05

114 60 0
                                    

Chapter 05

"Kaliteiya, umayos-ayos ka lang talaga doon at masasampal talaga kita kung may ginawa kang katarantaduhan doon ha!"

Tumango ako sa bilin ni Mama, hindi na mabilang sa sampung daliri kung ilang beses na niya 'yang pinaalala. Ano ba tingin saakin ni Mama? Bata? puwede na nga akong mag-silang ng sanggol eh.

Luh, iba na 'yan.

Anyway, it's the daaay! I'm feeling mixed emotions right now, I feel excited yet I feel anxious. I'm going to meet other competitors, mukhang mapapasabak talaga ako rito. But it's exciting though, lahat kami'y competitive kaya may the best student win nalang talaga. Palakasan nalang ng apog dito!

"Kaliteiya! bilisan mo, kanina pa kami ni Sir Lyx dito!" Dinig kong sigaw ni Papa mula sa labas. Bumusina pa talaga siya. Napa-ngisi tuloy ako nang ma-imagine ko ang mukha ni Papa na sumisigaw, tipong labas na ang ugat sa leeg niya.

Kumaway lang ako kay Mama bilang pagpa-paalam dahil hindi naman niya ako niyayakap — hindi naman kami close. Si Maven naman ay nasa school at wala namang pake 'yon saakin kaya ayos lang din. Ewan ko ba, bakit kaya hindi kami-close ng kapatid ko? ano bang mali? bakit 'yung ibang magkapatid close naman? Na-iinggit tuloy ako sa kanila, gusto ko sanang makasama ang kapatid ko, makakwentuhan at makakulitan katulad ng ibang magkakapatid ngunit hindi talaga yata 'yon tinadhana para saamin.

Why does it feels like I'm alone?

At sa huling beses ay lumingon ako sa bahay namin, 1 week din akong mawawala at mamimiss ko 'tong bahay kahit 'yung mga tao ay hindi ko mamimiss.

I don't hate them, they're still my family. But sometimes, it feels like we were just a strangers living in the same roof.

My family doesn't feel like family anymore and it scares me — na baka kapag ako naman ang nagkaroon ng pamilya, gano'n din ang maipaparamdam ko sakanila.  Even though I'm experiencing this kind of household, I'm gonna use this as a lesson.

Ayokong maramdaman nila ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Pagka-bukas ko ng kotse ay bumungad ang magka-salubong na kilay ni Lyxhander, kahit mukhang masungit, gwapings pa rin! Napa-tingin ako sa hawak niya at isa itong libro. Aba't focus na focus. Tinaasan ko siya ng kilay kaya napa-iling nalang siya bago bumalik sa librong binabasa niya. Napa-irap nalang tuloy ako bago pumasok sa loob at umupo na.

Maluwag naman ang espasyo sa backseat ngunit parang may malaking pader na naka-harang sa pagitan namin ni Lyx dahil ang layo ng inuupuan namin sa isa't isa. Hindi naman required na mag tabi kami 'di ba? Kahit na malayo ako sa kaniya ay naaamoy ko ang panlalaki niyang amoy. Ang sarap sa ilong! Busog na busog!


Umandar na ang sasakyan, ni isa saamin ay walang nag salita. Ako naman ay nag simula na ring magbasa ng mga notes ko sa binder ko para naman may magawa ako rito sa kotse. Hindi ko maiwasan ang mapatingin kay Lyx na hindi naman ako binabalingan ng tingin.

Nakakainis siya, hindi manlang ako pinapansin o binati! Ang kapal ng mukha! Akala mo talaga'y hindi kami mag kasama kahapon. Grr!

Teka nga, ano bang pake ko kung hindi niya ako kausapin? Mabuti nga 'yon at mag-aral nalang siya diyan para matalo niya ako sa replacement!

Rivalry Against Us (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon