Chapter 2 - Psycho Girl

24 3 0
                                    

-NICHOLS POV-

(6 pm)

Esaktong ala sais na pero wala parin akong balita sa nangyari kanina. Kanina pa ko hindi mapakali sa higaan ko dahil nagaalala ako na baka kung mapano na yung bata kanina.

Nasa kwarto ako at gumagawa ng assignments ko dahil baka pasahan na bukas. Mas pinili kong maupo sa lamesa na katapat ng bintana ko para mas lalong makapagfocus sa gagawin ko.

Habang gumagawa ako ay nakatingin nanaman yung babae na nasa bintana. Hindi ko siya pinapansin dahil baka mapatalon nanaman siya sa gulat kaya hinayaan ko na lamang siya.

"Psst!" pagtawag niya.

Dinedma ko lang siya dahil mas importante yung ginagawa ko ngayon kesa sa kanya na mangungulit lang. Tsk!.

"Hoy!"  sigaw niya.

This time malakas na ang boses niya kaya natigilan ako sa ginagawa ko at tinignan siya ng masama.

"Ano ba? May ginagawa ako!"  sagot ko sa kanya.

Sinadya ko talagang lakasan ang boses ko para lumayo siya at magadjust af para pagalitan rin siya ng magulang niya.

"Hindi ka ba magso-sorry?"  tanong niya.

Nagtaka ako sa sinabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"At bakit? Sakin ka nga dapat magsorry dahil nanggugulo ka!"  palakas na boses ko.

Alam kong hindi maririnig ni papa ang sigaw ko dahil nagluluto siya para sa kakainin mamaya.

"Edi wag, pinipilit ba kita? Arte nito, tsk!"  pagtataray niya.

Hindi ko maintindihan kung anong meron sa kaniya. Sabagay malakas talaga ang mga tama ng mga babae lalo kapag meron sila, bigla nalang nagsusungit na ewan. Abnormal.

Nag focus ako sa mga gawain ko upang matapos ko ng maaga, para mamaya kakain nalang ako at matutulog.

Nang nakapagfocus na ko tsaka naman nagingay yung bwiset na babaeng nasa tapat ng bintana ko kung ano ano yung sinasabi akala mo baliw na nakawala sa mental!

"Ano ba?!"  sigaw ko.

Nung sumigaw nako ay mas lalo pa siyang nag-ingay na parang walang narinig at mas nilakasan ang boses.

Paano ko matatapos homeworks ko kung yung tapat ko walang modo. Tsk!

"Ano ba kasing ginagawa mo?"  tanong niya.

Tinatanong pa ba yan?! Bulag ba itong babaeng ito? Napaka nonsense ng tinatanong, obvious na nga tinatanong pa. Siraulo talaga

"Pwede ba? Manahimik ka na lang, okay? Wag ka na magtanong. Please lang"  saad ko.

This time seryoso ko nang sinabi iyon para malaman niya na hindi biro ang ginagawa ko.

Nung sinabi ko ang mga salitang iyon ay bigla siyang nanahimik, bigla siyang naupo at tinitignan lang ako mag-aral.

The Farewell Letter (Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon