Warning: Contains spoilers from #2"How much for your service? I am willing to pay any amount."
Bigla'y parang nabuo ulit sa lalamunan ko ang syomai na kinakain nang marinig ko iyon mula kay Alexander. Inabot nya sa akin ang tubig at linagok ko naman iyon ng diretso. Nang kumalma ako ay isang hindi makapaniwala at nanunudyong tingin ang ipinuko ko sa kaniya.. sus, itong poging 'to!
"Ba't hindi ka na lang nagpa-bachelors party kesa ako ang landiin, ha?" Nginisihan ko sya kahit gusto ko syang idispatsa. Hindi nya ata kasama ang anino nya ngayon na si Rhioz kaya pwedeng-pwede.
Mariin syang pumikit... "It's not like what you're thinking, Ginger."
Humalukipkip ako at masinsinang hinintay ang sunod nyang sasabihin. Akala ko nag-change of heart itong mapapangasawa ng pinsan ko matapos nya 'kong sunduin sa tinutuluyan ko kanina. Kala ko tuloy ano na lalo pa't sinabi nyang "let's talk" saka hinila ako palabas... sa turo-turo lang pala ako dadalhin.
Muntik ko na tuloy syang masigawang scammer.
Ngayong araw ang kasal nila Marimar at ready na sana akong puntahan ang pinsan ko dahil ako ang bridesmaid nya. Ayaw ko nga sana kasi maraming utos at obligasyon, tapos heto pa ang groom itatanan yata ako. Poging-pogi pa naman ako sa kanya at ilang beses ko syang pinantasya. Kung hindi si Marimar ang mahal nya, malamang linigawan ko na 'to.
"E ba't ka ba nagtatanong tungkol sa presyo ko?" Tinaasan ko sya ng kilay.
"I just want you to do something for me. I want you to take care of something."
Salitan kong naitaas ang kilay ko sa kaniya. Hindi nya naman siguro ako balak gawing killer diba?
"Anong gusto mong ipagawa?"
"There's a package that I want you to bring somewhere far from here. Anywhere, you decide." Magsasalita na sana ako pero kinuha nya ang cellphone sa bulsa at may tinawagan sandali kaya hindi ako nakasingit. Matapos ang tawag ay muli nya 'kong hinarap.
"Are you ready?"
Nanlaki ang mata ko sa gulat. "H-ha?! Teka! Teka lang naman, ah? Kasal ng pinsan ko ngayon at hindi mo pwedeng bawiin sa akin ang karapatan kong umattend at makikain!"
Pinangako pa naman ni Marimar sa 'kin na ibibigay nya ang buong ikalawang layer ng cake nila! Sayang 'yun.
"I know, but this is a very urgent job. Ikaw lang ang malalapitan ko para gawin 'to. As I said, I'm willing to pay any amount. Are you in, Ginger?"
Napakurap ako. Mukhang urgent nga kasi napaka-seryoso nya. Pero hindi ibig sabihin ipagpapalit ko na agad ang isang layer ng cake ko! Pero teka, kahit magkano daw e... try ko kaya?
"Sige ba, one million ang presyo ko. Payag ka?" Panghamon ko sa kaniya.
"One million, its a deal then." Agad nyang sagot na wala man lang bahid ng panti-trip o pagdadalawang isip. Jesusmaryosep, seryoso? One million? Gano'n na lang? Deal agad?!
"A-ano bang meron sa package na yan at willing kang magbayad ng malaking halaga?" Hindi naman siguro shabu diba? O baka naman bangkay ng kontrabida nyang nanay at ni Valleire na gusto nyang ipatapon? Kung gano'n, kahit wala pang bayad!
Tinaasan nya 'ko ng kilay. "Don't think of something stupid, woman. Whatever's in that package is important. You'll find out soon what's inside it and I need you to take good care of it."
Tumayo sya at may kinuhang sobre sa pan-ilalim na bulsa ng jacket nya. Advance payment na ba dis?!
"Here, one hundred thousand for now. Use the money till you come back a week after, that's when you get your one million and don't ever tell anyone about this. I'll be counting on you, Ginger."
Linagay nya ang sobre sa mesa at tinulak iyon palapit sa 'kin. Sandali akong napatitig do'n, nang imenwertsa nyang kunin ko iyon ay walang pakeme-keme ko iyong inabot saka tinago sa ilalim ng damit at pasimple akong luminga sa paligid na para bang nag-dedeal nga kami ng shabu dito. Grabe, ganito pala ang kaba ano?!
"The package is already in your doorstep. Don't worry, I'll take the best care of Mariel. And remember, don't ever open that package hangga't 'di ka pa dumadating sa kung sa'n mo balak pumunta."
Tumalikod na sya at hindi ko man lang nagawang magsalita hanggang sa nakalabas na sya. Hindi ko pa lubos maisip na may isang daang libo akong hawak ngayon! Mukhang wala na nga akong mapagpipilian kundi gawin ang utos nya. Inilabas ko ang sobre at napatitig ako roon... okay lang ba talaga na ipagpalit ko ang kasal ng pinsan ko dito?
Huminga ako ng malalim at tumayo matapos ubusin lahat ng pagkain na pina-bili ko kay Alexander.
"Tsk, bahala na si Cardo."
•••
BINABASA MO ANG
Her Lockdown Possession
HumorNANG DAHIL SA COVID #3: Lockdown Dahil sa isang milyong suhol, nagawang dalhin ni Ginger si Rhioz sa bukiring parte ng kanilang probinsya upang panatilihin ito roon ng ilang araw. Ngunit nang balak nya nang ibalik ang nag-aalborotong lalaki sa syuda...