangin mo. Yeah, yeah, whatever. Get ready, pag-uusapan natin 'yong biglang pagsulpot mo sa university." masungit na sabi nito bago humarap sa akin at pinitik ang noo ko.
"Ouch! My head! Para saan naman 'yon?!" inis tanong ko dito habang hinihimas 'yong noo kong pinitik nito at masamang tinginan ito.
Fuck, ang sakit naman kasi talaga! Baka hindi siya na inform na malambot lang yung noo ko? Gago ata 'to eh, kalalaking tao tapos nananakit ng babaeng cute na katulad ko. Joke lang, masyadong mahangin.
"Trip ko lang." balewalang na saad nito.
Trip niya lang, seriously? What if suntukin ko siya tapos sabihin ko trip ko lang din?
Nang nasa tapat na kami ng parking lot ay agad kaming sinalubong nina kuya William.
"Why are you two taking so long?" inis na bungad na tanong sa'min ni kuya Warren.
"Ask your nice sister." inis na sagot ni kuya Ashirro at talagang pinagkadiinan pa talaga ang salitang 'nice'.
Hmp, kala ko bati na kami? Hindi gumana yung charisma ko, ganon? Fuck you, Ashirro.
Agad namang napadako ang tingin nila sa akin habang naka-kunot ang noo.
"Ashianna?" malamig na tanong ni kuya Jared sa pangalan ko.
Fuck it! I hate it when they call me on my first name! It's a sign that they are getting angry, or annoyed in me, shit. Katakot talaga magkaroon ng pinaglihi sa sama ng loob na mga kapatid, hindi kasi nila ginandahan yung posisyon nila kaya puro lalaki ba naman yung nilabas, buti nalang pinagpala pa sila ng kagaya ko.
"W-what? I d-didn't do anything w-wrong, I swear!" nauutal na depensa ko sa sarili.
Tangina, mga be legit ang kaba.
"Tsk, get in. Let's talk in house later. I'm tired." malamig na saad ni kuya William at nauna ng pumasok sa van. Nagsipasok naman kami isa-isa ng walang imikan, hayss.
Pinagiisip mo kasi Ashianna Leigh Zoe, eh! Ayan tuloy, maghihirap kang manuyo sa mga kuya mong maaarte at pinaglihi pa sa sama ng loob! Ni hindi mo pa nga nae-explain 'yong tungkol sa bigla mong pagsulpot sa harap nila sa university, gumawa kana agad ng kagaguhan!
---
🌞
umaga
![](https://img.wattpad.com/cover/248700032-288-k988042.jpg)
BINABASA MO ANG
My Over Protective Brothers
Fiksi RemajaZoe, at 16, is the only girl among the Hamilton siblings. After returning to the Philippines to study at the university with her older brothers, she faces a daunting situation. What happens when she encounters Ezekiel Gabriel Walton, also known as M...