INVISIBLE MAN

202 0 0
                                    

Matagal ko ng gustong sabihin to. <3

Kung may isa mang storya na masasabi kong sana eh love story ko nalang din, yun yung invisible man.

Iba kasi si Brent eh. Walang halong pambobola pero sa lahat ng character ng wattpad si Brent ang pinaka -- kumbaga eh, pinaka-nakakainlove in a way na sana siya nalang yung makasama mo habang buhay. Weird, oo. Wala na nga atang katulad ni Brent sa 'tunay' na mundo eh. Minsan natatanong ko sa sarili ko, "May ganito pa bang lalaki?" kada eksena kasi talaga ni Brent at Maxene, laging may knot na nabubuo sa tiyan ko, minsan ko na din naman tong nararanasan sa pagbabasa ko pero iba kasi sila Brent. Basta, iba talaga. Tapos yung the way pa na kumilos at magsalita ni Brent sa story, kitang kita ko talaga. Ang galing, totoo sila sa isip ko. 

Iba din si Max. Siguro kung tibo ako liligawan ko din si Max. (Kung totoo din siyang tao) anlakas ng dating eh! hahaha! tapos yung the way na magsalita siya sa mga POV niya? totoo. Siguro dahil parang hindi naman nalalayo yung edad namin ni Max sa libro kaya parang relate pa sa mga takbo ng pag-iisip niya at hanga ako kasi ang galing ng pagkakasulat! :D

At syempre kung meron man akong pinaka hindi makakalimutan na scene sa Invisible Man? syempre yung nag 'i love you' na si Maxene kay Brent! damang dama ko kasi, yung tipo bang parang nakikita ko na sa pelikula. Yung reaction ni Brent nung narinig niya yun mula kay Maxene. Grabe, parang... "wow. ang intense" 

Madaming magagandang naisulat si ate Jonaxx, halos lahat eh talaga namang napapahanga talaga ako. Heartless, Baka Sakali, End this War, No Perfect Prince... madami, pero iba kasi ang Invisible Man. 

Kung pagsasamahin ang lahat ng mga nabasa kong storya sa wattpad, ang IM na siguro ang masasabi kong pinaka-paborito ko, walang halong biro :)

Anything under the sunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon