Chapter 3 - SORRY

47 2 0
                                    

(Kathryn Jhoanna and Daniel Jay on the multimedia)

"Daniel? Gusto ko lang sana mag-sorry dun sa ginawa ko. Hmm---- Aish! Ano ba sasabihin ko? Pa'no ako magsosorry sa kanila. Hassle naman to oh."

"Hoy couz! Sino kausap mo diyan at para kang tangang nagsasalita mag-isa.",kahit kailan talaga tong si Julia bigla biglang sumusulpot. Nandito kami ngayon sa may garden ng school.

"Wag ka ngang magulo diyan! Kita mong nag-iisip ang tao. Tsaka ba't ka ba andito? Diba magkasama kayo ni Quen?"

"Ahh. Iniwan ko muna siya kila Daniel. Iniisip ko kasi na wala kang kasama."Julia.

Ahwww. Ang sweet talaga nitong pinsan ko kahit lagi kong binabara. After kasi namin mag.lunch sabi niya may pag-uusapan muna sila ni Quen kaya di na ko sumabay sa kanya.Pero,huhuhu. Pano ba ko magsosorry kay Daniel at sa barkada niya? Huhu.

"Julia. Tulungan mo naman akong magsorry kina Daniel."

"Talaga pinsan? Magso-sorry ka sa kanila?Wow! Improving ka na ha. Hihi."

Kita mo tong babaeng to. Di ko na nga alam gagawin ko,inaasar pa'ko.

"Anyway,kami na ni Quen bahala diyan. Mamayang uwian na lang kasi malapit ng mag-bell."masayang sabi ni Julia. Maaasahan ko talaga tong lukaret na to kahit may pagkabaliw minsan.

Malapit na matapos ang last subject namin para sa araw na to kaya kinakabahan na ako. Di ko pa din kasi alam anong sasabihin ko kina Daniel. Ang sabi naman ni Julia. Nakausap na daw ni Quen sila Daniel na tatambay daw muna sila sa garden mamaya after ng klase. Pero di pa nila alam na magso-sorry ako. Hayyyy. Pano na to? Huhuhu.

BAHALA NA NGA SI BATMAN.

"Kath!Hoy! Tara na. Wala na si sir"bigla akong kinalabit ni Julia. Tapos na pala yung klase namin at nakaalis na si Sir,di ko man lang namalayan.

Tumayo na lang ako at inayos ang gamit ko. Pagkatapos ay lumabas na kami ng room.

Naglalakad na kami papunta sa garden at mas grumabe yung kaba ko. Pano kung di nila tanggapin sorry ko? Or worse,baka ipahiya din nila ako. Or worst,baka upakan ako ni Daniel. Siya pa naman yung sobrang galit kanina. Tsk! Di niya naman siguro gagawin yun. Pero kinakabahan talaga ako,parang lalabas na yung puso ko sa sobrang kaba eh. Hayy! JUSKO! PAANO!

"Hmm.Julia. CR muna tayo, naiihi kasi ako."tapos bigla kong hinila si Julia pabalik para pumunta na CR.

"Kung kailan malapit na tayo,tsaka ka naiihi",biglang tugon ni Julia pagpasok namin ng CR."Kinakabahan ka Kathryn noh?"Tumango na lang ako.

"Sus. Dont worry couz,nandito naman ako tsaka si Quen noh. Di ka naman namin iiwan dun. At isa pa,mababait naman yung mga yun kahit mga loko-loko kaya bilis na kasi may date pa kami ni Quen pagkatapos natin dito."pag aaya sakin ni Julia. Sa sobrang kaba ko di ko na nagawang magsalita kaya tumango na lang ulit ako tapos hinila na niya ako palabas.

Malapit na kami sa garden ng huminto ako sa paglalakad. Naka-sabit yung kamay ko sa arms ni Julia kaya napahinto din siya.

"Julia,bukas na lang kaya ako mag-sorry? Di pa talaga nawawala yung kaba ko eh"

"Kath,bukas o ngayon,pareho lang yun,tsaka baka wala nang chance bukas kaya tara na". Di na ako nakapag react kasi hinila na ko ni Julia.

Pagdating namin ng garden. Nakita namin nagtatawanan sila Quen at yung apat, pero wala si Daniel. Nung napansin nila kami, natigil sila sa pagtawa tapos tumayo si Quen.

"Mga tol,may gusto daw sanang sabihin si Kathryn sa inyo.",panimula ni Quen.

"Ah,guys? Where's Daniel pala?"sabat ni Julia. Nabasa niya siguro sa tingin ko na yun din ang gusto kong itanong at di ko magawa kaya siya na lang nagtanong.

Ampalaya QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon