May 21, 2019
Linggo na naman, edi syempre walang pasok, 'di ba? Nakakulong lang ako sa loob ng kuwarto ko habang pinapanood ang Facebook stories ng mga friends ko dahil sa pagkabagot.
Medyo tamad akong magbigay ng description patungkol sa sarili ko pero kung may isa mang salita ang maglalarawan saakin maliban sa "bobita", iyon ay "tanga".
Oo, isa akong baklang bobita na medyo tanga sa pag-ibig. Hindi lang pala medyo kun'di sobra. Sobrang tanga.
Narating ko ang Facebook story ni Krysha--- Ang old friend ko na dati ring naging ka-batch ng kasalukuyan kong mga classmates ngayon.
Naagaw naman ang atensyon ko ng isang lalaking nilalaman ng story niya. Isang lalaking nakasuot ng black and white na stripes t-shirt at nakatingin sa ibang direksyon, stolen shot ba kumbaga kung tawagin.
Ang pogi niya! Ang ganda rin ng ngiti niya.
'Di na 'ko nagdalawang isip pa na magreply sa story ni Krysha. Abot-tenga pa akong nakangiti habang nagtitipa sa cellphone ko.
______________________________________
✿Messenger✿
Ben:
Anong name niya? Ang pogi, mare HAHAHAHAHA!
seen by Krysha
______________________________________
'Di siya nagreply, bagkus ay sineen niya lang ang message ko. Kainis! Parang walang pinagsamahan, ah! Akala naman niya hindi siya minsang nakikagat sa burger ko noon. Ungrateful! Madamot! Inggr---
*ting*
Nagmamadali ko muling itinuon ang atensyon ko sa cellphone ko matapos kong marinig ang pagtunog nito.
______________________________________
✿Messenger✿
Miguel:
*wave*
Ay napindot!
*wave*
Ay nadilaan! HAHAHAHA!
______________________________________
Nagtaka lang ako. Pero alam kong sinasadya niya talagang mag-wave saakin kasi dalawang beses na, eh.
Bago ko siya reply-an, nagpunta muna ako sa Facebook timeline niya para i-stalk siya. Syempre, kailangan ko munang i-check kung guwapo bago ako magreply, 'di ba? Iyan tayo, eh.
______________________________________
✿Facebook✿
*Carl Miguel has 1 mutual friend, Krysha Cruz.*
*13 photos*
______________________________________
Facebook friend niya pala si Krysha pero wala doon ang atensyon ko, kun'di sa mga pictures niya. Ang pogi kasi!
Napangiti na ako nang biglaan nang mapagtantong siya pala 'yong poging lalaki na nasa Facebook story ni Krysha kanina.
Pero, ba't naman siya napa-chat saakin?
BINABASA MO ANG
Hello, Miguel!
RomanceBen & Miguel's Epistolary #01 Date Pubslished: June 22, 2021 Date Started: June 22, 2021 Date Ended: June 22, 2021