Traydor talaga ang puso kahit anong sabihin mo na wag kabahan mas lalo ka tuloy kakabahan. Alam kong hindi maganda ang pagpapanatili ko ng tingin sa kanaya kaya umiwas agad ako ng tingin.Bumaling ang tingin ko kay Zeus na ngayon ay tinitingnan ako na para bang tinatyansa nya ang emosyon ko. Nararamdaman kong namumong tensyon kaya nag pasalamat akong nagsalita agad si Niko.
"Bro, akala ko nasa ibang bansa ka? kaylan kapa naka uwi?" awkward na salubong ni Niko kay Gio at linapitan ito. Ngumiti naman si Gio at nag apir naman silang dalawa.
"Kanina lang. How are you? I mean you and Ariela?" natatawang usal ni Gio at tiningnan naman si Ari sa likod na naka kunot ang noo. Nahiya naman si Niko at pabirong sinuntok si Gio.
"Ako okay lang gwapo parin. Si Ari bobo parin." natatawang usal ni Niko. Lumapit naman si Ari at siniko si Niko. Nag make face pa si Niko sa kanya.
"Welcome back Gio" sabi nalang ni Ari. Tumango naman si Gio sa kanya saka bumaling sa likod which is samin. Agad naman syang linapitan ni Maven. Nag apir naman silang dalawa.
Naglakad si Gio papunta samin. Biglang bumalik ang paligsahan sa dibdib ko parang lalabas na talaga ang puso ko. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko dapat hindi. Bakit ba ako aasa sa mga bagay na malinaw na malinaw namang pinaliwanag sakin. Tanga lang ang aasa sa wala. Tiningnan nya ako habang papalapit at biglang bumaling kay Kaithy.
Shit nakakahiya baka isipin nyang hinihintay ko ng makaabot sya sakin.
Nanlumo ako at nag iwas ng tingin ng binalingan nya ng tingin si Kaithy. Ginulo nya ang buhok nito gaya ng ginagawa nya dati, Specially sakin.
"How are you little princess?" natatawang sabi ni Gio. Inirapan naman siya ni Kaithy kaya mas natawa ito.
"Don't make kausap to me Gio. Go talk to Nath i think she miss you... so much" saka ako binalingan ni Kaithy na ngayon ay naka ngisi na. Biglang nawalan ako ng dugo. Shit hindi totoo ang pinag sasabi nya. Bigla ang nawalan ng hininga ng bumaling sya sakin at lumapit. Nginitian nya ako at parang mahihimatay na ako ng yakapin nya ako.
"I miss you too. I'm here now." sabi ni Gio habang nakayakap parin sakin. Nabaling ang tingin ko sa likod ni Gio kung saan nakatayo si Zeus na umiwas ng tingin at nakita ko rin si Maven at Niko na naka kunot ang noo habang tiningnan naman ni Ari si Zeus.
Pagkatapos ng ilang sigundo ay binitawan na ako ni Gio at humarap sakin. Nag blush agad ako ng nakita ko ang napaka perpektong gwapo nyang mukha na sakin ngayon ay naka ngiti.
Ngumiti lang ako pabalik sa kanya.
Matapos ang mga kamustahan na naganap at kahihiyan na natamo ko dahil sa walang hiyang si Kaithy ay sa wakas makakahinga na ako ng bumalik na kami sa mga room namin para sa last period namin.
"Happy?" biglang kalabit ni Kaithy sakin habang nag hihintay kaming dalawa sa prof namin. Ngayon ay kami lang dalawa ni Kaithy ang mag kaklase.
"Oh shut up." Irap ko kay Kaithy.I know she's referring to the sudden apperance of Gio.
"Sus, I know you still want him." sabi ni Kaithy.
"He cleared everything to me years ago Kaithy. I already accept it." I try not to sound sad or nanghihinayang.
"Tragic" sagot nya. Ilang minuto pa ay dumating na ang prof namin at nag start na ang class.
After an hour ay natapos agad ang last period namin. Nag mamadaling umalis ang prof namin dahil may emergency daw. Kinuha na namin ang gamit at sinabit ko na sa balikat ko ang bag ko at binitbit na ang mga libro ko.
YOU ARE READING
Dreams and Tears
RomanceIn every dream there is an associated effort. In every tear there is an associated love.