CHAPTER TWO: It's been awhile
Suddenly a cold air wraps around my body as I open the sliding door of the balcony. I smiled. This is my first morning since we've arrived. Such a beautiful place, plus approachable people here. Buti nalang talaga sumama ako sakanila, hindi ako nagkamali.
Napalingon ako nang bumukas ang pinto, iniluwa nun si Ysmael Roberto Gundez sa umaga, Clarise in night. Napangiti ako, habang papunta sakanya at niyakap siya. Sayang talaga, kung lalaki lang ito. Nakou!
"Stop! Kaliligo ko lang!" ani ni Roberto. Arte!
"Naligo naman ako kagabi, saka wala kaya akong amoy" pangmamayabang ko habang pinipigilan ang tawa.
Inirapan ako.
"Get ready, we will start the activities." sungit nito.
"Huh? ngayon na?" gulat kong asal. Habang nagmamadaling tumungo sa banyo at dali-daling naghubad. Jusko! Bakit hindi niya sinabi agad, nakakahiya!
"Hindi ka nakinig kagabi! and close the door! Nakikita kita, my god! My innocent eyes" hysterically. Nasilip kong tumakbo na ito sa labas.
"HAHAHAHAHA, buseth kang bakla ka!" tawa ko habang nag-shampoo na.
Ysmael irritated face never fade. Everytime I asked, he will just raise her left eyebrow and act like he doesn't know me. Feeling ang bakla niyo ngayon.
"Roberto, pinapaalala ko lang ah, hindi ikaw si Clarise ngayon" ngiti ko sakanya. Bigla siyang napatingin at masama akong tinignan.
"You bitch!" gigil na hinawakan ang aking braso at bewang saka ako inilapit sakanya. Galit yern? Inilagay niya ang braso sa aking braso saka ako hinila.
Sa paghila niya sakin papuntang dagat upang magsurf, may nabangga akong matigas na dibdib kung saan tuluyan akong nahulog. Ang sakit!
"Aray!" sobrang sakit ng pagkabagsak ko. Dali-dali naman akong itinayo ni Roberto.
"Marunong kang tumingin sa dinaraanan mo, pare!" galit na sabi ni Roberto. Nagulat ako nang bigla niya akong ilayo pa sa lalaki.
"I'm sorry, Miss." a manly voice enveloped my ear. I look at the man and suddenly his eyes enlarge, para bang nagulat.
"You better go, man" napatingin ako kay Roberto. Kailan pa naging rude to? Gwapo tong nasa harap niya. Baka nga nainis ng todo to kaninang inasar ko.
"No, I better bring her to the nearest clinic here to check her out" mataimtim na nakatitig sa akin ang lalaki. Ngumiti na lamang ako sakanya.
"No, Sir. I'm fine. Thank you" Ngiti ko ulit, so he can stop na.
"No! I think you fall, hardly." sabay alay ng kanyang mga kamay.
Inis na binalya ni Roberto ang kanyang mga kamay. Napasinghap ako.
"Robert!" Pigil ko sakanya. Galit na talaga to.
"Sir, okay lang po talaga" pilit ko, habang inilalayo na si Roberto.
"We will see again, Miss" sabi niya habang nakakunot na ang kanyang makapal na kilay sa akin. Nagulat ako nang nag-mura ang katabi ko.
"Putangina ka!" susugod na siya nang pinigilan ko. Ano ba to si bakla bigla nalang nagagalit.
"Kuya, okay lang talaga ako, alis na po kami, pasensya na po sa kaibigan ko" ngiti ko. Patuloy kong hinila si Roberto.
Na-upo muna kami sa pinaka-malapit na sun lounger. Ang sakit talaga ng balakang ko, tama si kuya, mukhang malakas ang pagkabagsak ko. Gusto ko talagang pumuntang clinic kung hindi sa baklitang ito. Hanggang ngayon galit pa rin.
"Hoy! Bakla first time yun ah, hindi mo bet?" bulong na biro ko sakanya.
"What are you talking about?" inis niyang baling sa akin. Nanlaki ang mga mata kong nakatingin sakanya. Ano ba talagang problema neto?
"Mayroon ka ba? Kanina na ka pa naka-simangot dyan?" sagot ko sakanya.
"Ni-hindi mo ata napansin na yummy yung lalaki, eh alam kong mas matinik ka sa ganya." dagdag ko.
Nagiba bigla ang kanyang mga mata, umiwas ng tingin sa akin.
"I'm sorry. Wala lang ako sa mood. Bukas nalang tayo mag-activity" sabay tayo niya at bumalik sa villa.
Anong problema niya? Kanina pinagmamadali pa ako, ngayon wala pala siya sa mood? Susunod na sana ako ng bigla kong naramdaman yung balakang ko. Ugghh! Ang sakit! Iniwan pa ako ng baklitang yun.
"YSMAEL ROBERTO GUNDEZ" sigaw ko. Kainis!
