TAHIMIK lang ang dalawa sa loob ng sasakyan. Walang may gustong basagin ang katahimikan.
Sinilip ni Calixta ang katabing lalaki na seryoso sa pagmamaneho at pokus sa daan. Mula sa nakakunot nitong nuo pababa sa makakapal nitong kilay, pababa sa mga mata nitong malalim kung tumitig na may napakaganda at mahabang pilikmata, pababa sa matangos nitong ilong na sakto lang sa sukat ng kanyang mukha, at pababa sa mapupula nitong labi. Wala sa sariling napatitig dito ang babae.
"Don't just stare at it. Taste it."
Hindi malaman kung seryoso ba, nagbibiro o nang-aasar lang ang lalaki sa sinabi dahil sa tono nito. Bahagya rin'g nakataas ang sulok ng kanyang labi.
Napaiwas tingin nalang ang babae at tumikhim para itago ang hiyang nararamdaman. Shit ka Calixta. Nakakaraming hiya ka na sa lalaking to ngayong araw.
Kahit hindi siya nakatingin ay ramdam niya parin ang pag ngisi ng lalaki.
"What's you name?" maya maya'y tanong nito sa lalaki.
Nang walang makuhang sagot ay tinignan niya ito at bored naman siya nitong tinignan pabalik.
"Sungit" bulong nito sa sarili bago umayos sa pagkakaupo. Narinig naman yata siya ng lalaki dahil narinig niya itong nag 'tsk.
"Lexus Chase Severo"
Napalingon siya dito ng marinig na magsalita ito. Di niya inaasahan na nakatingin din pala ito sakanya.
Fot the nth time ay napatulala na naman siya sa gwapong mukha ng lalaki. Shit ang pogi!
"How about you?"
Ngayon niya lang nakikita ng husto kung gaano kagwapo ang estrangherong lalaking kasama niya na ngayon niya palang nalaman ang pangalan sa halos dalawang oras na nilang pagsasama.
"H-huh?" nagtataka nitong tanong pabalik.
Bahagya siya nitong sinulyapan bago pagtaasan ng kilay. Wala siya sa sarili kaya hindi niya alam kung anong sinasabi nito.
"Your name?"
"Ohh. I'm sorry." nahihiyang paumanhin niya dito.
She once again saw him rolled his eyes. Seriously? Bakla amp!
"Uhm. Calixta Vyn Salcedo Korter"
Nakita niya kung paano ngumisi ang lalaki pagkabanggit niya sa dinadalang apilyedo. Napasulyap din ito saglit sakanya pababa sa daliri kung saan naroroon ang wedding ring nila ng kanyang asawa.
"Fucking Korter" mahinang mura ng lalaki na hindi niya narinig
"H-ha?"
"Nothing."
Calixta was thankful ng makita na malapit na sila sa bahay. Umayos na siya at hinintay ang pagtigil ng kotse sa tapat ng kanilang gate tsaka hinanda ang sarili para bumaba.
"Let me." maikling saad ng lalaki nang akmang bubuksan na niya ang pinto ng kotse
Bumaba ito at ilang sandali lang bumukas din ang pinto ng kotse sa passenger seat kung saan siya nakapwesto.
Oww. Gentlegay hmm.
"Nice house" puri nito habang nakaharap sa bahay.
"Hindi naman sa akin 'to. Sa asawa ko."
Lexus' lips just formed an "O" at sandali na namang napatitig doon si Calixta.
"Salamat sa paghatid Chase pasensya na din sa abala at dun sa nangyari kanina"
"It's nothing"
Nang wala ng maisipang sasabihin ay inangat niya ang tingin sa lalaki para pormal na sanang magpaalam pero nahuli niya itong nakatitig sakanya.
Agad na namula ang kanyang mukha sa isiping baka kanina pa siya tinititigan ng lalaki dahil halos dalawang minuto din silang nakatayo lang.
Napaangat ulit siya ng tingin nang narinig ang pagtikhim ng kaharap.
"Ang putla mo, mukha kang pagod. Pumasok ka na sa loob at magpahinga. Aalis na ako"
Napasinghap siya at muntik ng mapatili ng marinig magsalita ang lalaki.
Hindi lang dahil sa ngayon niya lang ito narinig magsalita ng tagalog mula nang magkausap sila kanina. Kundi dahil sa lambing ng boses nito habang sinasabi ang mga salitang 'yon sa kanya. Para siyang inaakit at dinuduyan.
Shit ang landi ng boses niya kapag tagalog!
"I got to go. You should take a rest"
Mas lalo yatang nawawala sa sarili si Calixta ng maramdaman niyang hinalikan siya nito sa gilid ng kaniyang labi.
Hindi siya agad nakagalaw at nagmistulang istatwa na tanging mata lang ang gumagalaw dahil sa pagkurap kurap nito. Hell! Muntik na! Kunting lingon lang swak na swak na maglalapat ang mga labi nila sa isa't isa.
Hindi na niya namalayan na wala na ito sa harap niya at nakapasok na sa sasakyan.
Nang makabawi ay nagkunyari siyang hindi apektado sa nangyari at agad din siyang nagpaalam dito which he simply answered with just a nod.
Ilang hakbang palang ang nagagawa niya patungo sa pintuan ay napatigil siya ng maalala ang ginawa nitong paghalik sa kanya.
She may not see it pero base sa naramdaman niya kung paano mag-init ang pisngi ay alam niyang sobrang pula na ito ngayon. Hindi niya lang sigurado kung dahil ba sa hiya o sa kilig. Or maybe both.
Oh God. That stranger just kissed me! Sheez... I mean... Yes okay, I know his name. But I just met him awhile ago! 3 hours ago to be exact, so basically he is still a stranger! Oa niyang pagkausap sa sarili.
The image of that man suddenly popped up her mind. Her attention was focused only on his soft red lips. Hindi man siya nito nahalikan sa labi pero alam niya at ramdam niya kung gaano ito ka lambot.
Goodness! That lips was the one who kissed her earlier! Not exactly on her lips but hell! Ganun na rin yun.
Hindi niya alam sa sarili pero nakaramdam siya ng kaunting pagkadismaya dahil hindi sakanyang labi lumapat ang labi nito. He should've just kissed her on the lips instead! Pabitin!
Dahil sa naisip ay tinampal niya ang nuo at bahagyang sinabunutan ang sarili.
Shit ka Calixta! May asawa ka na anong klaseng karupukan meron ka at kinikilig ka sa gwapong baklang masungit na yun?! It was just a kiss and it is not even on the lips! Calm your shit down!
Nagpatuloy na siya sa paglalakad palapit sa pintuan para buksan ito. But once again she stop and unconsciously touched the side of her lips.
Ilang minuto na ang nagdaan and yet she can still feel his soft lips on the side of her lips. It's as if his lips was still pressed in there.
Muli na namang uminit ang kanyang mukha. Oh my God Calixta! You're being crazy, move on!
BINABASA MO ANG
The Cheater's Downfall
RomanceA story of a cheated wife to her cheating husband. How long will a wife's loyalty takes before she decide to finally give up her love for her unfaithful husband? Can one of them be the water to stop the fire for burning or both of them will enjoy th...