NAGPARAYA

14 0 0
                                    

May contain spoilers.

Isa nanamang magandang storya ang bibigyang reaksyon ko. Hahaha di na kasi epektib ang recommendation kasi malamang ay marami ng nakakaalam ng mga nabasa ko na, na malamang ay nabasa niyo na rin.
At dahil may mahigit ilang taon narin ng huli akong nag-update nito, sinisigurado ko sa inyo na matured na po ako hahaha! Kaya anyway, back to the ball game...

Matagal ko ng natapos ang Nagparaya, last year pa ata? Basta!
Eto, aaminin ko na, binasa ko yung Nagpatukso pero di ako masyadong uhm, nahook... Pero nakita ko yung Nagparaya kaya yun muna binasa ko. Pakatapos! Sabay ko ng binasa ang Nagpatukso at Nagparaya for better experience hahaha (tsaka yung Uncnsrd pero kaunting chaps palang ata noon?) at natapos ko sila at ngayon binabasa ko ulit ang Nagparaya!
namiss ko ata yung feels.

Kung magbibigay kasi ako ng isang bagay na tinuro sa akin ng storyang ito, iyon ay ang maging martyr Hahaha Tiniis ko lahat ng sakit eh (wow daig pa si Mari Solei) matapos ko lang kasi nakakadala talaga ang bawat chapters. Na kahit alam mo ng masasaktan ka, ililipat mo dahil tanggap mo ang lahat ng pait at tamis ng bawat kabanata. At talaga namang kahanga hanga si Ate Rayne dahil hindi siya natakot na baliin ang storya.

And to be honest, hindi magiging Nagparaya ang Nagparaya kung hindi naglakas loob si Ate Rayne na gawin itong Nagparaya. (hahaha gets?) The same goes to Nagpatukso.

Eto pa, what makes Eddard Vane stand among the rest besides na portrayer niya si Harry ko (hihi.. Ehem! okay matured na pala me, sorry) ay yung hindi mo kayang hindi siya magustuhan. He is so much likeable kahit na ganoon siya (diba kahit nga mga security guard at tindera sa canteen close close niya haha)
At bilang isang tao na may Second Leading Man syndrome, pwede naman na ang magustuhan ko para kay Mari Solei ay si Chino, wala pang sabit (yet) wala pang sakit ng ulo, hindi pa masasaktan si Aris... Pero hindi! Kasi si Vane yan, siya lang ang bagay kay Aris kaya ninominate niya ang sarili niya hahaha

At siguro kasi ganoon yon, kahit gaano man kahirap ang lahat ng pinagdaanan niyo, kung niloob talaga ng tadhana na maging kayo, kayo.

At isa pa sa mga hinangaan ko dito ay yung kung paano dinala yung twist. Kung paano naexecute, kung paano hindi ginusto ng mga readers na ganito o ganyan ang mangyari. Talagang aabangan at nanamnamin mo bawat bagay na nangyari. Hindi ka na magrereklamo pa kasi alam mong ganito talaga dapat iyon. (Well, at least for me.)

Ito yung storyang bawat sakit worth it. Bawat iyak titiisin.
This story will also teach you hope, na pagkatapos ng lahat ng sakit at hirap may pag-asa parin sa huli. Sabi nga, habang may buhay, may pag-asa.

So, iyon nga, isa nanamang magandang istorya ang naisulat ng isa sa pinakamagaling na author dito sa wattpad. Kaya excited na ako sa susunod na Update ng Uncnsrd hahaha!


A/N: sinulat ko tong reaction, Oct. 2016. Hindi ko lang napublish agad.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Anything under the sunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon