Chapter 4 - The Condition

56 4 3
                                    

Daniel's POV

"ANNOOOOOOO?? Ayoko nga! Bahala ka sa buhay mo. Basta nag-sorry na ako. Kung ayaw mong tanggapin yun, edi wag!",si Megaphone-- este si Kathryn yang sumisigaw. Maiinis na sana ako sa lakas ng boses niya kaya lang nakakatawa yung reaction ng mukha niya. Lumalaki yung medyo bilugan niyang mata pati yung butas ng ilong niya. Hahaha.

"Parang OA naman ng reaction mo. Para yun lang."

"Tse! Kung maliit na bagay lang yan para sayo, pwes sakin hindi kasi hindi naman makapal ang mukha ko gaya mo. Kaya, ayoko. A-YO-KO! Gets? Hmp! Diyan ka na nga. Nasayang lang oras ko dito."Pffftt! Inis na inis na talaga siya eh. Namumula na nga sa sobrang inis. Pikon pala tong babaeng to kaya ang sarap asarin. Hahaha.

Paalis na sana si Kathryn nang humarang ako. "Op-op-op-opsss! San ka pupunta? Diba sabi mo gusto mong patawarin kita?"

"Wala na akong pake kung magalit ka. Bahala ka sa buhay mo. Ang babaw lang naman nang atraso ko sayo para magbigay ka pa ng kondisyon. Atsaka di ako uto-uto no kaya maghanap ka ng ibang muse nyo." Aishhh. Di ba sumasakit lalamunan niya kakasigaw? Ilang megaphone ba nalunok na babaeng to. Tsss.

"Teka teka teka Kathyn. Nakikita mo ba yang mga babaeng yan?" Tanong ko sa kanya sabay turo dun sa mga babaeng nagkukumpulan at nanonood sa amin. Mga tsismosa talaga tong mga babaeng to eh. Palibhasa lahat yata ng galaw naming lima binabantayan. Nakakairita lang.

Nakatingin lang si Kathryn sa akin na parang sinasabing "eh ano ngayon?"

"Alam mo bang wala pa sa kalahati ang bilang ng mga yan sa mga babaeng pwede kong utusan para gawing miserable ang stay mo dito? Isang salita ko lang sa mga yan, susunod agad sila. Gets mo?" pananakot ko sa kanya. Di ko naman talaga gagawin yun. Tinatakot ko lang siya. Haha . Ang sama ko ba? Lumaki naman yung mata niya pagkasabi ko nun tapos napalunok siya. Haha mukhang natakot yata. Akala ko ba matapang tong babaeng to. Pero sabagay, sino ba namang di matatakot sa threat ko. Hahahaha. Ang talino ko talaga.

(Kath's POV)

Takte! Nakakainis pala talaga tong taong to. Pangit na nga blackmailer pa. Leche lang. Nakakabanas! Eto ba yung sinasabi nilang mabait? Nananakot pa? Tssss. Bakit kasi ako pa? GGRRRRR !

Gusto nyo bang malaman kung ano yung lintik na kondisyon na piapauso nitong feeler na to?

Eto lang naman...

--------------------------------FLASHBACK------------------------------------

"Papatawarin lang kita pag pumayag kang maging muse ng team namin" nangngiting tugon ni Daniel woth matching taas baba pa nung kilay niya. Bakla siguro to. Haha. Pero ano daw ulit yun? Muse?

"Anooooo? Ayoko? Hindi pwede. Hmmm. Si Julia na lang.", mariin kong tanggi.

Muse? Ako? Nasisiraan na ba siya. Ke bago bago ko pa nga lang dito, ipapahamak na niya ako. Di ba nya naisip na pwede akong pag-initan ng mga girls dito sa school pag ako yung maging muse nila. Lalo na at siya ang team captain. Ibig sabihin siya yung magiging escort ng magiging muse. Eh, ang dami kayang mga bulag na babae dito na baliw na baliw sa kanya. Baka sabihin pa nilang nilandi ko siya kaya ako naging muse agad. Tss. Di ko talaga alam anong nakita nila sa mukha ng lalaking to, eh puro lag naman to eyebag. Pfffftt!

--------------------------------FLASHBACK ENDS----------------------------

Tapos ngayon, binablackmail ako. Isa't kalahating gago rin tong Padillang to eh. Ang sarap ipakain sa pating. GGGRRRR! Pero baka gawin nga niya yung sinabi niya. Juskoooo! Ang dami-daming babae dito sa school. Patay ako pag nagkataon. Kung papayag ako, pwede ko naman siyang pakiusapan na sabihan yung mga fangirls niya na huwag akong awayin dahil lang sa ako ang naging muse. Siya din naman may pakana nito diba. Pero, waaahhh! Ayoko parin. Siya yung magiging escort ko. Eh, di lagi kaming magkakasama. Diba ganun yun? Ayoko siyang makasama palagi, baka matuyuan ako ng dugo sa sobrang inis sa kanya, o kaya magkasakit ako sa lalamunan kakasigaw sa bwisit na mapang-asar na'to, Aish! Kainis! Kung pwede lang sanang lumipat na naman ng ibang school kaya lang sabi nila mama kung ayaw ko parin daw sa school na ito eh, sa US na lang daw nila ako papag-aralin. Eh ayoko dun. Ayoko kas maging unfair kay Julia eh. Kasi syempre, pag lumipat ako sa US, sasama siya for sure. Pano naman sila ni Quen nun. Ang saya-saya kaya niya nung nalaman nyang dito kami sa school ng boyfriend niya lilipat. Ayoko naman siya maging malungkot. Kahit naman may pagkaloka-loka yung oinsan kong yun eh mahal ko parin yun noh. Haaaaayyyyyy! Ano bang gagawin ko? Papayag ba ako o hindi? Tss. Kainis naman oh. Pano ba'ko napunta sa sitwasyong to. Bwisit kasi na Daniel yan eh. Haaayyyy.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Yayyyy! Nakapag-update na rin sa wakas...

hmm. tingin nyo? papayag ba si Kath o hindi? abangan na lang sa next chapter. Baka mag-update ako again mamaya o bukas.

Anyway. May nagbabasa pa ba nito? Paramdam naman kayo guys. Vote and Comment kayo pleaseeeeeee. Kung ano ba tingin nyo sa story. I will entertain suggestions guys. Promise.

-jhai-

____________________________________________________________________________

Sinong may ticket na sa TRES? Waaaahhhh! Sold-out agad agad yung ibang seats. Mukhang teambahay na naman ako for the third time.

#TeamBahayForevs

Ampalaya QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon