Chapter 2- Meet Mr. GGSS and The Band

45 5 0
                                    

Parking 5 at the Multimedia :)

-------------------

Kath's POV

"GRRRRRR!Couz. Nakakainis yung mayabang/maangas/feeler/GGSS na Padilla na yun. Biruin mo, crush ko daw sya. Assuming. Kala mo sinong gwapo. Bwisit !"

Kanina pa ko talak ng talak dito sa canteen. Nabi-bwisit kasi talaga ako sa Daniel na feeling gwapo na yun. At eto namang pinsan ko mas dini-defend pa yung GGSS na yun.

"Baka naman totoo yung sinasabi nya. Eeeeehhhh.Si Kathryn, may crush na uli. Uyyyy.",tukso sakin ni Julia habang nangingisay sa kilig.Wala namang nakakakikig.

"Sabagay gwapo naman talaga yung Daniel. Pero mas gwapo parin ang Quen-quen ko.Hihi. Tsaka couz, balita ko sila daw official band ng school. Bassist daw yung si Daniel, at di lang yan ah. Siya din ang Team Captain-slash-MVP dito.May ipagmamayabang nga naman talaga." Susungalngalin ko na talaga tong Juliang to eh. Kanina pa nya pinipuri yung pesteng Daniel na yun.

"Pati ba naman ikaw Julia? Anong crush? Pangilabutan ka nga sa sinasabi mo.Tsaka anong gwapo? San banda yung gwapo sa pagmumukhang yun? Ang sabihin mo kwago. Di porke't popular siya, MVP and etc. eh may karapatan na siyang magmayabang. At teka nga, first day pa lang natin dito andami mo nang nasasagap na balita. Chismosa ka talaga noh."naiinis na talaga ako sa babaeng to eh.

"Nagjo-joke lang naman siguro yun o iniinis ka lang kasi sinabihan mong GGSS. At FYI couz, di ako chismosa no. Kay Quen ko lang nalaman yun. Ka teamate nya kasi yun sa basketball. Tsaka ang gwapo gwapo naman talaga nya ah. Hot pa."sagot ni Julia habang ngumunguya ng fries. Ang baboy talaga ng babaeng to. Nagsasalita habang may laman yung bibig. Mabuti na lang talaga at napagtitiisan ni Quen tong babaeng to. Haha. Kidding :).

"Tsss. Gwapo? Hot ? Nako naman Julia malabo ba yang mata mo? Oo ngat matangos ilong niya, mapula-pula yung lips nya, ang ganda ng mata,matangkad at may muscles, pero yun lang yun,di siya hot at gwapo noh.",hala anong sinabi ko? Pinuri ko ba yung unggoy na yun. Ah basta. Di siya gwapo. Period!Padlock tapon susi.

"Asusususus! Di daw gwapo pero pinuri naman yung mga features niya? Deny pa more Kathreng! Huling huli ka na. Kaw ah,chini-check out mo pala siya ha."panunukso ni Julia sabay sundot sa gilid ko.

"Che! Ewan ko sayo. Bahala ka diyan,humanap ka ng kausap mo.",Tumayo na ko't iniwan ko na siya.

"Hoy hoy Kath intay naman, iiwan pa ko oh. Pikon mo talaga."sigaw niya habang tumatakbo para makahabol sakin.

Papunta kami ng CR ni Julia ng makasalubong namin si Quen kasama yung limang unggoy. Oo nga pala,dito nag-aaral si Quen since first year college kaya ang saya saya ni Julia nung malaman niya dito kami magta-transfer. Kapitbahay at kababata namin si Quen. Nanligaw siya kay Julia pagka-graduate namin ng high school,pero last year lang sila naging official.

"Oh Bebe Julia,san punta nyo? Malapit nang mag-bell ah."tanong ni Quen ng makita kami.

"Sasaglit lang kami sa CR Quen mylabs, may 20 minutes pa naman."

Leche, eto na naman sila sa korning tawagan nila. Kasuka talaga. Pinagsisigawan pa.

"Ayy wait lang bebe.Pakilala ko muna kayo sa mga kaibigan ko.Sila ang Parking 5. Official band sila dito sa school."

"Hi I'm Julia. Girlfriend ni Enrique."

"Lester"

"JC"

"Seth"

"Kats"

Sunod sunod na pakilala nung apat na minion. Lumapit naman yung isang unggoy sakin tsaka nilahad yung kamay para makipag shakehands sana sabay sabi,

"Ako si Daniel. Pwede mo din akong tawaging DJ" sabay ngiti.

"And I'm................not interested"ako sabay smirk at hawi nung kamay nya. Di naman sila naka react agad. Pero biglang nagsalita yung JC.

"Hala,ang astig ng pangalan nya noh, 'Not Interested'. Ngayon lang ako nakarinig ng pangalang ganun"pffft.

"Ayy, kala ko ba Kathryn yung pangalan niya? Diba yun yung pinakilala nya sa room kanina?",sagot naman nung Katsumi.

"Oo nga noh? Ayy baka nickname nya yung 'Not Interested'. Tama nickname nya siguro yun."parang henyo namang sabi nung Lester with matching lagay pa ng kamay sa baba at look up na parang nag-iisip talaga. Ang tanga naman nitong mga to. Sarap tumawa. HAHAHAHA XD.

"Mga ugok! Ang bobo nyo talagang tatlo. Di nya nickname yung 'Not Interested' MGA TANGA!",sigaw ni Seth sabay ngiti na parang siya yung pinakamatalino sa kanila dahil sa naisip niya.

"Iskreyn name nya yata yun" patuloy naman ni Seth sa sinabi niya. Dun na ako natawa talaga.Kala ko naman gets niya talaga. Siya pala yung mas tanga. Hahahahaha. Screen name daw? Ano ako artista? At kung magiging artista man ako di na'ko gagamit ng screen name noh. Ganda-ganda kaya ng pangalan ko. Hihi.

Isa isa naman silang binatukan nung Daniel.

"Tse! Pare-pareho lang kayong mga TANGA! Binabara na tayo nung tao. Di nyo pa nagets! At ikaw naman Miss, nagpapakilala kami ng maayos, umayos ka naman din sana. Maganda ka nga, ang sungit mo naman. Kanina ka pa eh. Wala naman kaming ginagawang masama sayo pero kanina mo pa kami simpleng nilalait. Kundi ka lang babae eh."galit na sabi ni Daniel. Yun lang galit agad? Ang liit ng heart. Hahaha. Pikon pala tong unggoy na to eh.

"Ahhhh. Wala, wala. Ano. Ang ibig niyang sabihin dun, eh ano. Yung, ano, ahm. Kilala na nya kayo. Oo,tama kilala na nya kayo kasi diba nagpakilala na tayo sa room kanina. Oo,yun nga. Sige ah, CR muna kami. Mauna na kayo sa room. Quen-quen, punta na kayong room. Sunod na lang kami.",nauutal na sabat ni Julia sabay hila sakin papuntang CR.

"Ano ka ba naman Kathryn? Ba't mo nama sila ginanon. Nagpakilala naman ng maayos yung mga tao ah. Ano bang nangyari sayo?",biglang tanong ni Julia nung nasa CR na kami.

"Eh, alam mo namang inis ako sa kanila diba? Lalo na dun sa Daniel na yun. Siya nauna, gumanti lang ako. Tama lang yung ginawa ko."

"Yun lang ? Binibiro lang naman yata ni DJ kanina,tsaka walang ibang nakarinig nung pang-iinis niya sayo. Eh ikaw kanina, pinahiya mo siya sa harapan namin. Di ka naman ganyan ah. Mag sorry ka kaya mamaya."

Napaisip naman ako dun sa sinabi ni Julia. Oo nga noh, parang sobra nga yung ginawa ko. Napahiya ko siya, sila ng mga kaibigan niya. Pero kasi naman siya eh. Di naman kami close para biruin niya ko ng ganun. Pero ako din naman nauna, kasi kung ano-anong panglalait yung binubulong-bulong ko kanina. Di ko naman alam na matalas pala pandinig niya.

"Yaan mo na, nangyari na eh. Wala na tayong magagawa. Tara na at baka ma-late pa tayo."sabi ko na lang kay Julia at lumabas na kami ng CR.

Kasabay lang naming pumasok yung teacher kaya dretso na kami ni Julia sa upuan namin na ni-reserve ni Quen. Nasa likod parin namin sila Daniel. Yung apat nag-tatawanan lang naman, parang di naman nila dinibdib yung ginawa ko. Pero si Daniel,di nakisali sa kanila,tahimik lang siya at nakayuko. Nakatingin ako sa kanya habang papunta ako sa upuan ko. Napansin niya siguro na may tao na sa unahan niya kaya napaangat yung ulo niya pero pagkakita niya sakin agad din naman siyang tumingin sa ibang direksyon. Galit nga talaga siya. Napatahimik naman yung apat pagkaupo namin ni Julia.

Buong klase tahimik lang din ako. Iniisip ko pa rin kasi yung ginawa ko. Wala naman talagang grabeng ginawa si Daniel. Nadamay ko pa yung mga kaibigan niyang walang kamalay-malay. Oo,nayabangan ako sa kanila,pero di naman sapat na reason yun para ipahiya ko sila,at di rin nila kasalanan kung yun ang impression ko sa kanila. Kasi naman eh. Umandar na naman tong pagka-bitter ko kaya lahat na lang yata ng lalaki nadadamay sa galit ko dun sa dalawang ex ko. Nakokonsensya na tuloy ako. Tama si Julia.

Kailangan kong mag sorry sa kanila.

-------------------------------------------------------------

AN: Oh ayan,magso-sorry na daw si Kathryn. Ang tanong tatanggapin kaya ni DJ ang sorry niya? Hmmmm. Lets see.

Don't forget to vote and comment guys :) Thankies !

Ampalaya QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon