Lhian's P.O.V
Waaaahhh!!
Sabado na ngayon at exams week na next week! Gigisahin na naman ang brain ko.
"Ayoko na!" Reklamo ko sabay higa sa kama. Tama na! Ang sakit na ng ulo ko.
Pinikit ko ang aking mga mata. Pinipilit ko ang aking sarili na matulog pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Buhay pa rin ang diwa ko pero ang katawan ko..ugh! Patay!
"Gusto ko ng matulog!!!!!" Sigaw ko. Hah! Sana di ako marinig ni kuya. Baka akala nya may kaaway ako o nababaliw na ang pinakamagandang (ayon sa aking pangit na kuya. :P) kapatid nya.
"Princess??" See? Narinig nya. Grabe ng sense of hearing ni kuya.
"Are you okay? I heard na sumigaw ka." Sabi nya sabay upo sa dulo ng kama ko.
"No kuya! I can't take it anymore!!" I said. Walanjo! Di na kaya ng special powers ko! :'(
"Ano bang nangyari princess? Are you hurt??" Natatarantang tanong ni kuya. Dahan dahan akong tumango.
"Sh*t! Sino siya?? Sino?? Mapapatay ko siya!!" Sigaw ni kuya sabay suntok sa side table ko.
O_O.
WHAT??? Sinong siya?
"Tell me Lhian! Who's that bastard?!" Hala. He already lost his temper. Paktay! *face palms*
I can see smoke coming out from his nose. Not a good sign.
"Uhhh-kuya. Calm down will you." I said.
"Anong calm down? After what he did to you? What the--!!"
"Kuya!!!!!!!" Bigla naman nagulat si kuya dahil sa pagsigaw ko! He's being overreacting! Argh!
"Will you please listen to me first?" Bigla siyang tumango. Good. "Anong bastard ang pinagsasabi mo jan?? Sinong siya? Walang siya, ok??"
"P-pero you said you're hurt."
"Yes. Wag o.a kuya. It's about next week! You see, exams week na next week! So you know. My brain is hurt! Damn hurt!!"
His jaw dropped. Maybe he's still sinking it in. Hahahaha. I should've recorded the scene that he made a while ago! It was damn epic!
"Hahahahahhahaha!! You're funny kuya!" I said habang hawak hawak ang aking tiyan. His face! Di maipinta.
He just glared at me at inirapan nya ako. O_O. Para siyang bakla.
"Jan ka na nga! Screw you Lhian Gabrielle!!" He said as he stormed out of my room. Hah! Napahiya ang gwapo kong kuya! Sana dito si ate para may tandem ako sa pantitrip kay kuya Liam!
Hay! Parang nawala ang stress. Okie-- back to work.
Work means REVIEW! Ugh! Tiis lang Lhian.
* * * *
*yawns*
"Hay." Sabi ko sabay tingin sa wall clock ko. "My.my 6:30 pm na. Bababa na ako para makakain. Ayokong mapagalitan kasi di ako nag-dinner. Kailangan daw kumpleto habang kumakain. Well. I don't care at all. At least nabubusog ako. Inayos ko na ang mga libro at notes ko at nilagay ko sa study table at lumabas na ako.
I went downstairs since sa second floor ang kwarto ko. Nadatnan ko ang mga kapatid ko sa family hall.
"Oh sissy." Sabi ng ate Lissa ko. Kambal ni Kuya Liam.
"Oh ate, kailan ka pa nakauwi?" I asked her as i sat on the couch.
"Thirty minutes ago." Sabi nya sabay unat ng kanyang mga binti. Probably tiring ang byahe. Galing pa kasi yan sa Paris. She's studying there at fashion designing ang course nya.
"Ate! Pasalubong!" Sabi ko sabay smile.
"Wow sis! You really miss me, huh!" She said sarcastically. I giggled.
"Well, dun pa sa room ko. Kunin mo na lang mamaya." She said.
Yes! Pasalubong. I bet damit yun o perfume. Or. Waah! French guy. Ewww. May Yojan na ako. Wow! He's not even mine! Ha-ha-ha. Bitter!
Bigla kaming napatayo nang may narinig kaming busina ng sasakyan.
They're here. Sinalubong namin sila ng hugs.
"Oh , Lissa. Honey." Mom said then she beso beso with ate Lissa
"Welcome home, sweetie." Dad said.
"Thanks." Ate lissa replied.
Ok. Pumunta na kaming lahat sa dining area.
"How's your flight Liss?" Mom asked ate Lissa
"Ok lang naman. A bit tiring." Ate Lissa replied
Tapos yun. Nag-usap usap kami. I mean sila. Sila lang. O.P nga ako eh :3
"Mom. Dad. Excuse me." Sabi ko sabay alis sa dining hall.
Pupunta muna ako sa pool area.
Umupo ako sa gilid ng pool habang ang dalawa kong paa ay nakababad sa tubig.
Tumingin ako sa kalangitan. Maraming mga bituin. At ang linaw ng buwan. Hay.
Alam nyo si Yojan ay parang bituin kasi ang hirap niyang abutin. Oo magkasama kami palagi. Oo siya ang bestfriend ko pero hanggang kaibigan lang ang turing nya sa akin.
Hindi ko namalayan na unti-unting tumulo ang mga luha ko. Aish! Ang drama ko masyado.
Iniiyakan ko siya. Marami pa namang iba dyan eh
Pero hindi!!
Walang makakahigit pa kay Yojan.
:)
* * * *
Author's Note:
:3 :3
Vote puhleaaaaseee... !
:*