Chapter 02
"Saan ka na naman galing kagabi, Kaliteiya?" kalmadong tanong ni Mama.
"Hon, hayaan mo nalang ang anak natin..."
"Tumigil ka d'yan, Rodryn! Hindi ikaw ang tinatanong ko!" bulyaw ni Mama kay Papa kaya naman walang ibang nagawa si Papa kundi tumahimik at nagpa-tuloy nalang sa pag-kain.
Ngayon niya ba talaga ako sesermunan? Ang aga aga! Ano 'to, almusal ko? At talagang nasa hapag kainan kami, hindi ba siya nahihiya?
"Kina Yve po, niyaya niya po kasi akong — " naputol ang sasabihin ko nang hinampas ni Mama ang mesa. Gumawa ng malakas na tunog ang mga plato at kutsara namin dahil doon.
Napapitlag din ako sa gulat nang gawin niya 'yon, halos lahat naman kami. Napalunok ako bago hinawakan ng mahigpit ang kutsara ko.
"Ano?! Nag-inom ka nanaman?! Ikaw na bata ka talaga! Imbles na nag-aaral ka para mataasan mo 'yang ano nga uli pangalan no'n? Basta 'yun! tapos nagwa-walwal ka lang pala?!" Sigaw ni Mama saakin habang nanlilisik pa ang mga mata.
"Ma kasi — aray!" napa-sigaw ako nang bigla nalang niyang pingutin ang aking tainga. "Ma! Sorry na!" paulit-ulit kong sigaw upang tigilan na niya ako.
Ayaw ko pang mawalan ng tainga! Gusto ko pa marinig na tinatawag ang pangalan ko sa entablado kasabay ng rankong nakuha ko.
Oo, lagi lang naman akong top 2 pero ayos lang 'yon dahil alam ko sa sarili ko na ginawa ko ang lahat ng makakakaya ko para doon. Pero kay Mama? S'yempre galit na galit sila kasi ilang taon na akong nag-aaral pero eto, top 2 parin ako. Hindi ba pwedeng i-appreciate nalang nila at maging proud nalang sila saakin? Mahirap ba 'yon? They should be the one being proud at me but here they are, they're ashamed of me for being always the second option. Ako ang panganay, dalawa lang kaming mag-kapatid. Lalake ang kapatid ko at grade 8 na. Siya naman itong laging hindi nagbabago ang rank, lagi naman siyang nasa rank 7 o kaya 8 ngunit ang saya saya na nila Mama. Pinaghahandaan pa nga nila ito at kapag ako?
Hindi ba nila kayang maging proud saakin?
"'Wag na 'wag kang lalabas ngayon, mag-aral ka doon sa kuwarto mo," utos ni Mama nang binitawan na niya ang tainga ko.
Tumayo siya bago pinagpag ang damit niya, "Aalis na 'ko," paalam niya bago humalik kay Papa at kay Maven.
Hinintay ko siyang humalik din saakin pero tinignan niya lang ako bago naglakad palayo.
"Do'n muna ako sa kuwarto." paalam ko at hindi ko na hinintay ang isasagot nila dahil tumayo na ako ats saka pumunta sa kuwarto ko.
May kalakihan naman ang bahay namin, may second floor at may tatlong kuwarto doon ngunit ang kuwarto ko? Nandito sa first floor at malapit lang sa banyo. Si Maven, Mama at Papa ay sa second floor ang kuwarto. Hindi ba puwedeng mag-sama nalang si Mama at Papa sa kuwarto para magka-kuwarto naman ako sa second floor? Ayoko kasi dito.
Kasi kapag nagigising ako para umihi o 'di kaya uminom ay madilim, ilaw lang galing sa second floor ang nakabukas. Sa salas, sa kusina, sa dining ay nakapatay ang ilaw. Pero sa second floor? Ayon, hindi takot mag-bayad ng bills. Buong gabing naka-bukas ang mga ilaw nila.
Ayoko sa madilim.
Takot ako sa madilim.
But I didn't said these to my parents because I know they will just get mad at me. Sasabihin na naman nila na maarte lang ako.
BINABASA MO ANG
Rivalry Against Us (UNDER REVISION)
RomanceR-18 | Completed UNDER REVISION Ranks: #2 academicrival #1 smart #6 study Kaliteiya's life were filled with rivalries, for her it is like navigating a perpetual battlefield, where every interaction carries the potential for conflict. Competition...