Jaspher Kye Aceves
"Bye na baby ko."
Hinalikan ko muna sa nuo ang anak kong mataba. Bago ako lumabas ng pinto. Nandito na rin ang yaya niya para bantayan ito. Pero mas bata ito sa inaakala ko. Tinanong ko ito kung kilala niya ang nanay ko pero sinabi niya na hindi. Di na ako nagtanong pa baka di nga niya talaga nakikilala si Nanay.
"Tandaan mo na lang ang pwede at hindi pwede sa kanya at kung may problema tawagan mo na lang ako."
Tumango na lang ito bago ko sinabihan si Niel na magpakabait at kung nawawalan na siya ng gana sa laro ay sinabihan ko yung yaya na ibigay ang coloring books dito para di na iiyak kapag naiinip.
Nagsimula na akong maglakad para lumabas ng condo. Sinigurado ko na rin na nakasara ang pinto meron itong lock code na o di kaya ay key card, swipe mo na lang ay bubukas na. Maganda ang condo lalo na ang design ng pagkakagawa. Doctor ako pero second choice ko yung architect.
Narating ko na ang parking lot pero napansin ko na may papel na nakaipit sa harap ng sasakyan ko, nakalagay lang ito sa glass ng kotse. A letter? Pero hindi nakabalot sa sobre, at may nakasulat pa doon na 'FOUND YOU'
Kinabahan ako at nagsimulang nilibot ang mata ko sa paligid pero wala akong nakita sino man. Di ako nagkakamali kay Nathan ito. Siya lang ang may kayang gawin ito sa akin.
Wala akong kaalam-alam na kaharap ko na pala siya sa kabilang side ng book shelf sa library, pagkakuha ko ng isang book ay agad na umalingawngaw ang sigaw ko dahil sa panggugulat niya sa akin tanda ko pa ang sinabi nito '
Found You'.
Di ko alam kung bakit? At ang dahilan para pansinin niya ako nun na parang isang kaibigan. Kahit na magkalaban kaming dalawa sa iisang pwesto ng top 1.
BINABASA MO ANG
TGS SERIES 3: Hidding from a Mad Doctor [MPREG]
RomanceWARNING ‼️: Matured Content | Mpreg | R🔞| BxB| 𝚂𝚝𝚊𝚝𝚞𝚜 : ON-HOLD THE GRAYSON SIBLINGS SERIES FOUR HIDING FROM A MAD DOCTOR Written by: JOHYEONRA