Kharen's P.O.V.
Alien Galing Mars calling...
"Ba't napatawag ka?"
"Buti naman at kinausap mo ako. Kamusta? May boyfriend ka naba? baka bagong breakup lang, sus! Wag mo nang seryosohin yan! Alam mo ang daming lalaki sa mundo. Lalaki lang yan, wag mo nang problemahin! Alam mo may kasabihang, "Friends are forever, boys are what ever." Kaya ako, friend mo ako.. Pabayaan mo na yang mga lalaking yan.."
Napa iling-iling nalang ako.. Siya si Courtney ang madaldal na kaibigan, slash dakilang usesera, slash #1 fan ko sa pagiging SINGLE.. slash minsan mabait at maalahanin kong bestfriend. Sabay kaming lumaki. Siya ang sinasandalan ko kapag may problema ako.. Karamay ko siya parati.. O kaya, ang clown nang buhay ko.. Kung wala siya, walang kulay ang buhay ko. 'Di na bestfriend ang tinuturing ko sa kanya kundi parang tunay na kapatid.
"And dami-dami mo namang tanong. Isa-isahin mo kaya? Pwede naman diba? Masasagot ko pa kaya. Akala mo sakin robot? Geez. Robot talaga? 'Di naman ako bagal kumilos, ah?
"O siya, kina kamusta lang naman kita kung buhay ka pa ba o patay na. Kung patay na, e di, punta ako jan.. Minsan kalang nga naman mang libre eh! Kape pa't tinapay... Yung Julie's lang malinamnam kasi yan eh, punta ako jan.. Labas tayo treat mo ha? Bye Ren! I love you!!"
" Oo na, libre ko.. 'Di mo ako mapapadaan diyan sa kaka 'I love you' mo.. Kahit mamatay kapa sa kaka I love you sa akin, 'di mo talaga ako maaakit.. Tsk. O kaya naman kahit maubos pa laway mo, di ta-"
Tae, to ah! Binabaan ako, bastos na bata! Kasalanan ng mga Espanyol 'to kung bakit nagkakaganito ang mga bata, ang babastos! Sige na nga makaligo nalang.. Lalabas pa kasi kami ni Alien.. Ligo, dry hair, suot damit, ayos buhok... TADA!! Tapos na ako.. makababa na nga.. Hintayin ko nalang ang Alien nato.. Ang bagal eh.. Di kambisado ang Earth, malalaman mo talaga na sa Mars galing.. Tsk..
*Ding-dong...Ding-dong*
"Oo. Ito na!"
'Di na ako nag dalawang isip.. Alam na alam ko na si Courtney 'to..
"Antagal mo."
"Ito na nga eh," wala pang ilang segundo, nagsalita nanaman.
"Parang ayaw mo eh! Edi uwi!"
"Joke lang yun! Tinotoo mo talaga eh,"
"Tara na nga! Alis na tayo. Tapos ka namang mag-ayos eh,"
"Obvious naman diba? Gusto mo, uulit ako. Ligo, dry hair, suot dam-"
Ugh! Eto talaga oh, pinutol ako.
"Tara na nga eh! ang daming sinasabi,"
Ayon nga, lumabas kaming dalawa.. Napag kamalan pa nga kaming mag-nanay.. Sana naman 'di ako yung nanay na napagkamalan.. Si Courtney nalang, kulubot naman ang panit 'nun! Pango pa yung ilong, baho pa yung amoy ng bunganga.. Kahit ganun 'yun? Mahal ko yun, siyempre.. Dejoke! Siyempre baliktan nung sinabi ko si Courtney, maganda yan, kaso madaldal.. Maaalahanin yan kaso alien-like ang personality.. Habang naglalakad kami, papunta sa isang mall, tahimik ko siyang tinitigan sa mukha.. Sa side na 'to, ang gandanga niya kitang kita ang ilong na matangos. Sarap pugpugin ng martilyo... Nakakagigil na..
"Anong tini-tingin mo sakin? May kulangot ba 'ko?"
"Wala, ang ganda mo kasi.." sabi ko nang may pang-asar na tono.
"Ren naman, style mo bulok! Alam ko na yang ganda-ganda na yan, Ganda ko nga talaga eh no? Gandang sampalin sa mukha... Right to left, left to right, up then down, down then-.."
"Oo na, ikaw na ang maganda.. Pa'no ako? There's nothing left eh, kinuha mo na ang lahat.. Sige, sa'yo na ang lahat.. Pati tong mukha ko sa'yo na.. Itong mata na napakaganda tingnan sa'yo na. Bunutin mo yang mata mo it ilagay ito.. Mga labi na napaka-kissable, sayo na din oh, ito rin tenga na puno ng luga.. Mga ilong na puno ng kulangot, sayo na oh." pag-aalok ko.
BINABASA MO ANG
1-4-3, Numbers That Changed My Life
Fiksi Remaja1-4-3, ang mga salita o numero na gustong marinig nang iba. Kharen Jersey Fuentabella, ang tipong babae na desperedang magkaroon ng boyfriend... Maganda, mabait, matalino.. Oo siya yun! Lahat nalang ng 'M' sa kanya na siyempre except sa malandi...