#HelloMiguel05

155 10 0
                                    

November 13, 2019

Lumipas na naman ang ilang buwan. Mas lalong lumalim ang nararamdaman ko para sakan'ya. Lagi akong excited na i-check ang cellphone ko para tignan kung may new messages ba siya saakin.

Dumating pa ako sa point na pina-print ko 'yong pinaka-favorite kong picture niya atsaka ko 'yon inilagay sa likod ng school ID ko.

Sa classroom naman, t'wing vacant, lagi akong mag-isang nasa sulok na parang gagang tatawa-tawa at bubungisngis mag-isa sa harap ng cellphone ko. 'Di ko kasi maiwasang kiligin dahil sa mga matatamis niyang sinasabi.

May araw rin na habang naglalakad kami ng mga tropa ko ay abala akong nagtitipa sa phone ko dahil magka-usap kami ni Miguel kaya 'di tuloy ako nakakasabay sa chikahan nila.

Habang nagku-kwentuhan sila, ngingisi-ngisi akong nagtitipa. Nagulat na lang ako nang may biglang humila ng cellphone ko mula sa kamay ko.

Iyon ay ang kaklase kong baklang kloseta, si Juasten!

Itinakbo niya ang cellphone ko atsaka binasa ang ilan sa mga conversation namin ni Miguel.

Mangiyak-ngiyak ko pang nabawi ang cellphone ko pero huli na ang lahat, nabasa niya ang ibang pag-uusap namin ni Miguel. Kung hindi siguro ako nagtatatalon sa iyak baka hindi niya na ito ibigay.

Ikinalat niya ang mga nabasa sa mga kaklase namin. Inisip nila na boyfriend ko raw si Miguel. Ilang beses ko ring sinubukang ipaliwanag sakanilang magkaibigan lang kami pero hindi sila naniwala.

Dumating sa point na pati kabilang section, nalaman ang tungkol rito.

Kainis!

Hello, Miguel!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon