Kakatapos ko lang siyang basahin nitong wednesday. ( friday po ngayon.) kaya fresh na fresh pa ang mga kaganapan sa utak ko.
(At walang konek tong sinabi ko sa mga sasabihin ko. XD)
Matagal na nakatambak sa library ko sa phone ung AFG kaso di ko siya nababasa kasi medyo busy busy-han ako at may binabasa pa ako non. Kaso nitong mga nakaraang buwan hindi na ako nakakabasa sa wattpad at kung nakakabasa man eh, laging hindi ko natatapos kasi nitatamad ako.
Kaya nagsimula akong magbrowse ng mga must reads dito tas un, naalala ko ung AFG.
Binasa ko siya at un.. Hindi ko na natigilan at sa muling pagkakataon nakabasa uli ako at natapos ko!
Maganda ang story! Kumpletos rekados kung tawagin kasi may romance, action, madaming comedy at may horror din! Lahat ata ng gumawa ng reviews ito ang simabi eh. Kaya eto, dahil nga bored ako nakikigawa at nakikigaya din ako. XD jk. Pero totoo naman talaga.
May drama din ito pero hindi ganon ka-heavy. Ito ung nagustuhan ko sa story eh. Minsan kasi may mga story na sa sobrang drama parang di mo na matake at maghahanap ka ng lighter story para medyo malift up ka. Ito hindi, kahit na ayan na may dramahan ng nagaganap may character parin na magpapalighten up ng story. ( db ate Humi? xD)
Ito din ang dahilan kung bakit pag- gabi para akong baliw na pumipilipit at tumatawa ng palihim sa sobrang kilig ko kay ARTTTTT! grrr!! as in, kahit paghinga niya siguro pag may exposure siya sa mga chap. Kinikilig ako. (O.A lng.) HAHAHA! Tapos ang naiisip ko na portrayer niya ay si Jang Geun Suk at un pala talaga ang portrayer niya!!! (Ata?)
Pero all in all. Gustong gusto ko tong story na to dahil Simple pero the best. Kumbaga.. Parang kunware sa babae, mas maganda ung simple pero yung mukha niya di mo maalis sa isip mo. Ganun din kasi ang AFG. Mapapakanta ka ng "And i can't get you out of my dreaaaaammmmsss~~".
Ehem. oh? kakanta pa eh. magbasa ka lang.
Un lang. Hahhaa.
Salamat kay ate Rayne sa magandang istorya! I LOVE YOU! :*
BINABASA MO ANG
Anything under the sun
Non-FictionREAKSYON SA MGA STORYA AT KUNG ANO ANO PANG BAGAY NA MAKIKITA SA ILALIM NG ARAW.