03

139 63 5
                                    

Chapter 03

"Hindi nga kami mag-shota!"

Napatigil silang lahat sa biglang pag-sigaw ko, kahit ako ay nagulat, hindi ko naman kasi ugali ang manigaw. Nagtinginan lang sila bago bumalik sa pagtatanong ng kung ano-ano saakin, ayaw kasi nilang maniwala na hindi kami magka-relasyon ni Lyxhander. May nag-picture pala kasi noong bumaba si Lyxhander ng kotse at noong sinilip niya ako, sakto naman kasi na sunod akong bumaba ng kotse kaya aakalain nilang mag kasama kami sa kotse dahil nga may relasyon kami. Hidi ba puwedeng naki-sabay lang kasi gipit, 'di ba?

"Ilang months na kayo?"

"Sabi ko sayo magkakatuluyan 'yan eh."

"Ang sweet nila!"

"Green flag ba?"

"Nag-seggs na ba kayo?"

"Malaki?"

Napa-takip nalang ako ng tainga dahil sa nakakarindi nilang tanong. At anong klaseng tanong 'yan? Seggs? Malaki? 'Yung ano? Grade 11 palamang kami at 'yan na ang nasa isip nila? Grabe naman ang mga utak ng mga fersonability ngayon.

"Ganito kasi 'yan," panimula ko at tumahimik naman sila para makinig saakin. "Dear Charo," pagbibiro ko ngunit 'di sila tumawa kaya medyo napahiya ako roon. Inayos ko ang upo ko bago nagsalita. "Si Papa, driver siya ng pamilya ni Lyxhander. Tapos nalaman nila na parehas kami ng school, kaya sabi nila ay isabay nalang ako para hindi na ako mamasahe. Okay?"

Sumimangot ang iba ngunit ang iba ay mukhang hindi naniniwala. Aba! Bahala sila diyan kung hindi sila naniniwala, hindi ko naman na kasalanan kung nag assume sila. Kaya sila nasasaktan e, nag-aassume kasi.

Nasa kalagitnaan kami ng klase nang may kumatok sa pinto, binuksan naman 'yon ni Sir at mukhang may kinausap pa. Lumingon si Sir saakin bago bumalik sa kausap niya.

"Raveche, pinapatawag kayo sa office. Sumama ka na sakanila, exempted ka sa oral recitation mamaya."

Malaki ang ngiti ko habang naglalakad papalabas ng room. Nag-flip hair pa ako para ipag-yabang sakanila na exempted ako sa oral recitation namin ngayon. Hindi naman sa ayaw ko mag recite pero hindi nagfu-function ang utak ko eh. Minsan talaga, tatamarin ka sa mga gawain sa school or maybe there's some time na naguguluhan ka sa lesson and it's okay, it's natural. Just because you had a hard time catching up with the lesson doesn't mean you're a slow learner.

Paglabas ko ng room ay sinalubong ako ng mukha ni Lyxhander na walang emosyon ngunit ang dalawang mata niya ay nakatingin saakin. He's undeniably handsome, if I wasn't wrong. Anak siya ng former mayor noon na ngayon ay senator na yata. Hay nako, basta! Hindi naman kasi ako mahilig makialam sa politics. Mga corrupt naman sila.

May iba pa kaming kasama, si Wynona at si... hindi ko 'to kilala! Basta pogi siya. Pero si Wynona, ang alam ko ay top student din ito, isa rin siyang journalist. Mukhang masungit pero sa tingin ko ay mabait naman siya.

Mahina talaga ang memorya ko pagdating sa pangalan at mukha ng tao. Katulad nalang kahapon, I didn't remember nor recognised that Lyxhander is my rival. Poging-pogi pa naman ako sa kaniya!

Sabay sabay kaming naglakad papuntang office at ni isa saamin ay walang imik. Pare-parehas nagkaka-hiyaan.

Nang makarating kami sa office ay may iba pang estudyante sa loob. Wala naman silang mga galos o kaya pasa kaya imposibleng pina-guidance 'to.

Rivalry Against Us (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon