"Ayaw mo na kong subuan? Masakit pilay ko."Inarkohan nya 'ko ng kilay tila sinasabing 'anong konek?' kaya napa-simangot ako. Nagdabong akong umupo sa kama saka bahagyang ginulo ang kumot na inayos nya kanina. Wala syang naging reaksyon don, pinukulan lang ako ng striktong tingin sabay abot ng plato sa'kin. Tinanggap ko iyon at kumain ako ng tahimik saka lumabas naman sya. Wala na talagang balak subuan ako... Charot! Abuso.
Pero ilang minuto lang bumalik din sya. Saktong kakatapos ko lang din kumain.
"Let's go, I'll take you back home." Yun agad ang sinabi nya nang makapasok. Dala na din nya ang toolbox ni tsong na ayaw ko na sanang makita.
"Huh? Pero si Joj—" Hindi ko na natapos ang sasabihin nang bigla nya akong kargahin pagkalapit nya sa kin. Napakapit ako sa leeg ni Rhioz. Naamoy ko din agad ang pinaghalong pawis at natural na amoy nyang panlalaki. Grabe, ambango pa rin at wala iyong bahid ng pabango. Ako nga pag pinagpapawisan amoy panis.
Nagmamadaling lumabas si Rhioz na para bang mauubusan ng oras. Hindi ako pumalag kasi baka lumala lang sakit ng paa ko pag inaway ko sya ulit. Nang makalabas kami sa clinic, napapikit ako agad dahil sa sinag ng araw. Nang imulat ko muli ang mata, pababa na kami sa hagdan palabas.
"Hey! Sa'n mo dadalhin si Ginger?"
Natigil si Rhioz at napatingin ako kay Jojo nang makasalubong namin sya. May dala syang supot, pagkain ata at nag-aalalang nakatingin sa 'kin. Napayuko ako... jusko, ano'ng dapat gawin? Dama kong may namumuo tensiyon sa paligid.
"She needs to rest, man. Leave her in the clinic. I'm the doctor, I'll take care of her." Determinadong hinarap ni Jojo si Rhioz na tahimik lang. Hindi ko mapigilang ma-excite sa nangyayari. Yay! Pinag-aagawan yata ako ng dalawang makisig na ginoo. Kkanino kaya ako sasama? Kilig bilbil ko besh!
"Okay. Take her back inside."
Natulala ako sa sagot ni Rhioz... ansabi?!
Linahad ako ni Rhioz kay Jojo na parang isa akong tirang ulam na ibibigay nya sa pulubi. Hayup na Rhioz pinapamigay lang ako!
Binaba ni Jojo ang dala at tatanggapin na sana ako nang magsalita muli si Rhioz...
"But I think it is for the best that I take her back. I can't allow her to cause you any more troubles that probably haven't even crossed your mind. Thanks for taking care of her, by the way. See yah."
Iniwan nya si Jojo na nganga. Grabe sya, kawawa naman yung tao! Nag-aalala lan eh. Tsaka yung trouble pa talaga na maari kong iparanas kay Jojo iniisip nya? Hindi ko naman siguro magagawang umutot sa harapan ni Jojo no? Sa kaniya lang. Kaya naman nang makalayo kami ay kinurot ko sya sa braso... "Ambastos mo talaga kay Jojo!"
"Stop that."
Pero hindi ako nakinig at kinurot ko sya ulit ng paulit-ulit. "Ambait nung tao tapos ginanun mo lang?!" Napaka-imposible talaga ng ugali nya. Minsan nagiging mabait sya, minsan okay lang, minsan parang may regla, madalas menopause. Hirap nya intindihin, sobra. Tapos napapansin ko parang guarded sya lagi. Naguguluhan tuloy ako kung sino at ano ba talaga ang tunay na Rhioz Dimitreo. Kaya ko ba syang biyakin?
"Was a 'thank you' not enough?"
"Gago, thanks lang yun. Malaki pagkakaiba ng thanks sa thank you."
BINABASA MO ANG
Her Lockdown Possession
HumorNANG DAHIL SA COVID #3: Lockdown Dahil sa isang milyong suhol, nagawang dalhin ni Ginger si Rhioz sa bukiring parte ng kanilang probinsya upang panatilihin ito roon ng ilang araw. Ngunit nang balak nya nang ibalik ang nag-aalborotong lalaki sa syuda...