Hindi ko alam kung bakit ako sumabay kay Gio kahit alam ko namang aasa nanaman ako sa mga bagay na pina pakita nya. Na inis ako bigla sa sarili ko kaya kinorot ko ang kamay ko. Napa daing ako dahil medyo napa sakit.
"How's your day?" kasual na tanong ni Gio. Biglang lumundag ang puso ko. Bakit nya ba ako tinatanong! Aasa nanaman ako tapos yon din naman ang magiging sagot nya. Na ayaw nya dahil ganon ganyan. Bakit ba lagi kong sinasaktan ang sarili ko.
"Nath?" kalabit uli ni Gio. Dun natapos ang pag iisip ko.
"Uhm, okay lang. Ikaw?" Oh tanga, dapat sagutin mo lang ang tanong bakit dinadagdagan mo pa. Edi mag kakaroon kayo ng mataas na conversation nyan. Napa kamot nalang ako ng ulo.
"Okay lang din. Medyo busy lang dahil sa mga pinapagawa ni Dad." Nakangiting kwento ni Gio. Napatingin naman ako sa ngiti nya. Kahit talaga anong mood mo sa buhay mapapa ligaya talaga niya ito kahit sa kunting ngiti lang.
Napatango nalang ako sakanya. Ibinaling ko ang tingin ko sa kalsada ng napansin kong matagal ko ng tinititigan ang gwapo nyang mukha.
Natahimik kami pero ang utak ko lumilipad dahil sa mga katanongan ko. Hanggang ngayon hindi ko parin alam kong bakit umuwi si Gio na para bang hindi alam ni Zeus. Ang ganda ganda na ng buhay nya don bakit pa sya umuwi? O baka nag bakasyon lang sya. Tama tama bakasyon lang.
"Bakit ka nga pala umuwi?" Deritsong sabi ko. Pero napa tigil ako ng na pagtanto ko ang katanungan ko. "I mean, bakit ka biglang umuwi haha. Kumusta ka naman don?" Napatawa ako ng mapakla. Tanga talaga sabing wag nag mag ingay e. Pinapahamak mo talaga sarili mo.
"Okay lang naman don. Masaya." Patawang sabi niya. "Bumalik ako dahil may kaylangan akong bawiin." napa seryoso sya at napahinto ang kotse dahil red light na. Napa hinto ang buong sistema ko ng tingnan nya ako sa mata. Hindi ako maka galaw at parang mahahati na sa dalawa ang puso ko dahil sa pag lundag nito. Ang mga tingin nya ay para bang binubuhay ang buong sistema ko. Ito ang kinatatakotan ko. ang pag balik ng nararamdaman ko sa kanya. Napa tigil lang kami sa pag tiginginan ng may bumusina sa likod kaya napa tingin kami don. Tiningnan namin ang isat isa at napatawa.
Ng nakarating na kami sa bahay ay agad kong i-unlock ang seatbelt ko.
"Salamat Gio." Tumingin ako sa kanya na ngayon ay tinitingnan ako. Ngumiti sya kaya ngumiti din ako.
"Bye." He said. Tumago lang ako at lalabas na sana ako ng nag salita sya kaya napa tingin ako sa kanya.
"Nath?" Napa taas ang dalawa kong kilay at nag hintay sa idudugtong nya.
"I want you back." His words caught me off guard. Namutla ako. Hindi ako naka galaw o naka pag salita man lang.
Mag sasalita na sana ako ng naunahan nya ako.
"Don't.. I don't want to hear it. I know naging harsh ako sayo noon.. and i'm sorry. But things will change from now on." He then let out a sad smile. "Pumasok kana. Goodnight." He said.
Dun na ako nabuhayan at dali daling lumabas sa sasakyan nya at tumakbo papasok ng gate ng hindi man lang sya tinitingnan. Dali dali kong isinara ang pinto at napasandal don. Bumuga ako ng hangin. Nag rarasing parin ang puso ko sa loob ng dibdib ko. Ayaw pa awat. Nama oh, bat ba nya yon sinabi! Maniniwala ba ako? Ito na ba? Aasa naba ako? Gosh, nakakalito.
"Maam, anong nangyari sayo?" Napa singhap ako ng may nag salita sa gilid ko. Napa hawak ako agad sa dibdib ko dahil sa gulat.
"Shooks, ginulat mo ako manang!" mahinang palo ko sa balikat nya. Tumawa lang sya. Napa hinga naman ako.
"Oo nga pala maam, andito ang Mama at Papa mo." Biglang nang laki ang mata ko. Naman oh, malas. Marami na akong iniisip dadag dag ba naman to?
"Nasa sala po sila maam kumakain. Maiwan ko na po kayo."
YOU ARE READING
Dreams and Tears
RomanceIn every dream there is an associated effort. In every tear there is an associated love.