Prologue

11 0 0
                                        

"Kailan mo ba ititigil yang pagseselos mo?" Tanong ko . Isang linggo na nagseselos hindi pa rin tumitigil sa pagsusuplado.

"Hindi ko na nga nakausap mula noong araw na yun " dagdag ko. Hindi pa rin nagbago ang facial expression niya.

Kinikilig ako.

"I'm the only one who will kiss you, I should be the one." Ani niya . Napangiti ako . Ikaw lang naman talaga , hindi ko intensyon yung nangyari .

Muli ako'y nilalamon ng aking mga emosyon nang sumigaw si Nanay.

"HELEN!" Tawag ni Inay , na siyang nakapagpaputol ng aking pagbabasa. Ano ba ito si Inay , nandoon na eh !

Inilagay ko ang bookmark sa huling pahina kung saan ako natigil bago ako pumunta kay Inay.

"Bakit ho , Nay?" Tanong ko nang marating ko ang kinaroroonan niya. Nakita kong may kasama siyang dalawang naka-itim at nakasalamin din na itim . Mukhang mamahalin ang damit , seryoso rin at mga Gwapo! Kahit hindi ko pa tunay na nakikita ang mga mukha. Ganito kasi yung mga nababasa ko eh .Hayssss.

"Ibili mo ako ng makakain ng mga bisita , yung hindi yung pangkaraniwan ah, espesyal dapat ." Sabay bigay sa akin ng tatlong daan . Nangunot ang noo ko at nagtaka ako. Bakit ang laki ng halagang ibinigay niya? Dalawang tao lang naman ang nakikita ko. Bago ako mapagsabihan lumabas at bumili na ako .

"Nay, sino yung mga kausap mo kanina? " tanong ko nang iligpit ang red ribbon na slice cake na hindi naman nila kinain kahit ang C2 na nasa bote ay hindi binabawasan . Ang arte naman nila!

"Nak! Mga importanteng tao lang na kailangan tratuhin ng mabuti." Sabi niya. Nagkibit balikat nalang ako. Minsan talaga hindi ko alam anong mayroon sa trabaho ng nanay ko, imposible naman kasing kamag-anak namin yun. Wala silang pakialam sa akin, kaya nasisiguro kong sa trabaho yun sana lang hindi kasing lala ng iniisip ko.

Lumipas ang apat na taon mula nang bumisita sila, maraming nangyari. Isa doon ay nailipat ako sa maganda at magarbong eskwelahan, kung saan karamihan sa nagaaaral ay mga mayayaman at kilala. Naikumpara ko ang buhay nila sa buhay ko, malayong-malayo. Mula sa pagkain,sa pananamit, sa pananalita, at sa pagu-ugali.

"What's that? It stinks" sabi ni Clarise, sabay takip ng kanyang ilong. Kailan ka ba masasanay, Roberto? Sinsabi na kasing huwag na sumabay sa akon kumain, tigas talaga ng ulo ng baklang to.

" Alam mo, Roberto. If you don't want sardines, then don't join at lunch. Hindi naman kasi ako kasing yaman mo, para bumili ng salmon na niluluto sa harap mo" nakangiti kong sabi. Hindi ko talaga mawari bakit tila nakabuntot siya sa akin dito sa loob ng eskwelahan. 

"You know naman, Jeca. You are my one and only friend, here. Though your ulam is mabaho, I won't let you to be alone" maarte niyang sabi. Ito na naman tayo, ginagamitan nanaman ako ng talento niya.

Roberto is gay, hindi ko alam kung ako lang nakakaalam basta ang alam ko ito ang sikreto namin. He was the only person who approached and lend help during my adjustment, here in school. I thought that was only pakitang tao, pero naglaon nakita ko ang totoong siya, nakita ko ang kanyang mabuting kalooban at intensyon sa akin. Malaki ang pasasalamat ko sakanya, dahil hindi ako napagsasamantalahan ng karamihan sa mga kababaihan dito. Uso kasi rito ang bullying, lalo na sa mga tulad kong naging maganda lang ang kapalaran upang makapagaral dito. Hindi nila alam na bakla si Roberto, may itsura at may pangangatawan siya kay marahil maraming kababaihan ang nagkakagusto sakanya.

"Thank you, Clarise" pabulong kong sabi. Alam kong matutuwa siya dahil minsan ko lang siyang tawagin sa babae niyang pangalan. Hindi kasi gabi ngayon, hahahaha.

Ngumiti siya at niyakap ako.

"Bruha ka!" Inis na bulong niya habang nakayakap sa akin. Pinakawalan niya ako at kumain na.

Uwian na. Kinuha ko ang reseta, marami nanamang kulang kailangan ko ng makabili bago pa makalimutan bukas. Nailipat nga ako sa prestihiyong paaralan kapalit nun ay na-ospital si Nanay sa hindi malamang dahilan nanatili siya sa ospital at nagpapagaling. Hanggang ngayon hindi ko alam kung ano ang sakit niya, hindi ko din alam kung bakit pampawala ng lason sa katawan ang mga gamot niya. Kung lason lang naman kasi ang tinatanggal niya dapat matagal na itong nawala bakit umabot pa ng isang taon at hanggang ngayon nanghihina pa rin si nanay. Gusto kong ilipat ng hospital si nanay upang mas mapatingin ko siya mabuti para kasing may mali ngunit hindi ko magawa kasi yun lang ang hospital na tumanggap kay nanay nang libre.

"Roberto, hindi ako makakasabay saiyo ngayon may dadaanan kasi ako. Sensya na." Paumanhin ko. Dapat kasi sasamahan ko siyang manood ng paborito niyang basketball practice, hindi niya kasi kayang manood doon nang wala ako.

Sumimangot siya.

"Okay lang. If you want, I will hatid you nalang" lalaking pagkakasabi niya. Nainis to, ganito tono niya.

"Bibili kasi ako ng gamot ni Nanay tapos pupunta ako sa hospital para magbantay. " Sabi ko. Sensya na talaga, Clarise. Hindi mo makikita ang mahal mong si Seth ngayon.

"Babawi ako sayo, sadyang wala kasi si tatay ngayon." Dadag kong medyo nalungkot. Naalala ko, ngayon nga pala ang schedule niya sa tunay niyang pamilya. Pangalawa lang kami, nabuo ako sa pinagbabawal na pagibig.

"Sige na, magiingat ka. Pupunta ka pang kasal ko" nakangiti niyang sabi.

"Liligawan pa ako ni Seth" bulong niya. Natatawa akong lumayo sakanya. Ang feeling talaga minsan ni Bakla.

Hinawakan niya ang aking ulo, sabay gulo ng aking buhok.

"Gusto ko lagi ka lang masaya. Bukas, huwag mo kalimutan. Ingat ka ha!" sabi niya, sabay takbo paalis. Bumilis ang tibok ng puso ko, kahit kailan talaga. Sa kabila ng nangyayari, Roberto will always make sure that I will be fine whenever I'm with him.

Nagsimula na akong maglakad pa-uwi. Maraming nangyari sa loob na apat na taon. Nakapunta ako sa paaralang ito, nag-hospital si Nanay, nalaman kong pangalawang pamilya kami. Maraming nagbago sa ikot ng buhay ko, tulad ng pagiging kaibigan ni Roberto sa akin.

"Nay, bakit hindi niyo po kinain yung adobong nakahanda rito?" Nagkikimkim kong sabi. Hinang hina na nga siya hindi pa niya kinakain yung pagkain niya.

"Wala akong gana. Bakit pumunta ka dito? Dapat nasa bahay ka at nagaaral ng mabuti. Alam mong sinuwerte lang tayo. Hindi ka na dapat nagaalala sa akin, alam ko na ang kakahantungan ko." Walang emosyon niyang sabi. Bakit ganito ka, nay?

"Nay! Huwag ka ngang magsalita ng ganyan. Ni-hindi ko nga alam kung ano ba talaga ang sakit mo, gagaling ka! Huwag po kayong magalala, nagaaral akong mabuti hindi ko sasayangin ang oportunidad na ito." Determinado kong sabi. Ayaw ko man aminin pero alam kong hindi lang sakit ang nararanasan ng nanay ko at nakakasiguro akong may kinalaman ang hospital na ito sa nangyayari sakanya.

"Kumain na po kayo at uminom ng inyong gamot nang makapag-pahinga kayo" mahinahon kong sabi. Nanlulumo nanaman ako, hindi ko mawari kung swerte ako o sadyang buhay lang ako.

Nagaayos ako ng kama ni nanay nang magsalita siya.

"Patawarin mo sana ako, anak" sabi niya matapos uminom ng gamot. Kumunot noo ko.

"Bakit po?" Nagtataka kong tanong.

Hindi na siya muling nagsalita. Tahimik na pumuntang kama at humiga. Natahimik ako at naghintay na makatulog si nanay. Alas-diyes na pala, kailangan ko ng matulog para magising ako ng maaga at uuwi.

Naalimpungatan akong narinig ang andar ng gulong at bukas ng pinto ngunit sa sobrang antok ko, hindi ko na pinansin.

Pure IntentionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon