Jaspher Kye Aceves
Lahat ay nagsilabasan na sa meeting hall. Naiwan ako dito sa loob dahil sa gusto kong umayaw sa kagustuhan ng CEO pero wala akong karapatan na tumanggi sa kanya at isa pa di siya ang nag desisyon nito kundi ang may ari ng ospital na ito. Oo CEO namin siya pero di siya pwedeng umayaw sa may ari ng building na ito.
"Di ka lang nagmamagaling. Attention seeker ka pa."
Agad akong napalingon sa kanya. She's a brat. Mainit ang dugo sa akin. Pero kung sasaktan niya ako ay di ako magdadalawang isip na patulan siya.
yes I'm still a man pero bakla ako so counted and we're the same of height and body size and ofcourse she doesn't have a right to lay her hands on me. Kahit sino pa siya o malaking tao man ang ama niya di ko siya uurungan.
"Are you talking about yourself?"
Halata sa kanya ang pagkabigla at inis. Tumayo na ako at tumalikod na sa kanya. Ayaw ko ng gulo at higit sa lahat ayaw kong patulan ang isang taong kinulang sa buwan ng panganganak.
Ang iniisip ko ngayon ay kung paano ko maiwasan na magkasalubong ang landas namin ni Nathan. Higit sa lahat ang di niya malaman na may nabuo ang isang gabing pinagsaluhan namin dalawa na puno ng kasinungalingan.
Matamlay akong naglalakad pabalik sa opisina ng mga Doctor at hindi sa consultation room ko. At ibinagsak ang sarili sa isang sopa na meron doon.
"Pagod? O may sinabi na naman ang doktor wakwak na yun sayo?"
Napangiti ako sa sinabi ni Dr. Sales. She's the older one sa department ng mga cardiologist at parang nanay na rin namin. She hate that bitch. Dahil na rin sa mga problemang dala nito sa department namin.
"Wala naman po. Binabara ko na lang palagi. Sumabog siya sa galit kung gusto niya pero wag niya lang akong saktan."
"Good. By the way, congratulations ikaw ang napili. I already expect that, isa kang magaling na surgeon, Kye. Ipagmalaki mo ang kakayahan mo. Okay?"
Nag-thumbs up siya at ganun din ang ginawa ko na may ngiti sa labi. She's mentor also, nung unang pasok ko palang dito. Naging assistant din niya ako para makita ang bawat gawa niya sa loob ng operasyon. I'm thankful for her lalo na sa tulong niya.
Umidlip muna ako sandali sa sopa dahil sa napagid na ako ngayong araw. Bago pa ako pumikit ay tunog na naman ang cellphone ko at alam ko na kung sino yun.
"Papa!"
"Yes, honey? Is there any problem?"
BINABASA MO ANG
TGS SERIES 3: Hidding from a Mad Doctor [MPREG]
RomanceWARNING ‼️: Matured Content | Mpreg | R🔞| BxB| 𝚂𝚝𝚊𝚝𝚞𝚜 : ON-HOLD THE GRAYSON SIBLINGS SERIES FOUR HIDING FROM A MAD DOCTOR Written by: JOHYEONRA