#HelloMiguel11

147 10 0
                                    

November 25, 2019

Isang maulang hapon, kasalukuyan akong naglalakad patungo sa paradahan ng mga tricycle para umuwi. Ang payong na bitbit ko ang nagsisilbing silong ko ngayon.

Napatigil ako bigla nang may makita akong isang pamilyar na lalaki sa 'di kalayuan.

Pasimple akong nagtago at sumilip ng bahagya dahil sa kyuryusidad.

Doon ko nakompirmang si Miguel pala ito. Kasama ang isang babae na gaya niya'y nakasuot din ng school uniform, si Krysha.

Nagtatawanan sila habang bumibili sa loob ng isang convenience store. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapa-ngisi, ang gwapo kasi lalo ni Miguel sa personal.

Hello, Miguel!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon