Isa na ata sa mga inspiring na libro sa wattpad na nabasa ko. Inspiring in a sense na parang gusto ko din magsulat tulad ni Barbs. Inspiring kasi doon ko nalaman na in a story hindi lang dapat puro love to the opposite sex, dapat love in all aspects.
Ang ganda din kasi alam mo na lahat ng mababasa mo dito posibleng mangyari. Kung graduating student ka sa highschool (na kagaya ko noong binasa ko ito) sure na makakarelate ka ng sobra sobra. Pero kung hindi, malamang marereminisce mo yung buhay 4th Year/Highschool.
Grabe nga eh. Yung Corps-com (Batcom sa sitwasyon nila Barbs) namin babae din tapoa grabe, sabi ko sakanya super siya si Barbs.
Syempre, hindi rin naman mawawalan ng mga kilig scenes doon. Katulad ni Barbs, medyo hindi ako showy ng kahit anong feelings kaya natutuwa ako kapag kinikilig siya ng di naman niya nalalaman na kinikilig pala siya. Syempre, yung mga kilig scenes ng mga kaibigan ni Barbs.
Kung naghahanap ka ng isang librong gusto mong makarelate, mainspire, matawa, maiyak at kiligin.
Then, basahin niyo to!
BINABASA MO ANG
Anything under the sun
Non-FictionREAKSYON SA MGA STORYA AT KUNG ANO ANO PANG BAGAY NA MAKIKITA SA ILALIM NG ARAW.