CHAPTER 5

20 2 0
                                    

Yojan's P.O.V

"Dude,anong nangyayari sa'yo?" Tanong sa akin ni derrick, ka-team ko sa basketball.

"Pagod lang siguro toh." Tugon ko.

Hindi ko nga maiintindihan ang sarili ko. Lately ang tamlay ko. Parang may bumabagabag sa akin at di ko alam kung ano. Ang labo ko! Aish.

Ginulo ko ang sarili kong buhok.

"Oh? Napano ka dyan?" Si Dave.

"Wala. Wala."

"Talaga lang dude? Eh mukhang malaki problema natin ah." Sabi ni Ian

"Oo nga. Yung bestfriend mo bang babae? Ano nga pangalan nun? Liza? Lia? Ay yung si Lhian?" Tanong ni Ted.

Lhian? Oo nga. Araw-araw ko na siyang iniisip at palagi ko siyang napapaginipan. I'm really weird!

D@mn.

.

.

"Silence means yes!" Sabay sabay na sabi ng tatlo.

Ay! Uso pa ba mga ganyan?? Ugh! Toooo old.

"Heh! I'm just thinking." Depensa ko.

"Thinking something?? Or someone?" Tanong ni Ian sabay taas-baba ng kanyang kilay.

Uminom muna ako ng tubig. "Quit it you guys!" Sabi ko. Ayokong iinterviewhin na naman nila ako baka kung ano pang masabi ko. Asaran na naman ang matatanggap ko dito.

"Okay. Hindi ka na namin iinterviewhin. C'mon guys. Practice na tayo." Sabi ni Derrick sabay punta sa court.

Maya-maya ay bumalik na ang mga teammates na nasa labas kanina. Tapos nagsimula na kaming magpractice.

Lhian's P.O.V

Wooh!!! Two subjects to go at tapos na ang aking kalbaryo!

Ang hirap hirap talaga lalong-lalo na sa mathematics. Dumudugo na ata ang utak ko.

Buti na lang. Hay! Nakaraos din.

Hay! Ano ba yan?! Nakailang buntong hininga na ba ako?? Di ko talaga maiintindihan ang sarili ko. Parang bumibilis ang tibok ng puso ko pero di ko din alam ang dahilan. Ay! Ang labo. Makapagcheck-up nga mamaya.

"Lhian!" Dug.dug.dug.

Naku andyan na naman siya. Nilingon ko siya. "Oh Yojan.."sabi ko sabay ngiti at saka umupo siya sa damuhan.

"Kamusta naman ang aking pinakamamahal na bestfriend?"

Yie!pinakamamahal?? Ouch! Bestfriend. Oo na. Oo na. Hanggang bestfriend lang talaga.

"Ayos lang?" Hindi ako ayos. Ewan ko ba. Amp!

"Ows. Ba't patanong??" Tanong niya sakin habang sinusundot sundot niya ang tagiliran ko. Waa! Wag dyan. Lakas kaya ng kiliti ko dyan.

Nagkibit-balikat na lang ako. Wala na akong maisasagot. *Speechless ang peg ko.

Kaya ayun. Kinurot niya ang pisngi ko.

"Arayyyy!! Masakit." Reklamo ko sabay himas himas ng pisngi ko.

Tumawa naman siya.

"Ayieeeeeeeeeeeeee!!!"

Ay pusa!! Nilingon ko kung sino-sino ang mga kinikilig. At aba! Walang iba kundi yung teammates ni Yojan at nakisali na rin si Mauriel. Haist.

"Wa nga kayo!" Saway ni Yojan.

"Asus. Ayaw magpaistorbo!!" Simula na naman ang kantyawan. Ugh! Kailan pa ba toh matatapos!! Author! Fastforward pwde??! :3

Binato ko sila ng mga maliliit na bato.. mga loko talga!

Tumayo na ako at umalis na doon. Ayaw kong manatili pa doon. Baka kung ano pa ang masabi o magawa ko. Mahirap na kaya lalayuan ko na lang temptasyon. Huhu.

Nag-decide na lang ako na tumungo ng library. I need to relax. At tska magrereview pa ako para bukas.

Pagkadating ko sa library, wala masyadong tao. Mabuti nga naman. Nagpasya ako na sa tagong part ng lib ako pupwesto para walang istorbo lalong-lalo na si. . Ugh!! Tama na!! Wag mo na siyang isipin, ok??

Buklat ng libro dito. Basa. Next page. Basa. Next page. Yoja--

Nahampas ko ang libro ng malakas

"Ssssshhhh!!" Saway sa'kin ng librarian at mangilan-ngilan na estudyante.! Naman eh!! Pasulpot sulpot na naman yang pangalan na yan! Lintek! Iisipin ko na nga lang na germs ang pangalan na yan. Oo, pansamantala lang naman.

Para makalimutan ko muna siya. Kahit ngayong week lang.. hay! Good luck sa'kin.

--

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

love never endTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon