Chapter 1- The Ampalaya Queen

73 4 1
                                    

New day, new school, NEW LIFE ! Hayyyyyyyyyy ! Pangatlong school ko na to. Sana naman magustuhan ko na dito.

Oh, I'm Kathryn Jhoanna Bernardo nga pala. 19 years of age. Later na lang ibang infos, tinatamad ako. Hahaha. Basta sabi nila,maganda daw ako,matalino,mabait pero may pagkapilya. Slight lang naman yung kapilyahan, siguro mga 10%. Hihi.

"Couuuuuuuzzzzzzzzzzzz"

"Ayy,kabayong mukhang unggoy, leche ka Julia, ba't mo naman ako ginugulat? Kaloka ka!"

Yan si Julia Cecil Manuel. Ang loka-loka kong pinsan,bestfriend,lahat lahat na. Siya kasi pinaka close ko kasi magka-age kami tapos magkasama na talaga kami since birth. Kahit nga siguro nung nasa tiyan pa lang kami ng mga mommies namin may secret connections na kami. Ayyy, meron bang ganun? Hihi,basta close kami. Sobrang close, we're like sisters na kaya.

"Eh kasi naman couz, im here na infront of you kanina pa, at kanina pa rin kita kinakausap pero di mo ko pinapansin. Napano ka ba?"

"Ah, wala, ano? Tara na? Hahanapin pa natin room natin."sabay hila sa kanya.

"Teka lang naman Katreng ano. Kailangan talagang manghila? Sinisira mo poise ko eh."

"Ayy, meron ka pala nun ?Hahahahahaha."

Inirapan lang ako ng gaga. Haha, kahit kelan pikon talaga yun. Oh well. We need to look for our room pa pala. Transferre lang kasi kami dito sa Ford University. Third school na namin to. Actually ako lang talaga laging may issues sa past schools namin, pero di naman papayag si Cecil na maiwan sya kaya kung san ako nandun din sya. Umalis ako sa first school because of someone. Its a sad story so i would not bother to tell. He's not worth na ikwento. Hindi deserving ikwento ang mga manloloko. Hmp ! Sa second school naman, di ko nagustuhan kasi wala kaming natutunan dun. Mas galaero at galaera pa yata mga teachers dun kesa sa mga studyante. Kundi nali-late sa klase eh walang ibang alam ipagawa kundi seatworks kasi di keri mag lecture dahil masama daw pakiramdam. Pano ba naman di sasama eh gabi-gabi yatang gumigimik, pino-post pa sa facebook. May pagka-bagets pa kasi mga instructor ng HRM sa school na yun. Hay,buti di sila napapagalitan ng dean nami, o baka kasama din nilang gumigimik ang dean. Haha.

"K, nasa second floor daw tong room natin, nandun na daw si Quen-quen mylabs,hihihi". Lecheng babaeng to, nagtext lang yung mestisong hilaw nyang boyfriend, parang timang na kung makangiti.

"Che! Mylabs, mylabs ka dyan! Maghihiwalay din kayo!"

"Hala! Bitter mo talaga forevs K. Wag ganun baka mangyari nga. Panira ka talaga noh? Kinikilig na'ko dito."Julia.

"Talagang mangyayari yan, pare-pareho lang naman yang mga lalaking yan eh. Matino lang kunwari at first, sweet at mabait. Pero pag nagtagal, waley na. Kung di ka iiwanan sa ere, ipagpapalit ka or worst may ibang girlfriend habang kayo. Sinasabi ko sayo J, katulad lang din yang si Enrique kay Kristoff at Marky, maniwala ka sakin."ako.

"#HugotMuch! Hahaha. 'Lam mo Kath dii naman lahat ng lalaki ganun, gago lang talaga yang mga ex mo at nagawa nila sayo yun. Tsaka ibahin mo ang quen-quen ko uy, ta'mo magwa-one year na kami pero di naman sya nagbago sakin ah, mas nagiging sweet nga sya habang tumatagal. Matino kaya yun." pagtatanggol ni Julia sa jowa nya.

"Bahala ka nga diyan. Basta WALANG FOREVER !!!! Gets?"

"Hayyyy, ikaw na talaga Kath, ikaw na ang REYNA NG MGA AMPALAYA! haha".

"Ewan ko sayo Julia,bilis na nga at baka ma-late pa tayo."

"Quen-quen mylabsssss! I miss you so much na bebe."

"Oh! I miss you more bebe Juju"napa roll eyes na lang ako sa lakas ng sigaw nitong cousin-slash-bestfriend kong baliw,at ng ka-cheesyhan nilang magsyota. Kung maka i miss you parang di sila nagkita na ilang taon,eh magkasama lang sila kahapon namili ng school supplies,sinama pa ko ng bruha kaya bago pako masuka sa kasweetan nilang dalawa at maging dakilang third wheel buong araw ay humiwalay na ko sa kanila after ko makabili ng supplies ko. Dont get me wrong ha, wala akong grudges kay Quen, at lalo namang wala akong feelings sa kanya. Ewwww! Ang pangit kaya ng mestisong hilaw na yan. HAHAHA. Ang hard ko. Dejoke! Di naman siya pangit. Tsaka mabait din tsaka nakikita ko namang mahal talaga niya pinsan ko. Di ko lang talaga mapigilang maging bitter pag nakakakita ako ng mga couples. Eh,sila lagi kong kasama kaya sila laging nakaka-experience ng ka-bitteran ko,pero sanay na yang dalawang yan sakin.

Ampalaya QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon