CHAPTER ONE : Left Behind
Nagising ako na wala si nanay sa kanyang kama. Dali-dali akong pumuntang banyo at baka mahirapan nanaman iyon. Mahina na ang katawan niya.
"NAY!" napasigaw ako nang hindi ko siya natagpuan sa banyo. Kinakabahan ako. Tumakbo ako papuntang pinto upang lumabas. Tumaas ang aking balahibo nang makita kong madilim at walang tao maliban nalang sa nagiisang nakatayo sa dulo. Pamilyar ang kanyang tindig, hindi ko lang mawari kung sino ito pero pamilyar.
"Sino po iyan?" Tanong ko habang lumalapit ako. Hindi ko alam bakit natatakot ako pero kusang umaabante ang aking mga paa. Like I coming not because of curiosity but because of familiarity. Umaasang kilala ko nga siya.
"You will never know who I am" tila naglaho ang aking palaisipan na kilala ko siya. Matigas at matikas na pagkakasabi niya ay alam kong hindi ko pa siya nakikilala. I stop walking, unti-unti akong umaatras. Sana hindi na ako lumapit, nakakatakot. He slowly turned to me, hindi ko pa rin nakikita ang kanyang mukha na natatakpan ng dilim. Malakas ang kabog ng aking dibdib, humahakbang na ang kanyang mga paa. He walk to me effortlessly with its pride that he will get me. As he walk to me, his face revealed from lips up to his eyes. Hindi ko nga siya kilala, ngayon ko lang nakita ang mga matang madilim na nakatingin sa akin.
" cause, I will be part of you and you can't change it" dagdag niya nang makalapit siya sa akin. Kumunot ang aking mga mata, sa takot ko tumakbo ako nang hindi iniisip ano ang ibig niyang ipahiwatig. Babalik na sana akong kwarto ng magiba ang paligid.
Hinihingal akong bumangon, agad akong napatingin sa aking nanay na mahimbing na nakahiga sa kanyang putting kama. Bigla ako'y napaiyak at dali-daling yumakap kay nay. Hindi ko maintindihan ang panaginip na iyo ngunit pakiramdam ko mawawala ang nanay ko. Hindi ako makakapayag. Puno ng luha at sinisipon na tumingin ako kay nanay. Mula ng gumising ako sa mundong ito siya na aking nasilayan, siya na hindi ako iniwan sa kabila ng paghihirap niya sa aking paglaki. Kahit ako ay anak niya sa pagkakasala, binuhay niya pa rin ako. Kahit wala akong buong pamilya, binuo niya ako ng pagmamahal na sobra pa sa pagkakaroon nun. Mahal na mahal ko ang aking nanay. Ikakamamatay ko kapag nawala siya sa akin.
"I love you, Nay" sambit ko sabay hinagkan ko siya sa noo. Natigilan ako nang hindi gumagalaw si nanay, kahit mahina ang kanyang katawan mabilis siyang magising. Hawakan ko lang ang kanyang kamay, magigising na siya. Bumalik ang kabang naramdaman ko sa panaginip.
"Nay?" yugyog ko sakanya. Hindi siya sumagot. Pinakiramdaman ko siya sa paghinga. Huminto ang mundo ko nang maramdaman kong hindi humihinga si Nanay.
" NAY!" sigaw ko, syang bukas ng pinto at pumasok ang dalawang nurse kasama si Doctora Resorche. Wala na akong naririnig, tila umiikot na ang aking paningin sa pagtaas ng dibdib ni Nanay at pagbagsak ng kanyang katawan sa kamang puti. Nay, huwag naman. Huwag ngayon, hindi ko kaya.
Tumigil sila.
Muli ako'y napaluha nang tuluyan ng bumagsak ang kanyang mga kamay sa puting kama.
"Herna Carmelita Rosca" basa ko sa lapida.
Its been four years, Nay. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano ang sanhi ng pagkamatay mo. Miss na kita, Nay.
Matapos mawala ni Nay, muling pagbabago iyon sa buhay ko. Akala ko mamatay na ako, gusting-gusto ko sumunod kay Nanay. Baka sa ganun paraan, magkasama kami. Pero hindi nangyari yun dahil sinamahan ako sa pagkakalubog ko ni Clarise. Nagpapasalamat ako sa Diyos at may kaibigan akong tulad niya. Hindi niya ako pinabayaan, siya ang tumulong sa akin upang makapagtapos ako. Ipinasok niya ako ng trabaho dahil sa una ayokong tanggapin ang alok niya. Sinamahan niya ako sa mga panahong paulit-ulit kong naiisip na magpakatiwakal, naiisip ko kasi si Nanay at nalulungkot akong magisa ako.
"Nakakasakit ka na ah, Helen. Hindi mo naisip na nandito pa ako. Kaibigan mo ako, hindi ka na din ibang tao sa akin. Ikaw lang ang kaibigan ko, nandito ako. Huwag mo naman isiping ikaw nalang magisa. Paulit-ulit mo nalang ginagawa yan, paano kung wala ako dito. Hindi mo naisip na hindi din magiging masaya ang nanay mo. Sa ginagawa mo, pati ako mawawala sayo. Sabi mo mahal mo ko, pero hindi ko na nararamdaman kasi hindi mo na ako naiisip. Sa susunod na uulitin mo yan, magkalimutan na tayo" pigil niyang iyak.
Noon ko lang naisip na nasasaktan ko na pala siya. Kaya matapos iyon, hindi ko na muli inisip iyon, pinagtuonan ko nalang aking pagaaral kahit na minsan nalulungkot pa rin akong wala na si Nanay. Ang hirap pala. Kahit kailan hindi na siya babalik. Kahit kailan hindi ko na siya makikita at mayayakap.
"Jeca?" Lingon ko kay Clarise. Ngumiti ako sakanya. Napansin atang tulala nanaman ako.
"Salamat, Roberto" Naiiyak nanaman ako. Niyakap ko siya.
"JECA!" pinanlakihan niya ako ng mata.
"Oh! Mahal kong Roberto" tawa ko sakanyang mukha. Ang gwapo talaga, kainis hahaha.
"Maging lalaki ka nalang kasi, ayaw mo nun hindi ka na lugi sa ganda ko. Mabait at maalagain pa ako." Ngiti ko sakanya.
"Magsitigil ka nga, Helen. Mamahalin pa ako ni Seth" sabat niya. There we go again. Seth. Isang lalaking panay laging bukambibig ni Clarise. Minsan pa ay ku-kwentuhan niya ako paano siya kiligin.
Umirap lang ako sakanya.
"when will I meet him?" tanong ko sabay tingala ko sakanya.
"who?" balik niyang tanong.
"your boyfriend" saad ko. Sinisimulan ko nang magayos ng gamit, isasama ako ni Clarise sa outing nilang pamilya. Mabait ang pamilya niya, dahil sakanila parang nagkaroon ako ng pangalawang pamilya. Sa magulang niyang sobrang maalaga sa akin sa kadahilanang hindi daw sila nagkaroon ng anak na babae. Pinanlakihan lang ako ng mata ni Clarise nun. Noon ko lang din napagalaman na hindi pala nila alam. Pinipilit nga nilang magnobyo kami. Same with her two cute siblings, Daniel Roman and Damien Richard they are only 6 years old twins.
"I don't have boyfriend, Jeca" seryosong saad niya. Kumunot noo ko. Nagalit atang single pa rin.
"si seth?" tanong ko.
"Jusko kang bruhalita ka! Crush ko lang yun, siya yung MVP ng basketball team natin noong college then ngayon pinakasikat na bachelor millionaire. Hindi mo ba siya nakikita sa mga soc med at sa tv man lang. He's trending now, because hindi nila matanggap na taken na ang puso niya. Hinahanap ang babaeng nakita niya daw sa panaginip. Sana ako yung nakita niya." Mahabang sagot niya.
"weird niya ah" its true he's weird, nakita niya sa panaginip hinahanap na niya.
"ka-kilig kaya, jeca. Palibhasa hindi mo pa nakikita kaya hindi ka kinikilig. Baka sa malaglag panty kapag nakita mo ang kagwapuhan niya." Mayabang saad niya. Masama bang magsabi ng weird?
Humahalik sa aking pisngi ang hangin ng dagat habang ako'y naglalakad sa papunta kay Tita Esme na nagmamadaling makalapit sa akin. Niyakap niya ako sabay halik sa aking noo. Ngumiti ako.
"Helen! Namiiss kita, anak. Saan ka ba tinago ni Roberto? " Tanong niya sa akin. Tumawa lang ako,
"Hindi po ako tinago ni Robert, nagtra-trabaho po kami, tita" malumanay na sagot ko. Palagi niiya itong tanong tuwing magkikita kami hindi ko siy maintindihan sa ibig niyang sabihin. Hindi naman kasi kami nagtatago ni Roberto, talagang busy lang kami sa trabaho. Minsan kasi kailangan pa naming lumuwas bilang Program Specialist. Sa totoo, dapat ako lang pero hindi ako hinahayaan ni Clarise na walang kasama sa pagbyahe. Clumsy daw kasi ako, baka hindi na daw ako bumalik. Siya ang bantay ko, tila parang aso hahaha.
"Alam kong tinatago ka niya, skung tutuusin hindi naman dapat kaya lumuluwas may control siya doon. Nagdadahilan lang yan para masolo ka." Bulong sa akin ni Tita. Natatawa nalang ako tuwing ganito siya, walang namamgitan sa amin ni Clarise. Siya ay aking SISTER! Pero hindi pwede malaman.
"Kayo po bahala, Tita." Suko ko sakanya habang tumatawa. Siyang dating ni Clarise bitbit ang aming gamit.
"Ang bigat ah" reklamo niya.
Nagpatuloy na kami sa paglakad patungo sa aming tutuluyan.
Napangiti ako.
Sana nandito nalang si Nanay.
