#HelloMiguel04

158 10 1
                                    

August 01, 2019

Nanatiling gano'n ang sistema naming dalawa sa loob ng dalawang buwan. Ina-update pa rin namin ang isa't-isa sa bawat oras. Mapa-school man o sa bahay.

'Di ko rin maikakaila kahit sa sarili ko pa na nahulog na ako sakan'ya— Hindi, mas okay sigurong sabihin na mas lalo akong nahuhulog sakan'ya.

Kasi noong unang beses ko pa lang siyang makita noon sa Facebook story ni Krysha, medyo mayroon na talaga akong mababaw na nararamdaman sakan'ya. Nararamdaman, by means in a romantic way.

Kagaya nga ng sabi ko, madali akong mahulog sa isang lalaki.

______________________________________

Messenger

Miguel:

'Di ba, August na?

Ben:

Wala ba kayong kalendaryo diyan? HAHAHAHAHA

Oo, August na.

Miguel:

Akala ko kasi, Augusto na kita.

Ben:

Che!

'Wag ka ngang gan'yan, naf-fall ako sa'yo HAHAHAHAHAHA.

Char

Miguel:

Love has no boundaries.

Ma-fall ka lang saakin, it's okay.

Corny ko, noh?

Ben:

Medyo lungs hehe

Miguel:

Haha!

LYSM

Ben:

Ano 'yan?

Miguel:

Secret

Ben:

Hmp

LoveYouTooSoMuch!

ʕっ•ᴥ•ʔっ

Miguel:

Woaaa!

Talaga?

(•o•)

Ben:

Oo naman, hihi.

Lagi mo 'kong pinapatawa, eh.

Miguel:

Yes! Thank you!

(っ˘з(˘⌣˘ )

Hello, Miguel!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon