December 24, 2019
11:54 PM
Apat na minuto na lang bago sumapit ang pasko. Excited na 'ko! Hindi sa Noche Buena kun'di ang batiin si Miguel ng Maligayang Pasko.
Kamusta na kaya siya ngayon?
Busy pa rin ba siya ngayong pasko?
Habang naghahanda ng Noche Buena sina Lola, napa-ngiti ako bigla nang marinig kong tumunog ang cellphone ko mula saaking bulsa.
Agad ko namang kinapa't kinuha ito.
Baka si Miguel na ito!
______________________________________
✿Messenger✿
Clarisse:
Ben. . .
I'm sorry to tell you this late
Pero hindi na kasi talaga kaya ng konsensya kooo
Baka kasi hanggang ngayon nagpapaka-tanga ka pa rin doon sa gagong si Miguel.
Ben:
Hello, Chinchin.
Ano ba 'yon?
Clarisse:
Noong gabi ng linggo na unang beses kang chinat ni Miguel, nandoon ako. Kasama ko silang dalawa ni Krysha.
Nagpasama kasi si Miguel saakin no'n kasi makikipagkita raw siya sa girlfriend niya.
Ben:
Girlfriend?
Clarisse:
Oo, Ben. Si Krysha, siya ang girlfriend ni Miguel.
______________________________________
May kung anong kirot akong naramdaman sa dibdib ko sa 'di ko malamang dahilan.
Ibig sabihin na no'n, matagal na silang mag-on ni Krysha?
______________________________________
✿Messenger✿
Ben:
Sasabihin mo na ba saakin kung ano 'yong sinasabi mong nalaman mo?
Clarisse:
Yes.
No'ng gabing 'yon, nag-message ka raw kay Krysha, tinatanong mo raw 'yong pangalan ni Miguel.
I overheard them talking. Pinag-uusapan ka nila that night. Inutos ni Krysha kay Miguel na i-message ka. Hindi lang basta message ang pin-lano nilang gawin sa'yo. Inutos ni Krysha kay Miguel na dapat ma-fall ka, at once na na-fall ka na kay Miguel o nagpakita ka ng sign na nahulog ka na sakan'ya, doon ka na niya hindi kakausapin.
Sa madaling salita. . .
Everything was planned, Ben. Pinag-planuhan nilang saktan ka.
Narinig ko pang sinabi ni Krysha na malambot daw ang puso mo, madali ka raw maloko at isa ka raw uto-uto. Alam niya 'yon dahil ang niya, dati raw kayong magkaibigan.
I am sorry, Ben, dahil ngayon lang sa'yo ito sinabi. Ayaw ko lang talagang madamay.
Sana magsilbi itong aral sa'yo. I am with you.
______________________________________
11:58 PM
Walang tigil sa pagbagsak ang mga luha mula sa mga mata ko habang binabasa ang mga messages ni Clarisse.
'Di ako makapaniwalang ito pala ang pakay ni Miguel saakin. Ang saktan ako para sa ikagagalak ng girlfriend niya.
Simula't sapul, planado pala ang lahat ng ipinakita niya saakin.
Kasinungalingan pala ang lahat ng naging dahilan ng pag-ngiti't tawa ko sa mga panahong kausap ko siya.
Mabilis akong tumakbo papasok ng kuwarto ko at dito ako naglabas ng damdamin. Dito ako umiyak ng umiyak.
Kasalanan ko 'to, kasalanan kong nasasaktan ako ngayon dahil tama nga naman si Krysha bukod sa malambot ang puso ko, madali akong maloko at isa akong uto-uto.
Kasalanan ko 'to dahil nag-expect ako ng mahigit kahit alam kong wala naman talagang namamagitan saamin.
BINABASA MO ANG
Hello, Miguel!
RomanceBen & Miguel's Epistolary #01 Date Pubslished: June 22, 2021 Date Started: June 22, 2021 Date Ended: June 22, 2021